Almost a Sad Ending

7 0 0
                                        

Napakasarap umibig.

Lalo na kapag hindi mo inaasahan na biglaan lang nangyari ang lahat pero nakilala mo ang para sayo kahit hindi mo alam na kung sya na nga ba talaga.

Walang nakakaalam kung sya na.

Huwag kasing utak ang paganahin. Kundi puso.

"Ang corni naman nito." Isinara ko ang libro na binabasa ko.

Napangalumbaba ako at nagdesisyong lumabas at maggala-gala muna. Halos dalawang araw na akong nagmumukmok sa loob ng kwarto ko.

Naiinis ako kina Dad at Mom. Ipinagkasundo nila ako sa isang lalaki na hindi ko naman kilala at mahal. Nalaman ko na anak pala ito ng business partner nya.

I don't know his name dahil wala akong balak alamin.

At alam nyo ang nakakainis pa? Next month na ang kasal namin. I mean, anong klase 'yon? Matatanggap ko pa kung next year tapos may meet up pero wala. Rush Marriage ang peg.

NBSB ako at syempre mahirap para sa akin iyon. But i guess wala akong magagawa dahil sa kalsada ako pupulutin kung di ko sila susundin.

Napabuntong hininga ako. Only child feels.

Nagpunta ako sa isang cliff. Pinagmasdan ko kung paano sumayaw ang dagat. Nakakawala talaga ng stress ang tunog, linis at ganda ng dagat.

Kapag nagpupunta talaga ako basta may dagat? Nawawala lahat ng bumabagabag sa akin. Natatakot kasi ako kapag kinasal na ako.

Mahirap akong makisalamuha sa ibang tao. Maliban na lang sa stranger. Nailalabas ko kasi yung tunay na ako sa stranger kasi alam ko na hindi ko na naman din sila makikita kaya okay lang. Kaya hindi na ako magtataka kung magrereklamo man yung future husband ko sa akin kasi hindi ako marunong mag-asikaso at mag-alaga.

Hindi ko alam kung paano maging girlfriend.

May mga gustong manligaw sa akin pero wala akong maramdamang saya. Yung saya na mapapasabi ka ng, "Yes! Pag-ibig na!"

Pero saya lang dahil may humahanga sa akin. Sino ba namang hindi sasaya kapag may gustong manligaw sayo 'di ba? Pero wala talaga.

Pag-ibig, kailan ka ba sasanib sa akin?

Kahit masaktan ako basta maranasan ko lang kung paano magmahal! Iniisip ko nga kung tomboy ba ako.

Wala akong crush.

Abnormal nga tawag sa akin ni Pia dahil ako lang daw ata ang nag-iisang babae na hindi tinatablan ng pang-aakit ng mga lalaki. Eww.

Mas okay namang walang crush kaysa sa lahat crush mo. Pati aso crush mo na.

Naglakad-lakad ako at napakasarap sa balat ang sariwang hangin. Nililipad ang buhok ko at perfect timing na 'to para sa Rejoice Commercial.

Napakunot ang noo ko ng makita ko ang isang lalaki na nakapurong itim lahat ang kasuotan at nakatayo sya malapit sa dulo ng bato. Napatakip ako sa bibig ko.

Magpapakamatay ba sya?

"Kuya!" Hindi ko na napigilan pa at tinawag ko na sya. Baka mamaya tumalon 'yan eh ang taas pa naman ng cliff na 'to!

Nakita ko kung paano sya natigilan at lumingon sa likod nya kung nasaan ako.

T-Teka. Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko? Napalunok ako ng makita ko ang kapatid ni Zayn Malik.

Magkahawig sila lalo na yung mga mata! So hindi ko na kailangan pang i-describe ang appearance nya dahil parang kapatid talaga ito ni Zayn mula mukha, katawan at tangkad!

Almost a Sad Ending (One Shot)Stories to obsess over. Discover now