Ayan na siya!
Hindi mapakali sa upuan niya,
Hindi makatingin ng diretso,
Pinapawisan ng malagkit.
Ayan na siya!
Hindi malaman ang gagawin,
Lalabas ba?
Uupo lang o tatayo?
Ayan na siya!
Tumatawa pa!
Kahit man lang sa malayo,
masaya na akong makasulyap sa'yo.
