-----56th string-----

Start from the beginning
                                        

Tumakbo ako pabalik sa salamin.

“POTEEEEEEEEEEK hindi ko yata kaya lumabas ng ganto! Hindi bagay!”

“What ‘hindi bagay’? Are you out of your mind Leeanne? You look dazzling gorgeous!”  biglang singit ni Blaire matapos pwersahang pumasok ng kwarto at nagdere-deretso sa kin at pumwesto sa likod ko hawak ang magkabilang balikat ko.

Saglit akong tulala sa super model na katabi ng reflection ko sa salamin. EMERGERD. I’m a man now.

Lalong lumitaw ang hotness ni Blaire sa suot nyang red two-piece na binagayan ng black na loose seethrough dress na binuholan sa bandang bewang kaya naemphasize lalo ang curves nya.

Pero bago ko pa man sya mabatuhan ng compliment ay iniharap nya ko sa kanya. Kagaya ng dress nya, binuholan nya din yung akin sa gilid sa bandang bewang.

“There. Much better. Oh, wait. I told you to tie your hair, Leeanne. You hard-headed lady.” Sermon nya sabay hablot sa buhok ko. Itinaas nya yon ng maigi at ginawang bun.

“Blaire... Pwede bang magshorts man lang ako?” tanong ko habang busyng-busy sya sa pagpapaikot sa’kin para tingnan ang kabuuan ko. Nakakahiya! Hiyang-hiya na ko tumabi sa kanya. Feeling ko muka kong trying hard e.

“Oh no you’ll ruin the picture. Come on. It’s time for us to see their eyes falling out of their sockets.” Sabay hila sa’kin papunta sa pinto.

“Ano, Blaire, magbasketball na lang pala tayo! O kaya magvolleyball? Kahit maghanap na lang pala tayo ng Dragon ball! Okay lang tanggap ko nang talo ako sa tournament! Sabi mo we have to finish what we started diba?” pigil ko sa kanya. Hindi ko talaga keribumbum ang soot ko. Sabihin nyo nang OA ako pero OA talaga ko. Hindi ko kayang dalhin ang sarili ko sa gantong pananamit.

“Of course we’ll finish what we started. But for now, let’s go have some fun!”

At sa paghila nyang muli sa’kin, hindi na ko nakapalag. Pero anong ibig sabihin nya sa “We’ll finish what we started”? Akala ko ba pool party ang mangyayari? OH NOES. I smell something fishy. Wala namang isda sa pool diba?

.........................

Pagkarating namin sa living room, natanaw ko agad mula sa glass wall ang topless na si Kevin, looking sizzling hot sa kanyang black trunks habang nag-iihaw with matching smoke effects galing sa ihawan.

Napaisip naman ako. Ano kayang soot ni Vano? Makikita ko kaya ulit yung abs nya? :D

Pagkalabas na pagkalabas namin mula sa glass door, nakaramdam ako ng masamang aura. Nang mavibes ko kung saan nanggagaling yun ay tiningnan ko agad ang direksyon non.

Bumungad sa’kin si Vano na nakablack-and-white Billabong board shorts... at  plain white shirt. Kainis. Bakit sya nakashirt? -_-

Nang umakyat sa mukha nya ang titig ko ay sinalubong ako ng magkasalikop nyang kilay at Ano-ba-yang-soot-mo look. Okay. Mukang alam ko na ang pinanggagalingan nya.

“Baby!” tawag sakin ni Kevin habang kumikinang ang mga matang lumalapit sa’min ni Blaire.

“You look AWESOME!” bati nya sabay yakap sa’min ni Blaire.

Okay. Kelangan may pagyakap?

“Not so fast.” Higit ni Ivan kay Kevin.

“Inggit ka lang, man. Come on, group hug.”

Bago pa man makaulit si Kevin, hinila na ko ni Blaire papunta sa kubo.

Pagkarating na pagkarating namin, sinalubong agad ako ng amoy ng mga inihaw na barbeque, chicken inasal, itlog na pula na may kamatis, inihaw na talong at kung anu-ano pa. Meron ding indian mango at singkamas na pinagigitnaan ng alamang.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now