-----56th string-----

Start from the beginning
                                        

Teka... ako pa ba yung topic dito o...

Tanungin ko kaya siya kung nakamove-on na siya kay Kevin? Kaso for sure hindi niya alam na alam ko yung past nila. Hmmmmm. Si Kevin kaya yung tinutukoy nyang hindi sya magawang mahalin pabalik?

“Uhm... Blaire? May gusto ka bang iparating o sadyang may pinaglalaban ka lang?”

Bigla naman nyang hinawakan ang mga kamay ko at lalo pang lumapit sa’kin.

“All I’m saying is that... If you are in the chapter of choosing between the one you love or the one who loves you, choose the one who loves you. That way, you’ll be happier. You are a kind-hearted person, Leeanne. You deserve someone who’s willing to do everything and anything just to be with you. Besides, it’s not impossible to fall in love with the one who loves you, right? Phil is not hard to love anyway.”

“Bakit... bakit nasama sa usapan si Vano?”

Agad nyang binitawan ang mga kamay ko para takpan ang bibig nya. Nanlalaki ang mata nyang nakatitig pa rin sa’kin.

“Oh... No I’m not referring to him, okay? It’s just that... Uh... What I mean is...”

Oo nga naman. Kung sya ang papipiliin, mas gugustuhin nya yung mahal sya kesa sa mahal nya. Kaya siguro ngayon...

Si Ivan na nga ang pipiliin nya.

“It’s okay, Blaire. You don’t have to explain.” Sagot ko sa kanya ng nakangiti.

Sabi na e. Hindi na ako ang topic dito. Sila na ni Ivan ang pinag-uusapan namin. Pero bakit ba kailangan pang pag-usapan namin to? At bakit ngayon pa? Masakit ah.

“OH MY. Phil will surely skin me alive.”

Magtatanong pa sana ako nang may sumingit sa usapan namin...

“What’s up, ladies?”

..........................

“Come on, baby. Just try it.” - Kevin

“Ayoko talaga, Kevin. Spare me, ples.”

“Please, baby? Please?” - Kevin

“Why don’t you mind your own food, Natal?” – Ivan

“Baby, you eat this, or I‘ll eat you.” – Kevin

“Eto na nga e!” masamang loob na sagot ko habang unti-unting binubuka ang bibig ko. Kanina pa kasi ako pilit sinusubuan ni Kevin ng hilaw na tuna. Kesyo sashimi daw yun at masarap daw talaga. Pero kahit ano pang sabihin nya, hilaw na tuna yun... HILAW! Tusukin ko sya ng chopsticks e.

“Come on, baby. Open up.”

And there, pinasok nya na ang hilaw na nilalang sa bibig ko. Hindi ko pa man masyado nangunguya eh ramdam ko nang naduduwak ako kaya nilunok ko na lang ng buo.

Tawa ng tawa si Kevin sa reaksyon ko samantalang nakangiti lang sa’kin si Blaire. Si Vano? Ayun may sariling mundo na naman.

Nandito nga pala kami ngayon sa dinning table, nagmemerienda ng pastang niluto ni Blaire habang tulog ang mga tukmol samantalang nageemote ako sa sala.

“Uy, ano nang plano natin ngayong araw? Uuwi na tayo mamayang gabi diba?” tanong ko matapos uminom ng juice.

“Well... It’s already 3 in the afternoon and I don’t think we can still play ball games for the tournament. Thanks to these early birds. You guys are too early for tomorrow.” Damang-dama ang bitterness sa tono ni Blaire. Gusto nya daw kasi sana magbadminton, basketball, chaka volleyball. Lalo na ngayong maganda na nga ang panahon. Kaso naman, kakagising lang ng dalawa. Halos wala nang oras na natitira sa’min kasi maya-maya lang kailangan na naming magayos ng mga gamit.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now