My Gay Nanny

58.6K 624 249
                                    

CHAPTER 1

 

          Ako nga pala si Unique Dela Vega, 18 years old. 5”4’ ang taas, Moreno, simple at higit sa lahat bading. Hindi ako yung bading na haliparot, yung tama lang, yung simple lang. Tanggap naman ako ng buong pamilya ko. Bunso ako sa limang magkakapatid. Puro kami lalaki at ako lang ang nag- iisang prinsesa. Charot! Pinaka- panganay sa aming magkakapatid si Kuya Colgate, matangkad, malaki ang katawan at may disenteng trabaho. Siya ang pinakamatalino sa aming magkakapatid. Pangalawa naman si Kuya Close Up, siya ang pinakatamad sa aming magkakapatid, hindi siya nakapagtapos ng pag- aaral dahil sa pagbubulakbol niya, pero masipag naman yan pagdating sa gawaing- bahay. Pangatlo naman si Kuya Hapee, sa pangalan niya pa lang, alam mo ng happy talaga siya. Siya ang pinakamasaya sa aming magkakapatid, never mong makikitang sinamangutan niya ang problema niya, kaya nga nakuha siyang front desk sa isang hotel eh, dahil sa siya ang pinakagwapo sa aming magkakapatid. Pang- apat naman si Kuya Beam, 4th year College na, masipag siya mag- aral kaso Chikboy, palibhasa siya ang tinaguriang Mr. Hearthrob ng school namin. Mabait naman yan, kaso nga babaero. At siyempre, ako ang pinakabunso, si Unique. Kahit naman lalaking- lalaki ang mga Kuya ko, tanggap parin naman nila ako kung sino ako. Tinuturing nila akong parang isang tunay na babae, hindi nila ipinaparamdam sa akin na iba ako sa kanila. Handa silang makipag- away para sa mga nanunukso sa akin. At ayan ay dahil sa pangaral ng aking mga parents. By the way, kung napansin niyo, lahat ng mga pangalan namin ay kinuha sa mga pangalan ng toothpaste. Ang pangalan din kasi ng daddy at mommy ko ay galing sa pangalan ng toothpaste. Unahin ko na ang daddy ko, si Daddy Pepsodent. Usually, tinatawag ko lang siyang Daddy Peps. Mabait yan sobra. Dati siyang may- ari ng kompanya ng isang sikat na toothpaste na ngayon ay sarado na. Ngayon, nag- abroad siya para naman mas malaki ang kitain niya para sa amin. At ang Mommy ko naman, si Mommy Sensodyne, minsan tawag ko sa kanya, Mommy Sen, para naman hindi medyo mahaba. Medyo may edad na rin si Mommy, dahil hanggang ngayon ay kumakayod pa rin siya para sa aming magkakapatid. Minsan nga, gusto ko ng lumipat ng public school, sa mga pamantasan para makabawas- bawas ako at si Kuya Beam sa mga gastusin, pero ayaw ni Mommy Sen. Dati kasi, ang mga parents ko or kami ay may- ari ng isang sikat na toothpaste company na ngayon ay sarado na. Siniraan kasi kami ng kalaban naming kumpanya, sinabing nagnanakaw daw kami ng mga pera sa mga kinikita ng mga tao namin. Ang pangalan pala ng company namin noon ay Crest at ang kumpanyang nagpabagsak sa kumpanya namin ay ang Aquafresh.  Kaya ngayon, nakatira na lang kami sa inuupahan naming bahay. Buti na lang at may mga trabaho na ang ilan sa aking mga kapatid at kahit papaano naman ay nagbibigay sila kay Mommy. Kaya nga ipinangako ko sa sarili ko na kapag nakilala ko kung sino ang mga may- ari ng Aquafresh na yan, ako rin ang mga papabagsak sa kanila. Sila ang dahilan kung bakit naghihirap kami ngayon, kailangang makabawi ako sa kanila.

           Naghahanda na nga ako para pumasok sa school. Bumaba na ako para kumain ng almusal kasama ang mga kapatid ko at si Mommy.  Tumabi ako kay Kuya Colgate para malapit kay Mommy.

          “Mommy, mag- aapply pala ako ng scholar sa school, para naman makamenus- menos tayo sa mga gastusin sa school.” sabi ko kay Mommy.

          “Ang galing talaga ng anak ko.” nakangiting sabi ni Mommy sabay hawak sa pisngi ko.

          Ginantihan ko lang si Mommy ng ngiti at tumingin kay Kuya Beam.

          “Ikaw? Wala kang balak magscholar?” nakangiting tanong ko kay Kuya Beam.

          “Wala.” sabi niya.

          “At bakit wala naman, aber?” tanong ni Mommy sa kanya.

          “Eh hindi naman kasi akokasing talino ni Kuya Colgate at ni Unique eh. Hindi kaya ng utak ko maging scholar. Mahirap kaya magmaintain ng grades.” sabi ni Kuya Beam.

My Gay Nanny (Book 1)Where stories live. Discover now