~*~ Nagbibihis ako ng pang aral, first day ngayon.
Ibang uniporme ang suot suot ko.
Paglingon ko nasa loob ako ng isang classroom.
Hindi ako pamilyar sa lugar pero dinig ko sa mga estudyante, nagtransfer ako.
Tapos lumabas ako may nakita akong babae na naka unipormeng tulad ng sa paaralaan ko ngayon.
Maikli na palda na checkered, green at pink yung kulay.
Bagay sa kanya.
Naka jacket sya tapos nakalugay ang buhok nya.
Maputik yung daanan tapos may lubak pa, may tubig sa daan at malamig ang hangin isama mo pa ang makulimlim na paligid.
Nilampasan lang ako nung babae kaya naglakad nako palabas ng school yard.
Paglabas ko nasa classroom ulit ako.
Nakauniporme ako, yung totoo kong uniporme.
Nandito ako kasama ng mga kaklase ko.
May ilang nawala pero walang nadagdag.
Pumikit ako saglit.
Pagmulat ko nasa classroom ako ng pinagtransferan ko.
Nandito yung iba kong kaklase.
Nginingitian nila ako, tumatawa sila ng biglang may teacher na pumasok.
Hindi ko alam kung anong sinasabi nya pero makukulit ang mga tao dito, tumayo ang ilan sa kakilala ko.
Parang may palaro si teacher kahit na malalaki na kami.
Nagpakilala sila sa harapan pero hindi ko naririnig boses nila.
Tinignan ko ang sarili ko.
Hindi ako ito.~*~
