“Mamayang gabi pa naman tayo aalis ah. Pwede pa tayo maglaro. Ivan here is ahead of me by one point. I don’t want him to have my baby.” Mayabang na sabi ni Kevin sabay kindat sa’kin. Eto na naman po sya.
“Wag na lang natin ituloy para maganda. O kaya next year na lang natin ituloy. Para may thrill diba?” masiglang suggestion ko.
“You’re not going to get away with this, baby.” Kevin blurted then smirked at me.
“Hindi naman sa gusto kong takasan yung tournament.” Kahit totoo naman. “Kaso lang kasi nitong mga nakaraang araw wala na tayong ibang ginawa kundi maglaban-laban! I want peace on earth! Pwede bang mag-enjoy na lang muna tayo? Ni hindi pa ko nakakalublob sa swimming pool nila Blaire e.”
“That’s it! Pool party will do!” – Blaire
“YEAH!” Sa wakas! Malilimutan na nila yung tournament!
“Alright! I’m looking forward to seeing our ladies here wearing their two-piece.” – Kevin
“At least don’t forget to wear your blindfold, Natal.” Walang ganang sabat ni Vano.
“Are you kidding me? It’s not like I’ll let you have these ladies to yourself.” – Kevin
“I suggest you wear decent clothes. This man has self-control issues.” Baling ni Vano kay Blaire matapos deadmahin ang pag-alma ni Kevin.
“Come on, dude. Maria Clara ladies are extinct! Just enjoy this, man!”
Hindi pa tapos sa pagtatalo ang dalawa nang bigla akong hilahin ni Blaire patayo “Come, Leeanne. We have to choose the swim suit that will surely make them drool.”
“Ha? Eh teka baka mamaya magsapukan pa yung dalawa e.” pigil ko. Mukang hindi maganda ang pakiramdam ko ah. Baka bulak na lang ipasuot sa kin ni Blaire!
“Let them. Phil is just too conservative.” Sagot nya sabay hila sakin papunta sa kwarto nya.
“Ha? Eh pano kung...”
“Leeanne.” Biglang harap nya sakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. “They’re talking to each other now, right? It’s a progress!”
“Aba oo nga no. Kaso okay lang ba yun nag-uusap nga sila barahan naman?”
“It’s more than okay, a’right? Now, let’s get started.”
At dahil wala naman akong choice, nagpahila na lang ako sa kanya.
Matapos ang halos kalahating-oras na pamimili ng damit, sa wakas ay nakapili na si Blaire ng gown este swimsuit na ipapahiram sakin. Nagshower lang ako saglit tapos isinuot na ang black halter peekaboo na swimsuit na nasa magkabilang gilid ang butas. Pakiramdam ko nga e kita na ang bituka ko pagsideview. Matapos tingnan ang sarili sa salamin at mamangha ng kaunti sa itsura ko, ipinatong ko na ang white seethrough dress na kaluluwa ko lang yata ang tinakpan.
“Jusko po Lord, pasensya na kayo sa itsura ko. Wala lang po akong choice.” Sabi ko habang nakatayo pa rin sa harap ng salamin.
“Di bale Leeanne Faye. Ito na lang ang natitirang paraan. Itong pool party na ito ang magiging susi sa pagkaligtas mo sa pagiging biggest loser Tagaytay edition. Aja aja fighting!” Mayabang na sabi ko sa reflection ko sa salamin at nagsimulang maglakad papunta sa pinto.
Hinawakan ko ang doorknob.
Nagsign of the cross muna ako at huminga ng malalim.
Pipihitin ko na sana ang doorknob nang...
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----56th string-----
Start from the beginning
