"T-teka- Si-- Ano-- Si-- Mikki--" pinaharap nya ko sakanya. He cupped my face. Papalapit na ung muka nya kaya napapikit ako.

"Mommy! Daddy! STOP!" sigaw ni Mikki. Napatingin kaming dalawa sakanya na nakatakip ung kamay nya sa mata nya. 

"Don't do that in a public place!" natawa kami pareho sa inasal nya.

"Baby.. It's normal for two people to do that." sagot ni Gino.

"Not for me! I won't do that! Ever! Ew!" 

"Sinasabi mo lang yan ngayon." pang-aasar pa ni Gino.

"Daddy! Stop teasing me!" 

"Don't tell me someone's courting you, huh!" banta ni Gino.

"Daddy-- you're- so- UGH! Mommy oh! Daddy is teasing me!" sabi sakin ni Mikki sabay yakap.

"Gino!" napakagat labi naman si Gino, nagpipigil ng tawa.

"Peace baby.." sagot niya sabay peace sign. Ang kyot :3

"Ewan." sagot ni Mikki sabay cross arms.

"Babyy...." sabay kiliti kay Mikki pero di nagpatinag si Mikki at seryoso pa din.

"Tara na nga! Ewan ko lang kung magalit ka pa!" sabi nya sabay buhat kay Mikki at dinala kami kung saan.

...................

"WOW DADDY." sabi ni Mikki na nagsasparkle pa ung mata. 

"See? Hehe." sabi ni Gino sabay kamot sa ulo.

"Yey! Let me play now Daddy?" sabay hawak sa dulo ng damit ni Gino.

"Sige. Basta stay safe tsaka wag lalayo huh!" nagnod naman si Mikki at tumakbo na para maglaro.

Kung nagtataka kayo kung nasaan na kami, well, nandito pa din kami sa grounds ng park pero dun sa area ng mga bata. Which is may playground, etcetera, etcetera. Habang enjoy na enjoy ni Mikki maglaro, bumili muna kami ng pagkain, tapos naglatag ng tela sa grass at VOILA! Piknik na. :p

"MIKKI!" sigaw ko at lumapit naman sya agad.

"Yes mommy?" tanong ni Mikki na hingal na hingal na lumapit sakin.

"Play later, okay?" sabi ko habang pinupunasan ung likod nya. "Let's eat first."

"Okay." 

Umupo na kami at nagsimulang kumain.

"Baby.. eat this." sabi ko kay Mikki sabay subo sakanya.

"Oh ano? Si Mikki lang susubuan mo?" nagpapacute na tanong ni Gino. Hindi ko sya pinansin at patuloy lang ni sinubuan si Mikki.

"Ganon? Tsk." nakita kong sumimangot sya.

"Tss. Laki-laki mo na eh!" pang-aasar ko pa.

"Joke lang! Oh eto na!" sabi ko sabay subo ng marami sakanya. Sumimangot sya lalo.

"Makulit ka huh? Mamaya ka lang sakin.." banta nya.

"Ewan.." patay-malisya kong sagot.

"Mommy! I'll play now okay?" nagnod ako at tumakbo na sya agad. 

Naiwan kami ni Gino pero ako kumakain pa din. 

"Bilisan mo nga kumain babe." utos nya. Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Wag mo ko madaliin." 

"Okay.okay." tumabi sya sakin at niyakap ako patagilid.

"Gino wag ka magulo." 

"What? Nilalambing ka lang eh." 

"Heh. Mamaya ka na maglambing pagtapos ko kumain."

"Hmp. Sungit." tinanggal nya ung kamay nya sa bewang ko, sumimangot at nagcross arms.

"Wag kang ganyan babe. Hindi bagay." asar ko.

"Ewan." lumayo siya ng konti sakin.

"To naman. Di mabiro." sabi ko sabay poke sa balikat nya.

"HMP." natawa na lang ako sa pagiinarte nya.

"Joke lang  babe. Eto na nga oh. Tapos na ko kumain." tumabi ako sakanya at niyakap sya gaya ng yakap nya sakin kanina.

"Pwede mo na ko lambingin." sabi ko sabay wink sakanya.

Napalitan ung simangot ng nakakalokong ngiti. "Talaga?"

"Uh-huh."

"Talagang-talaga?" nilapit nya ung muka nya ng konti.

"Yes sir."

"Talaga huh?" nilapit nya pa hanggang nose-to-nose na kami.

"Talagang-talaga." pumikit na ko dahil alam ko na ang susunod na mangyayari pero bago pa matuloy..

"Mommy! Daddy! I'm tired!" pagdilat ko ung ichura ni Gino, hindi maipinta.

"I want to sleep." pumagitna samin si Mikki at humiga sa lap ko.

"Istorbo.." bulong ni Gino. Natawa na lang ako sa inasal nya.

Hinawakan ko si Gino sa batok at nilapit ung muka nya sa muka ko. "Hayaan mo na. Mamaya.. libre na." pang-aasar ko. Hinalikan ko siya ng mabilis at binaling ang atensyon kay Mikki.

"Sabi mo yan huh." narinig kong bulong ni Gino na nakangiti ng nakakaloko. 

OURS [Hala Ka!? Book 2]Where stories live. Discover now