C34 - Mood Swings

Zacznij od początku
                                    

Hindi naman nagpa-deliver kaya paanong may bago? Baka pati nga suot niya ay bago?

“Anak, bilis na.” Pukaw kay Catharine ng yaya niya.

Nakapanhik na naman pala ang matanda, hindi pa naman siya nakakababa.

“Yaya? Ano po itong mga bagong sapatos? Sino po ang bumili?” Usisa niya.

“’Di ba kayo ang may dala noong araw na nagkita kayo ng nanay ika mo sa restawran? Bitbit ni Drear ang mga iyan kasama iyong ice cream na lusaw na lusaw at cake.”

Napaisip siya. “D-Di ba po kay Ate Amor ‘yon?”

“Dito nga ipinapasok ni Drear, malamang na sa iyo.” Sigaw niyon sa labas.

Yay! She beams and felt the thumping of her heart. Sa kanya pala ang mga iyon. Hindi lang sa kanya sinabi ni Drear kasi nga magkaaway sila nang mga oras na ‘yon.

Lumabas siya ay nakangisi pa siya. Parang nawala ang lahat ng inggit niya noong oras na ‘yon dahil sa nadiskubre niyang katotohanan.

“O, dinaig mo na ang naengkanto riyan.” Puna sa kanya ng matanda na nakangiti rin. “Sabi ko sa iyo mabait iyon kaya lang walang kasing ilap na hulihin ang ugali. Palibhasa walang kapatid, maagang naulila sa ina, tapos malayo ang loob sa ama dahil sa pag-aakala na ginusto ni Abelardo na mamatay ang Mommy niya. Tapos na-bully pa. Wala na. Talagang parang naging bato na siya dahil akala niya ay dinagukan na siya ng buong mundo.” Umiiling na sabi nito.

“O hala na nga, napachismis na ako. Halina at mag-almusal na at magugutom si beybi.” Napasulyap pa si Lerma sa t’yan  niya at sa kabuuan. “Ang ganda mo na naman ngayon, anak. Dinaig mo ang manika.”

“Salamat po yaya. Pwede po kaya akong pumunta kina Nanay? Gusto ko po kasing sabihin na ang totoo at ayoko po na itago si baby.”

“Magpaalam ka kay Greg. Tatawag ‘yan kay Drear at sasabihin niyan sa’yo kung ano.” Tuluyan na itong lumabas ng kwarto at siya naman ay bumalik sa loob ng walk in at kinuha ang bag na gagamitin.

Nang makalabas siya ay sinalubong siya kaagad ni Greg sa may paanan ng hagdan, may dalang buklak ang lalaki at hindi lang basta bulaklak kung hindi bouquet pa na parang pang Miss Universe sa laki.

Sa labas ay parang mga tanga na nakasilip ang mga ibang tauhan at parang ginagawang katuwaan ang mga pumpon ng bulalak.

“Miss,”  ani Greg sa kanya na nakangisi.

“Ano kuya?” inosenteng sagot naman ni Catharine sa lalaki na kinuha ang bag niya.

“Ilalagay ko na sa kotse itong bag.”

“Kaya ko naman. Hindi niyo kailangan na pagsilbihan ako. Sanay ako na magbanat ng buto.” Naiiling na sabi niya pero naroon na, nakuha na nito ang bag.

He hands her the bouquet and she looked at it intently. “M-May patay ba?”

Nagtawanan ang mga tauhan sa labas ng pintuan kaya siya ay natawa rin dahil napakamot si Greg sa ulo.

“Tahimik!” Mariin na sigaw nito sa mga barako boys. “Kapag nalaman ni boss na tumatawa kayo, ipapakain niya sa inyo ang mga bulalak na ito!”

Agaran naman na natahimik ang mga iyon at siya naman ang parang tuluyan na kinilig na talaga.

“M-May pabulaklak si Boss Light?”  umarko ang mga kilay ng dalaga tapos ay tumingin ulit sa mga bulaklak na hawak ni Greg.

She can’t hide her smile and she can’t even control it. She accepted the flowers and smelled them. Those were pink roses with whites.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Jul 13, 2018 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

TRADED✔️(inc)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz