Anghel sa Lupa

87 1 0
                                    

7:45 na ng gabi. Tapos na maghapunan at nakahiga na para matulog. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang parang roller coaster na pangyayari ngayong araw.

*************** 8 hours earlier **************

Habang nakaupo sa pinaka kanan sa bandang likuran ng simbahan kasama sina mama at dalawa kong kapatid na babae, napalingon ako sa kaliwa at kasabay noon ang pagdaan ni Denise kasama ang isang lalaki. Hindi ko alam pero parang nalungkot ako, parang may kakaiba akong naramdaman. Sa buong misa, hindi ko na naalis ang paningin ko sa halos apat na hilera lang namin na pagitan.

Bago pa matapos ang misa, napansin kong palabas na sila sa kanang pintuan ng simbahan. Matapos ang ilang saglit...

"Ma, may bibilhin lang ako. Antayin niyo nalang ako dito sa may pintuan.", nagpaalam ako upang sundan sina Denise.

Hindi ko alam kung bakit ko naisip gawin yun pero lumakad p din ako. Nakita kong pumasok sila sa katawid na Milk Tea shop. Nag-alangan ako noong una, biglang bumuhos ang ulan. Mabuti nalang at nasa akin ang payong na baon namin at binuksan ko ito, inisip ko nalang na gusto ko din uminom ng milk tea. Nasa labas pa lang ako ng pintu-an ay tanaw ko na sila Denise sa loob. Tila nakayapos ang lalaki sa kanya. Nilakasan ko ang pagpasok pra mapansin nila ako.

KABBLOOGG!!

"Ay sorry po!", ang mga unang katagang lumabas sa aking bibig. Kinabahan din ako dahil baka nasira ko yung pintuan, buti hindi naman.

"Jacob?" , yes! napansin niya ako.

"Uy, hi Denise, sorry akala ko kasi matigas buksan ang pintuhan hindi pala, sorry.", paliwanag ko naman.

Habang naghihintay ng inorder kong milk tea, nagtanong tanong si Denise na bibo ko namang sinagot.

"Wintermelon Milk tea without pearl for Jacob!" , sa wakas ay nabigay na ang order ko.

"Ay, okay na yung inorder ko. Sige Denise, balik na ako sa simbahan. See you sa school bukas!", paalam ko sa kanya.

*******************************************

Sa sobrang curious ko, inassume ko na boyfriend niya yun. At dahil feeling close ako, minessage ko siya tungkol sa nangyari kanina...

Jacob Gregorio:
Ey! Sorry nadistorbo ko kayo ng boyfriend mo kanina

(Message sent)

Mukhang hindi siya online. Gosh! Parang halatang nagseselos ako. Ano kaya ang iisipin niya kapag nabasa niya yun? Gusto kong burahin yung message pero mababasa niya pa rin yun. Hay, bahala na nga.

(Nag-earphones at humiga)

Kung ikaw ay isang panaginip,
Ayoko nang magising...

Bigla akong napamulat sa sobrang ginaw. At heto na naman ako, sa panaginip na tila ba ay hindi ko matakasan. Ang babaeng walang mukha. Ang boses niyang parang anghel. Nakikita kong labis ang aking ngiti, yung genuine smile na sinasabi ng iba. Mangyayari ba talaga ito sa totoong buhay? Pero gusto ko lang yung ganitong pakiramdam. Salamat sa babaeng walang mukha. Salamat sa maiikli ngunit masasayang panaghinip...

"Kuya Jacob, Kuya Jacooooobbb!!", nagising ako sa boses ni Gigi na parang kanina pa ako winawasiwas para magising.

"Oh bakit gi?", bigla kong tanong.

"Kanina pa tumutunog yang phone mo may tumatawag!", bigla kong dinampot ang tumutunog ko ngang cellphone. Si Maika pala!

"Ano best? Tulog mantika na naman?!", hindi pa ako nakakapagsalita ay bumungad na ang nanggigigil na boses ni Maika.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Sep 22, 2019 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Lost In LoveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora