***
"Jai, kanina pa ako naghihintay dito sa airport, puta. Ang init-init dito."
"E di sumilong ka. Bobo mo naman." Sagot ko sa taong naghihintay sa akin sa labas ng airport.
"Bahala ka nga diyan. Uuwi na lang ako, iwan na lang kita." Pagbabanta niya.
"E di umuwi ka. Sino ba kasi nagsabing sunduin mo ako? Bobo mo talaga." Galit kong sagot.
Pinatay ko ang tawag. At naglakad na papalabas ng airport. Hinayaan ko na lang na umuwi 'yong Kuya ko. Nagring ulit ang cellphone ko. Bobs is the Caller ID.
"O, ano Bobs? Kulit mo."
"Jairaeh, ayusin mo nga 'yang pananalita mo sa akin. Kuya mo pa rin kaya ako." Sabay patay niya ng tawag. Nagalit?
Nakalabas na ako ng airport at nagulat ako na nando'n pa rin si Kuya at naghihintay sa labas, nakasimangot. Nilapitan ko siya at niyakap.
"Sorry na, Kuya. Namiss lang naman kita tawaging Bobs."
'Di niya ako pinansin at pinagbuksan na lang ako ng kotse. Pero 'di ako pumasok dahil 'di niya pinansin 'yong lambing ko. Bahala siya, mangalay diyan.
"Apology accepted. Sakay na, 'wag kang maarte diyan. Ikaw din, masusunog balat mo!" saad niya kaya pumasok na ako ng kotse at pinaandar niya na ito.
Wow. I miss the smell of the city. I have been in Davao for almost one month because I visited my Lola there.
"Kuya, how's ate Eka? Are you guys doing fine? I texted her last week pa pero hindi pa rin siya nagrereply hanggang ngayon."
Hindi umimik si Kuya at nanatili ang kanyang tingin sa daan.
"Don't tell me you guys broke up?"
He nodded.
Sinapak ko siya sa balikat at tinarayan. "Why?"
Ate Eka is my Kuya's girlfriend na rin for almost 6 months. Siya na yata pinakamatagal at nagtagal sa Kuya ko. She's kind and very warm. 'Di ko nga alam kung paano siya napasagot ng Kuya ko.
"Some things are better left unsaid, Jai."
"I won't force you, okay? H'wag ko lang malalaman na you're the reason why you guys broke up."
"Jai, wake up. Dito na tayo," naramdaman ko na may tumapik sa balikat ko kaya nagising ako.
Lumabas na ako ng kotse at kinuha ang mga gamit ko sa loob.
"Ba't ang daming kotse?" tanong ko dahil ang daming nakapark sa labas ng bahay namin.
"I invited Cleo and the others. Excited silang makita ka ulit."
Because of that, nagmadali akong pumasok sa bahay, only to see my friends' madudungis na face.
"What's up, guys? What is happening here?" I asked them to let them know about my existence.
Lahat sila tumigil sa kung ano ang ginagawa nila at nagsitakbuhan papalapit sa akin.
"'Missed me?"
Isa-isa nila akong niyakap at pinisa, ang iba pa nga ay hinalikan ako sa pisngi. Igu-group hug pa sana nila ako ng tinakbuhan ko sila at umupo sa sofa.
"Ang baho niyo, yucks! Amoy pinaghalong abno at alak."
"We were here last night pa kasi. And we tried to baked you a cake pero sinayang ng mga 'to ang icing at pinagpapahid sa mga mukha nilang pangit." Sumbong ni Lara sa akin at pinagtuturo ang mga barkada namin ni Kuya.
I laughed.
"I miss you guys." I said and gave them my warmest smile.
"Let's continue the party!!!" Marco shouted.
"I'm sorry but I can't. I'm so jetlag. I want to sleep," ani ko at tumayo.
Bumasangot naman si Marco at umupo. "You can continue the party pa rin naman. Or we can just go party later?" I said to him.
And with that, tumayo ulit siya at pumunta sa kusina para siguro kumuha ng alak.
"See you later! Lara and Cleo, you guys can go to my room if you want to." Sabi ko sa dalawa kong kaibigan.
Aakyat na sana ako sa taas pero tinawag ako ni Cleo.
"We'll go with you na lang, they can drink naman by themselves. They don't need us here." At sinundan ako nilang dalawa.
Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga sa kama. I'm so tired. Sumunod sa akin ang dalawa at tumabi sa akin.
"I know you wanted to join the party. You just wanted to avoid him."
-
