Intersection Yet Parallel

Start from the beginning
                                        

This is what I like about here. She's fond of eating and she's not concerned about that diet thingy compare to other girls. Handa akong ubusin ang laman ng atm ko para ispoil sya sa pagkain. Pero parang imposible kasi kahit madami sya kumain, hindi sya tumataba.

It's my pleasure Love. Gonna treat you anything you want. I love you so much Mrs.  Nicole Rama-Villareal.

That's what I like about you. I love you too so much Mr. Michael Torealba Villareal.

Di ko mapigilang mapangisi. Hays. Everything was perfect mula ng makilala ko si Nicole. He changed me to become better.

"O pare, ngising dahil na naman ba kay Nicole yan ha?" Tanong di Jasper. Isa sa mga kaibigan ko at kateam sa basketball. Di ako sumagot. Silence means yes nga e.

Mom calling...

I excuse myself sa klase namin bago sinagot ang tawag ni Mama

"Yes ma, what is it? I'm in the middle of my cl--"

"Michael iho..." sabi ni mama sa kabilang linya habang naririnig ko ang pag iyak nya sa kabilang linya.

"Yes Ma, what happened?" I asked her. Medyo kinakabahan na ko.

"Your dad. Michael , please come here. Please" she still sobbing and my world stopped when she told me that my dad is at the hospital because of the car accident while he was driving to his office.

I dont know how pero natagpuan ko na ang sarili ko sa ospital. Nasa labas ng room ng papa ko, nakasilip lang ako sa transparent na salamin. Nasa loob si Mama, umiiyak habang hawak ang kamay ni Papa.

Umiiyak din ako habang nakasilip sa loob. Di ko kayang pumasok sa loob. Di ko kaya. Naawa ako kay Papa. Sabi ng nurse kanina, milagro daw dahil nakaligtas ang papa ko sa aksidente dahil base sa itsura ng papa ko kanina, talagang madalang daw ang taong nabubuhay sa klase ng aksidenteng sinapit ng papa ko.

Madaming nakakabit na tubo sa katawan ni Papa. Kita ko din ang itsura ng mukha nya mula sa kinatatayuan ko at masasabi kong grabe ang nangyari sa kanya. Scratches were all over his face.

May naramdaman akong humawak sa balikat ko, and I saw Nicole. Nakatayo din sya katabi ko at nakangiti saken. Makita ko lang ang ngiti nya, kumakalma na ang sistema ko. Iginiya nya ako paupo sa upuang malapit lang samen. Umupo naman ako at tumabi sya saken. Tulala pa din ako at nakatingin sa kawalan habang bumubuhos ang mga luha ko.

"Everything will be alright Love. Magpray ka lang para mabilis gumaling si Tito. Hindi pinababayaan ng angel nya si Tito kaya madami kayong nag aalala sa kanya at nagpepray for his fast recovery." Sabi ni Nicole saken.

Napakasarap sa pandinig ng boses nya na parang kinakantahan ako na nakakatulong sa pagbalik sa normal ng emosyon na kanina lamang ay mahinang mahina.

Napatingin ako sa kanya at andun pa din yung itsura nya na kalmado at napakagaan na aura.

"Thank you Love, thank you. Di ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka dito sa tabi ko." She just smiled about what I said. Umabsent pa talaga sya sa klase nya para lang masamahan ako.

"Girlfriend mo ko. Through happiness and pain, dapat magkasama nating harapin yun pero sa mga pagkakataong wala ako, dapat ka pa ding maging matibay Love."

"I will Love. I will. I love you so much." Napaswerte ko talaga sa girlfriend ko. Sobra.

"I love you more Love." Sagot nya at hinaplos ang mukha ko na parang sinasaulo nya ang bawat sulok nito. Hinaplos nya ang pisngi ko patungo sa ilong ko at gilid ng mga labi ko. Napansin kong may tumulong luha sa mga mata nya. Nasasaktan sya sa nakikita nya saken kaya imbes na makita nya ang paghihirap sa mukha ko, niyakap ko sya at kinalma para matigil sya sa pagluha.

Intersection Yet ParallelWhere stories live. Discover now