1

4.6K 67 2
                                    

Deanna

"Let's Party!!," sigaw ng isang babae habang nasayaw sa gitna ng bar, nagsipuntahan naman ang iba at pumunta sa dance floor para sumayaw habang ako nandito sa isang tabi nainom ng Tequila para naman mawala yung school problems ko.

" Uy deanna, ano ginagawa mo dito sa bar?" Tanong ni Celine

"Uhm? Baka nag aaral?, seriously Celine?" Sabi ko sa kanya.

"Sungit mo naman Lodi, seryoso bakit nga?",Tanong naman ni Celine sakin.

"Uhm, wala lang I just want to free myself from stress", sabi ko kay Celine

"Sus, if I know may pinagdadaanan ka lang", Sabi naman ni Celine sakin.

Jusko ang kulit naman ng babae na to sabi nang gusto ko lang i enjoy ang sarili ko. Tiningnan ko nalang sya ng masama at uminom nalang ako ng Tequila nakakailang shot na din ako at medyo nahihilo hilo na din ako pero I want more yung tipong nakakalimutan ko na ang mga problema ko.

"Hinay hinay lang Lodi at baka maubusan mo na yung ibang customer" pagpigil naman sakin ni Celine

"Shut your fucking mouth Celine, I don't care kung maubusan sila dyan" pagsasalita ko sa kanya ng medyo may mataas na tono

"Lasing na nga to, Itetext ko na si Luigi para maiuwi ka na Deanna, lasing na lasing ka na oh" kinuha naman ang cellphone nya para itext si Luigi na nandito ako sa bar.

Habang nakita ko na nagtetext si Celine biglang may nagsalita sa stage

"Okay guys let's give it on for Ms. Jema Galanza our singer for tonight a round of applause everybody," sabi nung lalaking nasa gitna bigla namang nagpalakpakan ang mga tao at nagsimula na syang kumanta.

"GO JEMA!!," sigaw ng ibang tao mga kaibigan nya siguro nagsimula ng mag strum yung gitara tapos kumanta na sya

Huling hirit
Di ko alam kung bakit
At paano mo napapawi ang kalungkutan ko
Abot langit
Ligayang dulot mo
Ngiti ang tanging dala sa mga labing ito

Noong una ay hindi ko pinapansin kung sino yung nakanta pero habang natagal napatingin ako kung sino ang nakanta ang ganda nya. Sobrang ganda nya

Di ka pa man lang kumikibo
Ayos na
May mahika ka pang dala-dala

Habang dinadama ko yung pagkanta nya este yung mga salita hindi ko namalayan na nakatitig na ako sa kanya para bang nag slow mo ang lahat, mga naka paligid sakin pati ang pagbuka ng mga bibig nya.

"Huy Deanna," kulbit sakin ni Celine

"Huh? Oh, bakit?," at nagising naman ako sa realidad

"Narinig mo ba sinabi ko?," tanong nya sakin

"Huh? Ano ba sinabi mo? Pakiulit hehe," sabay peace sign sa kanya

"Hay nako Deanna Wong," sabi nya sakin with frustration "natext ko na si Luigi para sunduin ka lasing na lasing ka na oh," sabay hawak sa pisngi ko

"Ha? ahh sige sige," sabay balik ulit ng tingin ko sa nakanta

Luigi

Nanonood ako ng movie ng biglang may nagtext sakin si Celine na nasa bar daw si Deanna at lasing na lasing na ito. Hay nako Deanna. Dali dali akong nag ayos ng pangalis para sunduin si Deanna, pumunta na ako sa bar na tinext sakin ni Celine. Dala ko naman yung kotse ko kaya mabilis ako nakapunta doon.

Pagkapasok ko ay nakita ko si Deanna sa counter nilapitan ko sya at nakita ko si Celine na kinakausap sya.

"Well I present to you, drunk Deanna Wong" pakilala naman ni Celine

"Hahahaha guys I'm not drunk I'm just dizzy" sabi naman ni Deanna na patuloy pa rin sa pag inom ng Tequila.

"Hay nako Deanna iuuwi na kita", sabi ko naman at lumapit sa kanya nilagay ko ang braso nya sa kaliwang balikat ko at lumabas na ng Bar.

Binuksan ko ang pinto ng shotgun seat at doon pinaupo si Deanna.

"Gi." Sabi nya sakin habang inaayos ko sya sa pagkakaupo nya

"Deanns? Hoy ang bigat mo ha jusko," sabi ko pagkatapos kong ayusin sya sa pagkakaupo nya at inayos ko na ang seatbelt nya.

"Gi, bakit ang ganda ko?" Sabi naman ni Deanna na nakapikit.

"Hindi ko alam Deanna haha matulog ka nalang dyan at lasing na lasing ka na nga," sabi ko naman habang nag dadrive papunta sa condo unit ko, hindi ko na kasi sya mahahatid sa Dorm nya kasi may curfew sila na hanggang 12 na eh anong oras na it's 3 am.

Pagka park ko ng sasakyan ko sa parking binuhat ko si Deanna ng bridal style at pumunta sa unit ko, agad ko namang inihiga si Deanna sa kama ko. Dumeretso ako sa kusina ko para ipaghanda ng maligamgam na tubig na pamunas sa mukha nya para mahimasmasan kahit papaano.

Habang pinupunasan ko hindi ko maiwasan na tumitig sa kanya at pagmasdan kung gaano sya kaganda, hay nako Luigi tigilan mo yan bestfriend ka lang nya. I snapped out of reality ng marealize ko na bestfriend nya lang ako Hay Deanna hanggang doon nalang ba?

Inayos ko nalang ang sarili ko at humiga sa sofa at natulog na lamang.

Deanna

Nagising ako dahil may naamoy ako na masarap na galing sa kusina. Teka nasaan ako? Tumingin ako sa paligid at napansin ko na unit to ni Luigi bumangon ako at pumunta sa kusina at nakita ko si Luigi na nagluluto ng breakfast.

"Oh Deanna gising ka na pala", bati sakin ni Luigi

"Good morning din Gi", sabi ko naman

"Wala ba kayong training ngayon?", tanong sakin habang hinahanda ng breakfast

"Meron, kaso mamaya pang hapon", sabi ko naman habang tinitingnan sya mag handa ng breakfast

"Kaya pala ang lakas ng loob mo na mag inom hahaha", tawa naman sya.

"Che" sabi ko naman

"Lika na breakfast na tayo", aya naman sakin ni Luigi umupo naman ako katapat nya at nagstart na kumain ng breakfast.

"Gi, Thanks ha hahah ikaw pa yung sumundo kagabi sakin sa bar", sabi ko habang nakain ng breakfast

"Ano ka ba naman syempre bestfriend kita, yun yung trabaho ko diba?", sabi nya

"Oo na, oo na hahah", napatawa naman ako sa sinabi nya at kumain na lamang.

Pagkatapos namin kumain ay nagayos muna ako ng sarili ko at nagpaalam sa kanya na babalik na ako ng dorm hindi na ako nagpahatid sa kanya kasi malapit lang naman yun sa dorm ko at baka nagaalala na sila ate Maddie.

A/N

So guys bear with me idk how to write stories properly and this is my first time so hehe hope you like it kahit first chapter palang :) Happy Reading

Ghost of You Where stories live. Discover now