Chapter 4-Her weirdness amuse me..

107 4 0
                                    

Ang amo ng mukha niya kapag walang malay. Malantik iyong itim na itim niyang pilik. Natitigan ko na iyong mga mata niya,itim na itim din.

Hindi ko naiwasan na haplusin ang mukha niya. Hindi ko naiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siya pero agad din naman akong napaismid. Nako,kundi ko pa alam kapag walang malay lang siya mukhang maamo at mabait.

"Kamusta po ang lagay niya doktora?"

Dinala ko kasi iyong lalaking simang dito sa maliit na klinika sa paaralan. Panay nga ang tingin ng mga estudyante na nadaanan ko habang pasan ko sa likod ang walang malay na lalaking ito pati nga iyong doktor nagulat tinanong pa ako kung mag-isa lang ako na nagdala dito sa klinika. Bakit kailangan ko pa ng kasama magdala kung kaya ko na naman siyang dalhin mag-isa?

"Maayos naman ang daloy ng dugo niya,wala naman siyang sakit pero kakausapin ko pa siya kapag nagising na siya."

Buti at hindi nagsasalita ng ibang lenggwahe ang doktora na ito kung hindi ay yare ako. Saglit siyang umalis para asikasuhin ang iba pang estudyante na masama ang pakiramdam.

Katulad kanina ay hindi ko siya magawang iwanan. May kalahating oras din ang nakalipas noong magkamalay siya.

Nagmulat siya ng mata,nagkatama ang paningin namin. Siguro naman ay pwede na akong umalis,maayos na siguro ang lagay niya.

"Xiara..."hinawakan niya ang braso ko,ang hilig niya manghawak ng braso ha..at ano na naman iyong itinawag niya sa akin?

"Hindi Xiara ang pangalan ko."

Parang bigla ay natauhan siya.

"Miss.."

"Kanina Xiara ngayon naman ay Miss?"

"Hindi mo ba alam iyong Miss?"

"Hindi nga,ano ba iyon?"

"Tawag iyon sa babae kapag hindi kilala."naaaliw niyang wika.

Parang nagliwanag naman sa isipan ko iyong sinabi niya.

"Ah! Ang alam ko ay Binibini ang tawag kapag hindi kilala ang babae at Ginoo naman kapag hindi kilala ang lalaki."

"Ang tagalog mo masyado. Your so funny yah know eh.."bahagya siyang napatawa kaya napanganga naman ako. Gwapo siya kapag nakangiti kahit mas bagay sa kanya ang seryoso.

Napasimangot ako.

"Wag mo nga akong kausapin ng salita na hindi ko maintindihan!"

Namilog ang mapula niyang labi.

"Oh,i get it. Hindi ka marunong magsalita ng English?"

"English?"

"Hahaha! Tama nga ako! Saan ka bang planeta galing at hindi mo alam iyon? Elementary pa lang ay itinuturo na iyon.."pinagtatawanan niya talaga ako.

"Ewan ko sa iyo. Ako pa talaga ang taga ibang planeta? Baka ikaw iyon. Aalis na ako siguro naman ay ayos ka na."

Hinigpitan na naman niya ang hawak sa braso ko.

"Pagbibigyan kita ngayon sa pag-trespass sa eskwelahan namin at sa muntikan ng pagpatay sa kuko ko dahil utang ko sa iyo ang pagdala sa akin dito sa clinic babaeng sadista pero hindi sa ibang araw.."nagpapasalamat ba siya pero nagbabanta din? At anong sabi niya sadista ako? Ang alam ko si kuya Fujiwara lang ang tinatawag na sadista!

"Aalis na ako."

"Hindi ka aalis."

"Bakit hindi pa ako pwedeng umalis?"

"Dahil gusto ko."

Sinimangutan ko siya.

"Ako si Maru Suname,ikaw anong pangalan mo?"hindi naman niya pinansin ang pagsusungit ko.

Muryou:Maru SunameNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ