Simula

7 0 0
                                        


Bilang na lamang sa mga tao ngayon ang nagmamahal ng pangmatagalan...




Minsan kasi kaunting problema lang suko agad.




Nasaktan lang awat agad.


Hindi man lang pina-explain, hiniwalayan agad.


Ganyan ba talaga ang pag-ibig?

O ang mas magandang tanong...


Ganito ba talaga ang mga tao?


Napakababaw...

Nakakatawang isipin na ganito na pala ako mag-isip. Na ang bata kong puso ay puro pag-ibig na ang laman.

Napangiti ako sa aking naisip, siguro ganito mag-isip si Shean.


"Shean!" Tila dumugo ang tenga ko sa malakas na sigaw sakin ni Jennie. "Ano ba! Kanina pa kita tinatawag ha! Lutang na naman yang isip mo!"

"May iniisip lang..." Tangi ko na lamang sabi.

"At ano naman yang iniisip mo?! H'wag mong sabihing si Bryce na naman yan ha!" Napatingin ako sa mukha ng kaibigan ko. Muntik ko nang mapisil ang mga pisngi niya sa sobrang taba nito.


"Bakit mo alam?"

"Kita mo?!Ni di ka man lang nag-deny!Nakuu kang bata ka! Ilang taon ka pa lang ha? 16? Haayyyy... Teh h'wag pag-ibig ang nasa isip ha nakaka-cancer yan!" Sabi ng madaldal kong kaibigan na nagpangiti lamang sakin.

Kung Fu kasi parang ang bitter nito pero sa totoo lang tatlo-tatlo ang nobyo.


Hindi ko na ipinaglaban ang sarili ko at tumango na lamang sa kanyang sinabi, "Kumusta na pala kayo ni First?" Pag-iiba kong tanong.

"Wala nang First teh sumuko na bwahahaha!!" Tumatawa nitong sabi sabay sampal sa braso ko.

"Eh si Second mo?" Tanong ko ulit.

"Ah yun ba?! Hinawalayan ko na ang boring kasi puro alien yung sinasabi! Malay ko ba kasi sa pinagsasabi nu'n ni hindi ko nga ma pronounce---maintindihan pa kaya!"



"Eh si Third?" Di gaya nung nauna biglang lumaki ang ngiti nito sa akin.




"Ayun going strong pa rin ahhihihihi~" Kinikilig nitong sabi. Umiling na lamang ako sa sinabi niya. Palibhasa maganda kaya maraming manliligaw.


"Teka!" Nanatili ang tingin ko sa kanya. "Winawala mo ang usapan ha!" Malisyoso nitong sabi. "Bakit mo nga pala iniisip yung si Bryce ha! Eh gago 'yun ah! Manloloko yun! Ang daming babae nun. Gwapo nga mahangin naman. Kaya nga kahit maganda ako hindi ko pinapatulan yun eh like eeewww yuck gross!" Hindi ko na talaga napigilan ang aking tawa sa sinabi ng kaibigan ko. Kung makapagsalita kasi ito parang hindi rin gaya ni Bryce ang ugali niya. No offence pero kasi naman totoo. Pero kahit ganoon love ko pa rin naman 'tung babaeng tu.

Atsaka si Bryce...

Kita ko dito sa aking kinauupuan si Bryce...

Nakatawa...

Kasama ang mga kaibigan niya...

Bigla ulit akong napaisip ng malalim...

Si Bryce...


Oo siya nga.
.
.
.
Ang tao sa aking misyon...
.
.
.
.
Ang taong dapat kong pasiyahin...
.
.
.
ng totoo at hindi isang pilit at panandaliang kasiyahan lamang kagaya ng nakikita ko ngayon.


Ah! Nakalimutan ko palang sabihin.



Ako nga pala si Shean...

bilang tao


pero ako talaga si Eury













isang anghel....

at si Bryce?

Siya ang misyon ko.

4everMALDITA

Until DeathWhere stories live. Discover now