Tumikhim siya at muling sumeryoso ang mukha. "Saan kayo ng nagpunta ng babae mo?" Naka-angil niyang tanong sa akin.

"Bibi hindi ko siya babae.."

"Huwag mong bilugin ang ulo ko Althea!"

"Nagsasabi lang ako ng totoo mahal ko."

"Kitang-kita ng mga mata ko na nakikipaglandian ka sa kanya kanina. Maganda siya, sexy at mestisa. Kaya hindi ako naniniwala na wala kang gusto sa kanya. Nakipag-date ka pa nga sa kanya di ba?"

So it's confirmed! Nagseselos nga siya kay Jessy. Gusto kong matawa ngunit pinigilan ko. Baka bigla niya kasi akong tuktukan sa ulo.

"Tama ka mahal ko. Maganda nga siya, sexy at mestisa." Waring naningkit na naman ang kanyang mga mata na tila bubuga na naman ng apoy anumang oras. Grabe! Ang cute niya talagang magselos. Parang kinikiliti na naman tuloy itong puso ko. "Pero hindi niya kayang patibukin ng mabilis itong puso ko na katulad kung paano tumibok ang puso ko para sayo." Dugtong ko sa sinabi ko.

Ang matigas na expression ng mukha niya kanina ay bahagyang lumambot sabay iwas ng tingin sa akin. Hala! Hindi ko na napigilang mapangiti. Nahuli ko kasing nagkulay kamatis ang pisnge niya. I'm sure na kinikilig na siya. Ayaw lang niya ipahalata. 😁

"I still hate you Althea!" Irap niya sa akin na halatang nagpipigil na rin ng kanyang mga ngiti.

"I don't care! Basta mamahalin pa rin kita." Nagulat ako nang bigla niya akong hampasin ng ruler sa braso. Nakapatong kasi iyon sa ibabaw ng table ko kaya mabilis niyang nahagip. "Aray naman Bibi!"

Bigla siyang napahalakhak ng tawa. As is sobrang tawang-tawa siya. Kaya sa halip ay napatulala na lang ako sa kanya. Alam mo yong feeling na akala mo bumagsak ka sa exam sa school pero ikaw pa pala ang nakakuha ng highest score? Ganon na ganon ang pakiramdam ko ngayon.

"Hoy! Bigla kang natulala diyan." Sabay sundot niya sa tagiliran ko gamit pa rin ang ruler.

"Wala! Masaya lang ako kasi tumatawa ka na." Nangingiti kong turan sa kanya.

"Hmp! Corny mo.." Irap na naman niya.

Hindi ko napigil ang panggigigil ko sa kanya. Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang magkabilang pisnge at ginawaran siya ng isang mariin na halik sa labi. Tumugon siya sa halik ko kaya tumagal pa iyon ng ilang minuto.

"I love you so much Bibi.." Sabay halik ko ulit ng mabilis sa lips niya. Ang lambot talaga. Nakakagigil!

"Mahal din kita. Pero kapag nalaman ko na nakipagdate ka na naman sa Jessy na yon ay makikipagbreak na talaga ako sayo."

"Bibi hindi naman yon date eh." Inis na maktol ko sa kanya.

"Eh anong tawag mo don?"

"Ganito kasi yon." Hinila ko siya paikot ng mesa. Naupo ako sa swivel chair ko at hinila siyang paupo sa kandungan ko.

"Aay!!" Nagulat siya at napairit ng mahina pero hindi siya nagreklamo. Hmm.. Ang bango-bango niya. Nakakaturn-on! Iniyakap ko ang mga braso ko sa bewang niya. "Namamanyak ka na naman sa akin. Ituloy mo muna ang kwento mo." Aniyang hinampas ako sa braso. Naramdaman niya kasing gumagapang ang isa kong kamay papunta sa dibdib niya. Napahagikhik tuloy ako ng tawa sa kanya.

"Yon sabi ko nga Bibi.. Hindi iyon date. Napansin niya kasi na tulala ako at malungkot kanina. So dinala niya ako sa place na alam niyang makakapawi ng lungkot ko." Tatayo sana siya ngunit hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. "Tsk! Dito ka lang Bibi." Ibinaon ko ang mukha ko sa likuran niya. Bahagyang napa-arko naman ang katawan niya sa ginawa ko.

"Ang alam ko sa gabi lang merong night club. So saan ka nga niya dinala?" Sabay kurot naman niya sa braso ko.

"Ouch! Alam ko namang sa gabi lang yon Bibi. Kaya nga night club eh." Mangiyak-ngiyak na maktol ko. Ang sakit kaya ng pagkakakurot niya. Namula oh! Baka mamaya magviolet pa ito.

Can't Get Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon