NAKAPANGALUMBABA si Eilynne sa counter ng flower shop na pagmamay-ari niya at ng kanyang dalawang kapatid. Hinipan niya ang ilang hibla ng kanyang buhok na hindi napasama sa pagkakapusod nito. Hindi siya sanay na nakataas ang kanyang buhok kaya hindi siya kumportable sa ayos nito ng sandaling iyon. Nagpapanggap kasi siyang si Leilynne, ang isa sa kanyang dalawang nakatatandang kapatid. Tatlo silang magkakapatid. Si Zeilynne ang panganay, sumunod si Leilynne, at siya ang bunso. Madalas silang napagkakamalang triplets dahil iisa lamang ang mukha nilang tatlo. Isang taon lamang ang pagitan ng kanilang mga edad kaya madalas malito ang kahit sinong makakita sa kanilang tatlo. Upang maiwasan ang pagkalito ng mga taong nakakakilala sa kanila, sinanay sila mula pagkabata sa iisang ayos ng buhok bilang pagkakakilanlan sa kanila.
Si Zeilynne ay sinanay na laging naka-braid ang buhok. Sopistikada kasi ito kaya gusto nitong laging nakaayos ang buhok. Si Leilynne naman ay laging nakataas ang buhok. Habang siya naman ay laging nakalugay lamang buhok. Mas kumportable kasi siya ng walang kahit anong nakalagay na kahit anong bagay dito.
Bukod sa ayos ng kanilang buhok, isa rin sa mga pinagkakaiba nila ay ang paborito nilang kulay. Her favorite color was pink. Mula pa noong bata pa sila ay halos lahat ng kanyang gamit ay kulay pink.
Dahil nga magkakamukha silang magkakapatid, madalas nilang gayahin ang isa't isa lalo na noong mga bata pa sila. Ang kanilang mga magulang lamang ang hindi nila nabibiktima doon.
Nang sandaling iyon nga ay nagpapanggap siyang si Lei. Nasa Boracay kasi ito kasama ang kasintahan nito. Si Zei naman ay abala sa pagsusulat ng nobela sa kanilang bahay. Sinusulit ng mga ito ang natitira nilang panahon bilang mga ordinaryong mamamayan sa Pilipinas.
She sighed. Naalala na naman niya ang sitwasyon nilang magkakapatid.
"To be or not to be?" she whispered.
"That is the question." Napabalikwas siya nang marinig ang boses ng isang lalaking nasa harapan na pala niya.
How did he get there?
Handa na siyang kastiguhin ito dahil sa pangugulat nito sa kanya ngunit naudlot lahat ng kanyang sasabihin nang makita ang napakagwapong mukhang nakatunghay sa kanya. Literal na nakatingala siya upang makita ang mukha nito dahil napakatangkad nito. Sa tingin niya ay nasa above 6 feet ang height nito. Parang nahihipnotize siya sa mga mata nitong kulay tsokolate. Bahagyang nakakunot ang noo nito pero nakakaakit pa rin itong titigan.
Bahagya na naman siyang nagulat nang tumikhim ito. Mukhang nailang ito sa kanyang ginawang "pagtitig" dito.
Oh well.
She cleared her throat first before she gave him her sweetest smile. "Good morning, Sir!" malambing na bati niya dito.
Nakakunot pa rin ang noo nito. "Are you Ryzze Eilynne Sheng?" seryosong tanong nito.
Eh? Kilala siya nito? Paano?
"Ahm, why are looking for my sister, Sir?" ganting tanong niya dito. Hindi niya ito kilala kaya ayaw niya munang magpakilala dito.
"You're not her?" lalong kumunot ang noo nito.
I am, but I can't tell you that, Mr. Handsome. Hehe!
"Eilynne is my sister. I am Rylle Leilynne Sheng. And you are?"
Para itong nadismaya sa sinabi niya pero agad ding bumalik sa seryosong mukha nito. "Are you sure you're not Eilynne Sheng?"
Natawa siya sa pagkukumpirma nito. "Do you want me to be my sister?"
Mukhang nagisip ito ng malalalim bago muling nagsalita. "Where is she?"
YOU ARE READING
PINK
RomanceThe first color of love is... PINK. "You don't have feelings for me. Maiistress ka lang once na magpakasal tayo. Stressed ka na nga sa work, maiistress ka pa lalo dahil sakin." "Bakit naman ako masstress sa 'yo?" "Syempre I would demand much of you...
