Chapter 1
"Too many billion-people running around the planet
What is the chance in heaven that you'd find your way to me"
Ano nga ba?
Gaano nga ba kalaki ang chance na makilala ko ang para sakin? Sa paanong paraan ko ba siya makikita? Makilala? O makakasalamuha?
Haiy, pambihihra naman kasi 'tong kantang toh, ang aga aga, napaka emosyonal ng nararamdaman ko, sumasabay sa kulimlim ng langit. Hindi ko alam, kung babagsak na ba ang ulan, kasabay ng pagbagsak ng mga luha ng mga taong sawi sa pag ibig at buhay.
Teka, ba't pati 'yon naiisip ko?
Hindi ko kasi alam ang mga nararamdamn ko nitong mga nakaraang araw, pakiramdam ko may hinahanap ako, may nawawala sakin, parang may kulang. Pero ayoko naman pagtuunan ng pansin ang emosyong ito, pakiramdam ko mababaliw ako. Hindi pwede, kailangan kong bumangon, magtrabaho at ituloy ang buhay.
Pero kasi ang sarap humiga at tumitig sa kawalan haha. Ang dami ko kasing naiisip, pagod na pagod ang utak ko kahit na kagigising ko palang. Pambihira!, Lunes na lunes tinatamad akong pumasok. Hinihila ako ng kama at niyayakap ng kumot :D. Buti pa sila, nandito lagi sa tabi ko, gabi gabi at araw araw pa haha.
Nilibot ko ang aking tingin sa kwarto. Sa isang katulad ko na mag isang namumuhay malayo sa pamilya, sa tingin ko, ok n ok na tong nakuha kong tirahan. Maayos na banyo - yan talaga ang main concern ko 😊. Maayos na lababo, maliit n flat screen tv, laptop, electric fan, lamesa at upuan, pwedeng pwede na. 😊.
Haiy, makabangon na nga, baka malate pa ko sa opisina.
8:30AM
Usually, mga ganitong oras talaga ako nakakarating sa office. No late pa 😊. Pagdating ko sa aking upuan, haiy ang daming papel. Bakit parang kahapon, wala pa itong mga toh?, Siguro iniwan na naman ng boss ko, tsk.
"Good morning Jane!"
Napalingon ako sa bumati, "Goodmorning Sam!' - bati ko pabalik.
"Tara breakfast muna tyo", aya ni Sam.
"Pass muna ko, nakainom nako ng kape kanina sa bahay eh", sagot ko sa kanya.
"Sus, kape ka na naman palagi, kaya palaging sumasakit tyan mo eh, alam mo naming bawal sayo yan, ang tigas ng ulo mo", sagot ni Sam.
"It's not too much, alam mo naman na hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakakainom ng kape, sorry poi nay haha!!," sagot ko sa kanya.
"Hmph, ewan ko sayo!" sabay irap ni Sam.
Nangiti na lang ako sa sagot niya. Kung makasermon naman kasi akala mo nanay ko.
Matagal ko ng kaibigan si Sam, itinuturing ko siyang isa sa close friend ko dito sa opisina. Madaldal, mejo maputi, matangkad ako ng konti sa kanya, mejo wavy ang hair na hanggang balikat, slim figure pero inaasar ko siya na payatot haha, mabait at magaling sumayaw.
Ako? Just a typical filipina woman 😊. Sakto at katamtamang katawan, mahaba ang maitim kong buhok na namana ko sa'king nanay, manipis na labi, sometimes I used my reading glass, ang hirap ng nakasalamin every day, kaya I seldom use it, mejo almond shape ang aking mata at para sakin maganda ang mata ko haha and medyo kumakanta naman ako 😉.
Nagulat ako sa biglang paglapit ni Ian - kamote!! Crush ko toh ee hahaha.
"Ui, anong ginagawa mo? Kumain ka na ba? It's too early, tara breakfast tayo!", aya niya.
"Nah, I'm good. Ok na ko sa coffee, saka may binabasa pako online, wag kang istorbo haha", sagot ko sa kanya.
"Kaya yung mata mo ang bilis lumabo, kung makatutok ka kasi sa PC halos idikit mo na sa monitor hahahhha",asar ni Ian.
"kung wala kang matinong sasabihin, lumayas ka sa tabi," ganting sagot ko sa kanya.
"Ang sungit naman nito,later sabay tayo aa," sabay kindat.
"Tse!!!," sagot ko nalang, at rinig ko ang tawa niya papuntang pantry.
Si Ian - my longtime friend and secret crush.
Ian is a good man, matangkad siya sakin ng mga 2 inches haha, mejo maputi, mejo brown ang buhok nyang wavy, maliit na matangos ang ilong, deep set eyes, mahaba ang pilik mata at ang nagustuhan ko sa kanya? My sense of humor 😊.
Pakiramdam ko nga, hindi lang pagka crush yung nararamdaman ko sa kanya eh, naku kung ako lang, liligawan ko nah aha pero dahil isa akong dalagang pilipina - bahala siya hahahaha.
Anyway, back to work.
As I open my email, read read read lang, then I started writing a letter to someone. Someone na matagal ko ng kilala at hindi nakikita. I just missed that person today so I decided na kamustahin siya.
"To:
CC:
BCC:
Subject:
Hi ____,
Kumusta ka na? It's been a while na pala since last na pagkikita natin. Two years na noh?. Asan ka na ba ngayon? Bakit hindi mo na ko naalala, ang daya mo. Sabi mo, one year lang, naghintay ako, at hanggang ngayon naghihintay ako sayo. Hindi ko nga alam kung dapat ko na bang kalimutan ang pangako mo sakin. I know, may pagkakamali ako pero you know, it makes me a better person. Akala ko kasi naintindihan mo ako, akala ko ganon ako kahalaga sayo. Pero akala ko lang pala 'yon, haiy.
Anyway, I have a short poem for you.
"Sa paglipas ng mga araw, buwan at taon,
Sa pagdaan ng mga unos at paglagas ng mga dahon,
Alaalang nananatili sa isipan at puso,
Sana'y manatili at hindi maglaho.
Sa unang araw ng pagsulat ng liham na ito,
Umaasa ang isang taong puno ng pagsuyo,
Na muling maramdaman ang kagalakan ng puso
Na ibinibigay ng malambing na paghaplos"
Alam ko, gusto gusto mo ang mga tula ko. Sana kahit ganyan lang yan kaikli,maappreciate mo.
---Sent.
YOU ARE READING
A last of the beginning letter
RomanceA thousand words in a hundred letters. One choice with hundred emotions. Three people in one world. A last but a beginning of new journey of life and love.
