We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

CHAPTER I - Kaibigan

1 1 0
                                        

Hello, ako nga pala si Josh Garcia. Isa akong kasapi ng B-Squad. Ang pangkat na iyon puro barumbado na miyembro. Tamad akong tao. Pero, hindi lang yon. Isa pa ko'ng ikinapopogian ng ibang tao, mayaman, mayabang, at isa din akong smoker. Masyado akong siga, pero may respeto din naman ako sa nakakatanda sa akin.

So ayon nga, meron anunsyo samin yung adviser namin. Magkakaroon daw kami ng bagong kaklase, ngayon palang siya pupunta sa section namin.... Maya-maya nakarating na siya. Nung siya'y dumating, napatunganga ako. Ang kanyang mahabang kulot na buhok, makinis na muka, at ang kanyang magandang ngiti na labas ang ipin. Siya ay si Charlene Mendoza. Napakaganda niya. Siya ang pangalawang babae na ikinagaganda ko ngayon. Actually, ung panguna? Ex ko siya. Siya si Jenny, Jenny Cornejo. Nung second year highschool pa kami... Oo, second year highschool. Medyo hindi pa tama sa age namin. Pero nakita ko nalang talaga siya na may nilalanding lalaki. Pero okay na ako ngayon. Nakapag-move na ako sakanya. Tsaka, dati pa yon. Forth year highschool na 'ko ngayon.

Pina-upo siya ni Sir Mercado sa tabi ko. By the way, si Sir Mercado? Adviser ko siya. Magaling siyang magturo. So ayon, mukang mahiyain si Charlene. Nakatitig lang sa lamesa niya, pero ang ganda niya padin. Kumikintab ang kanyang mata, at ang haba ng kanyang mga pilikmata. Nakikita ko palang sa mata niya, muka siyang mabait na tao. Gusto ko siyang kausapin, kaso baka isipin niya na may balak ako sakanya. Siguro mas maganda nalang na wag muna. Nagawa ko siyang hindi mapansin sa buong klase.

Sunod na araw, medyo nawawala ang kanyang kahiyaan. Nakagawa siya ng isang kaibigan na si Rosemarie Orante. Si Rosemarie ay mabait na tao tsaka matalino yan. Kaso nga lang, may pagka-pranka yan. Nung recess at lunch, nagseselos ako kay Rosemarie. Kada magkasama sila, naiisipan ko'ng ako ang kasama ni Charlene. Naiinlove ako sakanya. Pano kaya kung i-chat ko siya? Hmm, siguro hindi muna. Sa tamang panahon na ata.

Susunod na araw uli, may sinabi sakin si Raven. Si Raven, kaibigan ko siya. Kasama siya sa B-Squad. Pero sa totoo, pinsan ko din yan si Raven. Siya yung babaeng ilang beses na nanakit ng lalaki. Angas noh? Isa siyang sadista. Oo nga pala, yung mga miyembro sa B-Squad, sila Terrence, Lance, Janica, at si Kurt. Sila ang mga B-Squad na mga kasama ko.

Balik sa kwento, may sinabi sakin si Raven tungkol kay Charlene. Sabi niya sakin, "Josh, may napapansin ka ba kay Charlene? Yung kaklase natin." Sagot ko, "Oo, bakit?" Sabi niya, "Mukang hindi siya virgin." Sabay halakhak ito si Raven. Malibog kase yan.

The next day, nag-pangkatang gawain kami sa agham. Naging ka-grupo ko si Charlene. Mabait pala siya. Siya yung babaeng hindi maarte sa lahat. Sa nagtagal, naging magkaibigan kami. Sobrang saya niya kasama... Pero yung mga gago ko'ng kaibigan sa B-Squad hindi ako matantanan kay Charlene.

Nagpasama sakin si Charlene gumawa ng proyekto para sa agham. Edi kailangan ko'ng pumunta sa bahay niya para makagawa. Ang saya saya niyang kasama. Napakasaya ko dahil kasama ko siya. Nakikita ko ang kanyang gilagid. Ngiting hanggang tainga. Ito siguro ang aking ideal type ng babae. Simple lang. Mukang mas sasaya ako kay Charlene kaysa sa dati ko'ng ex na si Jenny.

Uwian na. Sigurado nanaman na wala akong gagawin sa bahay. Mas gugustuhin ko nalang na titigan siya na matagal kaysa pa dito sa bahay na walang magawa. Oo nga pala, mayroon akong hindi nabanggit. Isa ako sa mahilig gumawa ng tula. Ako yung lalaking hindi lang puro pa-pogi ang iniisip kung hindi ang tula din. Balak ko nga sana siyang gawan ng tula na pa-sikreto. Ang iniisip ko pa ay ang pamagat ng aking gagawin na tula... Teka, pano kaya kung, "Ika'y Lumiliwanag Sa Aking Puso"? Kayo ko naisip yun dahil kada nakikita ko siyang nakangiti sa harapan ko, ang puso ko'y lumiliwanag. Magsimula na kaya ako?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ika'y Lumiliwanag Sa Aking PusoStories to obsess over. Discover now