Chapter 10: I knew you!

Start from the beginning
                                    

   

   

“Siya po ang salarin kong bakit ang dumi po ng room!” Say what?! Huh?! Anong?! Ako lang?? Kasama kaya si Dark! Siya ang kalaban ko ah!

  

  

"Hoy! Anong sina---" Hindi ko na natapos ang protesta ko kasi may nagsalita naman.

   

   

"Zitty Nakahara.. OUT." Napalingon ako sa pinsan ko. Pinanlakihan ko siya ng dalawang mata at tinaasan ko ng kilay. Pinapalabas niya ako sa kasalanang dalawa naman kaming may gawa ni Dark?

   

   

"WHAT?!" Ano bang sinasabi ng pinsan kong ito?

   

   

"Kahit na pinsan pa kita, lalabas ka pa din at magkakarecord ka sa GA. Oo pwede ang away sa GA pero bawal sa loob ng room." Naka-poker face na sabi niya. Natural bawal sa loob dahil sayang ang mga gamit. Pero!

   

   

"Kasama din kaya si LEE BAG!" Protesta ko sabay tingin ng masama. Tumingin ako kay Lee Bag at pusang gala! Bakit mukha na siyang inosente agad?

   

    

"Ako?” sabay turo niya sa sarili niya. “Eh pinipigilan nga kita at tsaka hindi kita kilala, Miss. Right guys?" Tapos ngumiti siya sa akin pero alam ko pang-asar iyon!

   

   

"Right!" And this is a status to make: Great day with my new academy with a hashtag of #TalkshitClassmates! Kasi naman, kakampi ni Dark ang mga hudas na ito.

   

   

"OUT NOW!" Aalis ako pero lumapit muna ako kay Lee... sabay tuhod sa 'egg' niya.

   

   

"Ooopppsss! Sorry ah! Sorry talaga Mr? Ahm? Ano nga pala ang pangalan mo? Hindi kasi kita kilala eh!" He frowned and I smirked. Tangina mo. Lintek lang ang walang ganti. Sira-ulo. Then lumabas na ako sa room.

  

   

Bad trip! Nag-ka-record pa ako. Makasama kaya yan sa goal ko? Badtrip pa itong Pinsan ko! Pero bakit naman takot sa kaniya ang mga estudyante akala ko ba terror ang student dito?

   

    

Tumambay na lang ako sa bahay ko. Wala naman akong gagawin eh. Sa susunod na subject na lang ako papasok.

  

    

TOK! TOK! TOK!

   

   

Tinungo ko ang pinto at pagbukas ko, sabay pasok naman ng isang lalaki--? Wait wait! Ni-rewind ko sa isip ko ung nangyari kanina kung tama ba ang nakita kong pumasok sa bahay ko at.. Syet!

  

   

   

Seryoso? May pumasok na lalaking hubo’t-hubad sa bahay ko?! Nasara ko ang pinto at pumunta sa room ko kung saan pumasok ang hubad na lalaki.

   

    

Naabutan ko siyang nasa sulok at nakatapis na ng kumot. I grabbed my gun in my sidetable at tinutukan siya. (Wag kayong magtaka kung may baril siya, sports niya ng gun firing.)

   

   

"Manyak! Sino ka?! Labas!” Seryosong pahayag ko sa kaniya. Mukhang nagulat at nasindak naman siya kasi nanlaki ung mata niya.

   

   

"Woah! Teka! Nanghihingi lang ako ng tulong! Hindi ako rapist pramis!" Tinaas pa niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko pero wrong move kasi nalaglag ang kumot na iniipit niya lang sa kili-kili niya.

    

      

Natulala lang ako! At ako naman ung nanlaki ang mata! Watdapak!

   

   

"Hoy! Tumalikod ka nga!" Namula ako at tumalikod na nga siya. After 2 minutes, pinaharap na niya ako tinutukan ko ulit siya ng baril.

   

   

"Miss sabi nga sa iyo na wala akong balak. Pumasok lang ako dito para magtago sa mga fans ko na hinubuan ako." All out smile? Aba! At tuwang-tuwa pa sa pagkakahubo sa kaniya. Pero kung wala naman siyang  masamang gagawin.

   

   

"Sige na magtago ka diyan pero please lang wag ka ng tatakbo na parang bold star." Hay. Weird things talaga nangyayari ngayon sa pagpasok ko ng Academy pero hindi naman ako ganon kadamot. Mukha naman kasi siyang hindi masama eh. Atska, I can protect myself naman.

   

   

"Teka...." Tumigil ako at lumingon sa kaniya ng magsalita siya. Nakita kong nakatitig siya sa skateboard ko na nakapatong sa may gilid ng kama ko. "I knew that skateboard..." sabay tingin sa akin ng nakakaloko.

  

   

Di ko siya gets. Nagtaka ako kasi bigla siyang naging iba ang tono sa pagsasalita. Parang may familiarity? Huh? Familiarity?

   

   

"I know you..” Pagpapatuloy niya sa sinasabi niya. “Ikaw iyong babae sa forest park na nakakita sa akin while making out...." All out ngiti na sabi niya sa akin. Huh?!

   

   

   

Ako daw ang----Ano? Tinitigan ko siya ng maigi. And his face ring a bell on my memory! Shoot! Siya nga! Siya nga si Mister Milagro! 

Gangster Academy (Published Under Pop Fiction) Book OneWhere stories live. Discover now