chapter 1

43 0 0
                                        

"Naman ang Tagal." Nauubos na ang pasensya ni Cherrie kahihintay sa boyfriend sa restaurant kung san sya naroroon. May usapan sila ng magdadate para sa 2nd anniversary nila.

Sa restaurant na iyon sila unang nagdate at twing anniversary ay nakagawian na nilang doon magcelebrate. Halos tatlumpong minuto na din syang naghihintay sa kasintahan. Ang akala nya pa nmn ay maaga tong dadating dahil maaga raw na mag- oout sa trabaho. Nagkataon nmn na day off nya ngaung arw. Kanda higop sya sa tubig na in order knina. Ayun na lamang muna hanggat wala pa ang kanyang sinisinta. Tumingin siya sa kanyang relos na casio.

"8:45pm na. Bakit ang tagal naman yata ng lalaking yun?"anya sa sarili. Biglang kumulo ang kanyang sikmura. Gutom na siya. Halos mag-iisang oras na siyang naghihintay.

"Konti na lang talaga at pag wala pa ay tatawagan ko na ang kumag na yaon."
Ngunit hindi na rin siya nakapagpigil na tawagan ang nobyo. Ilang dial ang ginawa niya ngunit wlang sumasagot.

"Abat." Napabuntonghininga siya. Hindi niya rin naman maalis na mag- alala. Iniisip niya na baka may nangyari na dito. Pero sana naman ay wala. Muli syang nagdial. Nagriring. Nang biglang may sumagot. Napathank God siya. Magtatanong na sana siya ng biglang nauna ang nasa kabilang linya.

"Hello." Nagulat siya dahil hindi iyon boses ng kasintahan niya. Boses iyon ng isang babae. Hindi siya nakapagsalita agad. "Hello" ulit neto.
"Ahmmm." Ang unang nabanggit niya. Lumunok muna siya. May lumulukob na kaba sa kanyang kalooban.

"This is cherrie. Is nick there?"
"Actually, he is here beside me, sleeping." Napamulagat siya sa tinuran neto. Isa lang ang alam niya sa mga oras na iyon. May kinakasamang ibang babae ang kasintahan niya. Gusto niya itong komprotahin agad agad. Saktan sa paraang alam niya sa mga oras na iyon. Pero kelangan niya munang kausapin pa ang babae.

"Why, do you have something to tell him? Tanong pa neto. Sa isip niya ay napakahayop nila pero pinanatili niyang kalmado ang sarili.

" W-who are u, by the way?medyo nanginginig na tanong niya. Unti- unti na siyang nababalot ng kaba.
" I'm his girlfriend." Wlang patumpik tumpik nitong sagot. Napaoh na lng siya. " Just tell him. He forgot our dinner date and that he is an asshole. Okay?"

Ang babae naman ang napatigil. Hindi nakapagsalita agad. Pero wala na siyang pakialam. Pinutol niya na ang linya. Napakasakit ng nararamdaman niya. May nangilid na luha sa kanyang mga mata na agad bumuhos na parang ulan. Pumunta siya ng restroom at nagkulong sa cubicle. Doon siya patuloy na umiyak. Halos nagkalat at naburana ang kanyang make up sa mukha. Umibig siya at nasaktan ayun ang katotohanan. Nilabas niya ang tissue sa pouch. Pinunasan ang luha at sipon na naghalo na. Kanda iyak siya.

Biglang may pumasok sa cr. Narinig niya ang isang sikat na kanta ni whitney houston. Ang where do broken hearts go na lalong nagpaiyak sa kanya.
"LORD, bakit naman ganito kasakit ang pagmamahal?

Two years sila ng nobyo at napakasakit dahil sa mismong araw ng anibersaryo nila ay nasaktan siya. Ginago siya neto. Buong akala niya ay tapat ito sa kanya. Malay nya ba kung ilang buwan o taon na siya netong niloloko. Dumadami na ang tao sa cr. Wala na siya ng nagawa kundi ang lumabas.

Tuluyan na siyang lumabas ng restaurant. Nagngingingit pa din ang kalooban. Ang hayop niyang nobyo nagpapakasaya sa piling ng iba gayong anibersaryo nila. Lumakad siya ng lumakad hanggang makarating sa bridge. Tumigil siya at umupo sa isang tabi. Bumalik sa kanyang ala ala ang lahat. Mula sa una nilang pag- uusap at pagkikita. Hindi niya na naman napigilan ang umiyak.

"Bakit naman kasi siya paaaaaa? Ang sakit sakit naman e." Iyak pa ulit. Iyak punas ang ginagawa niya. Napasandal na siya sa likod. Kanda iyak pa rin ang ginagawa niya. Habang naiisip niya ang masaya nilang dalawa ay mas lalong bumubuhos ang kanyang mga luha. Sisinghot singhot siya habng napapailing iling. Wala na siyang pakialam sa mga nagdadaang tao at sasakyan bastat andun lamang siya.
Maya- maya ay nagring ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito. Napasimangot sya ng makita kung sino ang nakaplaster sa screen. Ang dyowa niyang demonyo. Nagdadalawang isip siya kung sasagutin pero sa huli ay napagdesisyunan niyang sagutin na lang.

Te Amo, My LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin