Inopen ko yung sa missed calls at halos puro kay Nicole tapos meron ding kay Tita , Tito at kay Nicolas. Maging yung iba kong kabarkada ay may missed calls din. Anong meron? I checked the messages at dun na tumigil ang mundo ko.
Tita Natalie
We lost her, Our girl's gone
Tito Lexter
Iho wala na si Nicole
Nicolas
Iniwan na tayo ni Nicole, pre
Biro lang ba to? Ano to prank? Kasi hindi nakakatuwa. HINDI NAKAKATUWA! Agad kong tinawagan si Tita Natalie at nang oras na sinagot nya ang tawag ko, alam kong totoo nga. Humahagulhol sya at hindi na halos ako makausap sa kabilang linya. Dito rin pala sa ospital kung saan itinakbo si Papa, dinala si Nicole. Tumakbo na ako sa morgue ng ospital. Naabutan ko silang tatlo na nasa loob din. Yakap ni tito si tita at umiiyak din si Nicolas sa kabilang sulok.
Nang makita ko ang bangkay na may nakatabon na kumot mula ulo hanggang paa, nilakasan ko ang loob ko na ihakbang ang mga ito palapit dito.
Hindi. Panaginip lang ng lahat ng ito. Biro lang lahat ng ito. Pag ibinaba ko ang kumot na tumatabon sa bangkay na ito, hindi si Nicole ang makikita ko. Pero nang sandaling ginawa ko ang nasa isip ko, hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak at yakapin ang katawan ni Nicole.
"Nicole! Gumising ka naman! Hindi magandang biro ito. Kausap pa lang kita kanina. Pinuntahan mo pa ako sa labas ng kwarto ni Papa. Sinabi mo pa nga na mahal na mahal mo ako. Na dabest boyfriend ako in the whole world diba? Nicole naman! Gumising ka o. Wag ganito. Please. Please Nicole."
Nagmamakaawa ako sa nakapikit nyang mga mata. Sa walang buhay nyang katawan. Sa hindi tumitibok nyang puso at sa bibig nyang hindi na magsasalita at sasabihin kung gaano nya ako kamahal. Hindi ko na maririnig ang malamyos nyang tinig. Ang mga ngiti nya pag nakikita ako na nakakawala ng pagod pagkatapos ng exams namin.
"Love, ililibre kita ng madaming oagkain kahit ano Love. Kahit ano. Gumising ka lang. Saka monthsary natin bukas Love. Wag namang ganito. Ayokong mawala ka. Ayokong iwan mo ko. Papakasalan pa kita e. Diba bibigayn pa natin ng apo sina tito at tita saka sina mama at papa. Diba? Wag mo kong iwan mag isa please? Sabi mo walang iwanan. Bakit naman ganito Nicole."
Pilit na itinatayo ako nina tito dahil nakaluhod na ko habang nagmamakaawa sa walang buhay na si Nicole.
"Michael, iho. Tama na. Wala na tayong magagawa."
"Hindi Tito. Natutulog lang sya e. Diba love?" Sabi ko at pilit na lumalapit ulet sa kanya pero di ko nagawa imbes niyakap na lang ako ni Tita.
Wala na. Wala na ang babaeng pinakamamahal ko. Iniwan na nya ako. Wala na lahat ng pangako namin sa isa't isa. Hindi ko na mahahawakan ang kamay nya gmhabang nagdadrive ako. Hindi ko na maamoy ang hininga nya pag may binubulong sya saken. Hindi ko na mararamdaman ang mga yakap nya.
Hindi na. Bakit ang Nicole ko pa? Bakit hindi na lang yung ibang tao na walang ginawang maganda sa ibang tao? Bakit ang pinakamamahal ko pa?
First day of funeral ni Nicole. Di ko inaasahan na ang monthsary din namin ang magiging araw na andito kami sa harap ng kabaong nya at walang sawang umiiyak.
Nakatulala ako habang nakatingin sa bangkay nya. Nakapatong dito ang picture nya nung 18th birthday nya. Nakatitig lang ako dito at alam kong tumutulo ang luha ko kahit gusto ko ng tumigil sa pag iyak. Ganun pala yun na dahil sa sobrang sakit, kahit ayaw mo ng umiyak, tutulo at tutulo pa din yung mga luha para ipaalalang nasaktan at nawalan tayo.
Ang dami ko pang plano para samen pero nabalewala lahat dahil sa isang aksidente na kumuha sa girlfriend ko.
Nabangga si Nicole ng humaharurot na sasakayan habang tumatawid sya ng kalsada. Ilang oras lang ang nakakalipas pagkatapos maaksidente ni Papa.
Ang nakausap ko sa ospital na Nicole ay ang kaluluwa nya. Hindi na din kasi ako nagtaka kung paano nya nalaman na nasa ospital ako gayong di naman ako nagpaalam sa kanya na pupunta ako sa Papa ko dahil naaksidente ito. Hindi na ako nag isip kasi shock pa din ako sa nanagyari sa Papa. Yun pala, wala na ang girlfriend ko at farewell na nya saken yun.
Mahal na mahal kita Nicole. Mahal na mahal. Gusto ko na ding sumuko at sumunod sayo pero nang marinig ko ang pahayag ni papa about sa panaginip nya ay nagbago ang isip ko. Alam kong may purpose kung bakit si Papa ang nabuhay at hindi ikaw Love.
Nakausap ko si Nicole sa panaginip ko anak. Mas gugustuhin pa daw nyang sya ang mamatay kesa mawala ako sa inyo ng Mama mo. Mahirap daw humanap ng ibang Ama pero sya naman daw ay pwede mong palitan ng iba. Tumanggi ako dahil alam kong mahal na mahal mo sya anak, nakikita ko yun sa mga mata mo maging ang mga pinagbago mo dahil sa kanya pero nawala na ang panaginip ko Anak. Nagising na lang ako na hawak ng mama mo ang kamay ko at ikaw na umiiyak habang hawak ang litrato ni Nicole.
Intayin mo lang ako Love. Magkikita din tayo dyan. Hindi ako magmamahal ng iba dahil para sa akin ay ikaw lang ang babaeng nakalaan para mahalin ko at wala nang iba.
I will always be your boyfriend and you as my girlfriend.
I love you Love.
أنت تقرأ
Intersection Yet Parallel
عاطفيةOne shot story. My first finished story so don't expect for the best.
Intersection Yet Parallel
ابدأ من البداية
