CHAPTER 1

27 0 0
                                        

Ako si Aidan a.k.a. "A" isang simpleng lalake na may simpleng buhay. Hindi ako kagwapuhan (nalate kase ako ng gising nuong oras na nagpasabog si God kaya konti nalang inabutan ko) mahilig talaga ako sa mga computer games at sa ka-adikan ko, pangarap ko na magkaroon ng sariling gaming room para sa sarili ko. Para kase sakin gaming is your escape to reality. Dito wala kang ibang iisipin kundi magsaya, tumawa, makipag-kaibigan, mag-enjoy at masaya ulit. Biro lang! Iba kase talaga ang naiidulot na saya eh.

Nagmula ako sa isang pamilya na ayos lang, yung tipong hindi mayaman pero hindi rin naman ganoon kahirap. Sa sobrang pagkahilig ko sa games ay nagamit ko ito nuon upang makapagtapos ako ng college. As in "Oo" gamit ang laro at hilig sa technology nakatapos ako ng kolehiyo. Kaya minsan yung mga bagay na sa tingin natin ay walang halaga ay malaking tulong din naman pala.

Sa kasalukuyan nagtatrabaho ako sa isang malaking Online Shopping Company dito sa pilipinas. Dala ng pagiging abala sa trabaho, pakatuon ng atensyon sa pagtulong sa mga magulang at isang trahedya. Nawala sa akin ang isang bagay na kinahihiligan ko. Ang computer games. Kaya naghanap ako ng alternatives kung saan nakita ko ang bagong sumisikat na game sa cellphone "Snake xiii" de biro lang "ROS – Rules of Survival" pangalan pa lang ng game nagustohan ko na. Iba ang datingan eh, yung tipong talang kelangan mong ipaglaban.

Noong una nagging malaking adjustment para sakin dahil nasanay ako maglaro gamit ang mouse at keyboard sa harap ng malaking PC screen. Pero di nagtagal ayun na adik na rin! Dala narin marahil sa options ng game kung saan pwede kayo mag usap-usap ng ibang player na parang nagtatawagan sa phone so yung mga kalaro mo parang andyan lang din. Nagagawa kong ipagsabay ang aking work at passion which is maglaro ng games.

Marami akong nakilalang bagong friends yung iba nasa abroad, yung iba di ko inaasahan ka-probinsya ko pala at napansin ko rin na madaming babae na sa panahon ngayon ang nahihilig mag games (kung sabagay dun naman talaga sila magaling maglaro especially maglaro ng feelings. CHAROT! Biro lang po.) nuong panahon ko kase halos puro lalaki lang talaga kaming nag sisigawan at nagmumurahan sa loob ng computer shop kapag naglalaro makakakita kalang ng babae kapag ayun may kasamang guard este jowa yung tropa na madalas sila pang nagiging dahilan kaya napuputol ang enjoyment. HAHAHA!

Dahil nga sa dumarami ko ng kaibigan at halos mahirap na makipag chit chat sa kanila thru the game itself. Nagkaroon ako ng bright idea na "bakit di naming kunin ang facebook ng isa't isa at magkaroon ng sariling group sa messenger?" pumayag naman silang lahat at nabuo naming ang grupo dahil sa barilan ang laro tinawag naming mga sarili naming na "MAFIA". Dahil dito lalo akong naging close sa aking mga virtual friends na tinuring ko
naring parang tunay na kaibigan.

At dito na nagsimula ang isang bagay na di ko inaasahan.

Rules Of Survival Love StoryStories to obsess over. Discover now