Chapter 1

16 1 0
                                        

"Malas!" ngayong araw na ata ang pinakamalas na araw para kay AJ short for Arianne Jane. Ibinasura kasi ng isang publishing company ang librong pinaghirapan nyang gawin. Hindi lang nito ni reject ang gawa nya kundi nilait pa. Ang katiting na fighting spirit nya sa pagsusulat ay winasak nito. Muntik pa nga syang mapaluha sa mga masasakit na salitang binitiwan nito pero pinigilan nya ang sarili. Hindi sya kailanman iiyak sa harapan ng taong nanakit sa kanya. Emotionally stress sya ngayon kaya naman lutang sya. Lumilipad ang utak nya habang naglalakad sya palabas ng mala-impyernong publishing house na iyon.

Nang biglang tumunog ang cell phone nya. Wala sa sariling sinagot nya iyon. Sobrang malas nga talaga ang araw na ito dahil ang tumawag sa kanya ngayon lang eh ang mga taga banko kung saan sya may utang. Ginawa nyang collateral ang nag-iisang pamana sa kanya ng kanyang mga magulang, ang bahay nila. Ngayon nga eh maii-lit na ang property na iyon kung hindi nya mababayaran ang inutang nya within this month.

Mas lalo syang nai-stress dahil sa narinig na balita. Nagpatuloy sya sa paglalakad pero hindi nya sigurado kung saan sya pupunta. Hindi nya nakita ang nakausling bato sa daraanan nya kaya naman natapilok sya. Napa-upo sya sa semento at nasira ang takong ng sapatos nya. Hindi rin nya ma-igalaw ang paa nya dahil mukhang nai-sprain yun. Dahil sa nangyari naawa sya sa sarili nya. Siya na ata ang pinakamalas na tao sa mundo ngayong araw na ito. Hindi nya napigilang umiyak, kanina pa sana iyon pero pinipigil lang nya. Hindi nya pinansin ang mga taong napapatingin sa kanya at inaakalang isa syang baliw. Wala na syang pakialam, ang gusto lang nya eh umiyak. She let herself cry in the middle of the street! Mukha syang ewan dahil sirang-sira na ang make-up nya but she doesn't care, as long as mailalabas nya ang mga hinanakit nya sa mundo.

Nasa second batch na sya sa pag-ngawa ng may lumapit sa kanyang lalake.

"Miss, can you move aside, as you can see na sa gitna ka" sabi ng lalake sa kanya. Kailangan nya itong tingilain dahil nakaupo nga sya semento, hindi nya masyadong makita ang mukha nito dahil sa mga luha nya.

"Pwe..de ka.. namang dumaan dyan ah" sabi ko habang sumisinghot pa, itinuro ko ang daan sa kaliwa ko.

"Miss it's not right to block this way, as you can see nakakaabala ka sa mga dumaraan" tinignan nya ang paligid pero wala namang dumadaang tao, mangilan-ngilan lang, kaya pano nito na sabing nakaka-istorbo sya. Kung tutuusin ito ang nakakaistorbo sa pag-ngawa nya.

"Hindi naman ako nakakaabala ah, ba't di ka na lang dumaan at hayaan ako!" singhal ko sa kanya. Masyado itong paki-alamero.

"Such stubborn woman" naiiritang sabi nito. Akala nya aalis na ito pero nabigla sya ng hawakan sya nito sa braso at tinangkang itayo napaaray naman sya sa sakit dahil sa paa nya. Agad naman sya nitong binitiwan.

"You are hurt, why you didn't tell me?"

"Nagtanong ka ba! Nakakainis ka, dahil sayo nangyari ito! Ikaw ang dahilan ng lahat ng kamalasan sa buhay ko! Isa kang balat sa pwet na nagbibigay ng malas! Masama ka! I hate you I really hate you for hurting me!" naghi-hysteriang sabi ko sabay hampas sa binti nitong naabot ko. Wala na nga talaga ako sa sarili ko dahil napagbuntungan ko ng galit ang isang estranghero.

"Whooa, hey Ms. I don't know you, so stop blaming me, I'm just here to help you kailangan kang madala sa ospital para matignan yang paa mo" sabay hawak nya ulit sa braso ko pero binawi ko agad yun at iniiwas ng tangkain uli nitong abutin yun.

"Ayoko! Ikaw na lang mag-isa ang pumunta sa ospital iwanan mo na ako dito" mukhang napipikon na ito sa kanya kaya nag-iskwat ito at bigla syang binuhat. Inilagay sya nito sa balikat nito at nagmukha syang sako ng bigas.

"Hey! Bitiwan mo ko mamang baliw! Kidnapper ka ba? Wala akong perang pang ransom, pakawalan mo na ko! Tulong tumawag kayo ng pulis kinikidnap ako!" sabi ko habang nag-pupumiglas sa lalake. Hindi naman ito natinag nagawa pa nga nitong yumuko at kunin ang sirang sapatos nya at bag. Patuloy pa rin ako sa pag-sigaw ng kung ano-anu ng bigla syang nag-salita.

Jasem's Second Chance In Love Stories to obsess over. Discover now