Marami akong kinatatakutan.
Maraming beses na 'kong naduwag.
Maraming beses na 'kong napanghinaan ng loob.
Mga pagkakataon na sumuko na lang.
Pero, masisisi mo ba 'ko?
Gusto ko lang namang samahan mo 'ko sa harap ng lahat ng takot ko.
Gusto ko lang samahan mo ako.
Kahit sa maliliit na takot ko,
Gusto kong samahan mo 'ko.
At kahit alam kong naiistorbo ka na,
Sinasamahan mo parin ako.
Kahit naiirita ka na o napapagod ka na,
Sinasamahan mo pa rin ako.
Pasensya na sa lahat ng kaduwagan ko.
Ikaw na lang kasi ang natitirang lakas ko.
Pag katabi kasi kita, pakiramdam ko ang tapang ko.
Sayo na lang ako humuhugot ng tapang.
Tapang na magpatuloy pa sa buhay.
Dahil ang daming beses ko ng natalo at sumuko dahil sa mga takot na 'to.
Na halos pinapatay na ako dito sa loob ko.
Kaya't sana h'wag kang magsasawa ha?
Isa lang naman talaga ang pinakakinatatakutan ko e.
Ang mawala ka.
Lahat kasi ng taong takot akong mawala sa akin, sumuko na.
Ikaw na lang natira.
Kaya't sana, habang nagsasanay akong tumayo at harapin ang takot ko.
Dito ka lang muna.
YOU ARE READING
My Own Spoken Word Poetry
PoetryIt's my first time to write here in Wattpad. This is my own poem actually, a spoken word poetry. So, I hope y'all like it. I also have poems in different topics. Will post it if kahit konting views or votes ito. Please appreciate what my heart scr...
