Okay lang na ako ang umiyak. Wag lang sya.
Habang magkayakap kami, may sinabi sya saken,
"Mahal na mahal kita Michael. At ikaw lang ang lalaking mamahalin ko habang buhay. Ikaw lang. Hindi ako nagkamali na sayo ko binigay ang OO para maging tayo. Thank you for being the best boyfriend in the whole world." Sabi nya. Dahilan para ako'y kumalma at makatulog sa mga bisig nya.
Nagising ako sa upuan sa labas ng kwarto ni Papa. Wala na din si Nicole. Baka may pinuntahan o bumili ng pagkain. Agad akong tumayo para pumasok na sa loob ng kwarto kung saan nakahiga ang walang malay na katawan ni Papa. Wala din si mama sa loob ng kwarto.
Lumapit ako kay papa at hinawakan ang kamay nya kasabay ng paghiling na sana maging maayos na sya.
Umupo ako sa upuan sa gilid nya at kinausap sya kahit alam kong hindi nya ako naririnig.
"Pa, pagaling ka ha. Iintayin ka namin. Makikita mo pa na ikasal kami ni Nicole. Konting hintay na lang pa, malapit na kaming grumaduate at yung apo na gusto mo ay maiibigay na namin. Pa, wag kang susuko ha. Mahal na mahal ka namin. Okay lang na pagsabihan mo ko pag di ako sumusunod sa utos mo basta gumaling ka kaagad." Matapos ang ilang minuto ay tumayo ako.
Kukuha sana ako ng panyo sa bulsa ko ng makapa ko ang phone ko. Kinuha ko ito at di ko na mapower on. Lowbat na pala.
Kinuha ko ang dala kong charger sa bag ko at nagcharge. Nang may 2% n ang phone ko ay binuhay ko na ito.
Napansin kong ang daming missed call. 30 missed calls.
Maging yung ibang text ay nagsimula nang magpaingay ng phone ko dahil sa sunod sunod na pagpasok ng mga text messages.
Inopen ko yung sa missed calls at halos puro kay Nicole tapos meron ding kay Tita , Tito at kay Nicolas. Maging yung iba kong kabarkada ay may missed calls din. Anong meron? I checked the messages at dun na tumigil ang mundo ko.
NICOLE POV
Vacant na. Lunch na din. Andito na ko sa cafeteria at hinihintay si Michael. 12:15 n pero wala pa din sya. That's why I call him pero hindi nya sinasagot. Naghintay pa din ako pero mukhang walang Michael ang dadating kaya tinext ko na lang sya
Love, where are you? Diba ililibre mo ko? Pero sige. Okay lang. Baka may importante kang inasikaso o may emergency ka. Just text or call me when you're free okay? I love you Love.
Tutal, monthsary naman namin bukas kaya ngayon ko na lang bibilhin ang gift ko sa kanya. Mamaya pa namang 2:00 ang klase ko so madami pa akong time.
Pumara ako ng taxi pagkalabas ng campus namin and went to the mall. Habang nasa taxi, nag iisip na ko ng possible na gift for him but then nothing popped out from my mind. Mamaya na lang siguro pag andun na ko sa mall. Baka dun ako magkaroon ng idea.
Pagkababa ng taxi, pumasok na ko sa mall at habang naglalakad ay chineck ko ulet ang phone ko kung nagtext na sya but none. He's not replying on my text. Pero okay lang. May explanation naman sa lahat ng bagay.
Napansin ko na phone lang pala ang hawak ko. Ang natatandaan ko ay hawak ko din ang pouch ko kanina. Naiwan ko sa taxi!
I immediately went out from the mall at nakita ko naman ang taxi na sinakyan ko kanina. Dali dali akong tumawid para maabutan ito kasi baka umalis agad. Dapat makuha ko yung pouch ko, pano na lang yung gift ko kay Michael.
Daig ko pa ang nagmamarathon sa pagtakbo ko nang biglang may narinig akong malakas na busina dahilan sa pagtigil ko at pagkatulala.
MICHAEL POV
How can this possibly happen? Bakit?! Anong ginawa kong mali para mangyari saken to! Gusto kong magwala at murahin Sya dahil sobrang sakit. Akala ko sobrang sakit na ng naramdaman ko kanina nang malaman kong naaksidente si Papa pero mas may titindi pa pala. Bakit sya pa? Dapat ako na lang. Bakit si Nicole pa?! Ako na lang dapat ang kinuha Mo!
BINABASA MO ANG
Intersection Yet Parallel
RomanceOne shot story. My first finished story so don't expect for the best.
Intersection Yet Parallel
Magsimula sa umpisa
