"Di ka pa ba papasok?" si marci.


Andito na kame sa parking lot mga 15 minutes na rin siguro, pero di ako bumaba ng kotse nya. Kanina pa syang nagtatanong pero nanatili akong tahimik, naririnig ko naman sya kaya lang ayokong umimik, busy ako ngayon. Nag iisip ako ng magandang salita para sa lalakeng ito.


"May problema ka ba?" si marci na halata sa boses neto ang pag aalala. Tinanggal nya yung pagkakaseatbelt nya tas humarap sa kin kahit ako ay diretso lang sa pagkakaupo ngayon at pati ang tingin. "Jhoana---"


"Bakit ako?"


"Huh?" si marci na napakunot noo.


Nilingon ko sya and pagkatapos ay ginaya ko yung ginawa nya kaya ngayon magkaharapan kameng nakaupo at parehong nakatingin sa isat isa. "Marci, bakit sa diname dame ng babae dito sa ateneo, ba't ako?"


"Hindi ko din alam eh." napakamot sa ulo tas napangiti na lang sya. Salamat at na gets din neto yung gusto kong ipunto. "Basta ang alam ko eh.....ikaw yung gusto ko." tas bigla syang sumeryoso.


Humugot ako ng malalim na hininga. "Gano mo ko kamahal?"


Napakunot noo si marci at sandali akong tiningnan bago muling nagsalita. "Mahal na mahal." si marci na lalong sumeryoso at ngayon nga ay di na ito nakakunot noo sa harapan ko. "Kaya kong ipaglaban ka.....Ilaban ka pa." sandali syang nanahimik at tinitigan ako sa mata. "Kaya ko ring......bumitaw na...."


Ako naman ngayon ang napakunot noo. Natameme ako sa huling sinabe nya, di ko akalain na AKO pala ang mabibigla sa isasagot nya sa kin. Parang maiiba yata ang sitwasyon ngayon.


"Jho, kakayanin kong bitawan ka na kase alam ko naman na kahit anong gawin ko, porma sayo, pa-cute ko,pagentleman at kung anu ano pang gimik para makuha ko yung atensyon mo.....yung puso mo...." umiling ito saka nag smile ng mapait. " Hindi ako yung gusto mo......Yung mahal mo."


Napalunok ako. Mukhang ako nga talaga yung mabibigla ngayon. "Marci.....Uh....." walang salitang lumabas sa bibig ko. Andame kong na reherse na pwede kong sabihin sa kanya pero ba't ngayon, ni isa sa mga yun ay di ko maalala. Boset naman oh!


"Hindi mo na kelangan pang magpaliwanag sa kin,jho. Naiintindihan ko naman eh, Hindi ako yung taong gusto mong makasama......." dagdag pa neto.


Naiiyak ako habang nakatingin kay marci na malungkot ang mukha at bakas sa mga mata neto ang sakit na dinudulot ko ngayon sa kanya. Bakit ako nasasaktan para sa kanya? Bawat masasakit na salita na binibigkas nya na para sa kanya mismo yun ay ako ang mas naaapektuhan!


Mabuting tao kase ang lalakeng ito, kelan ko nga lang din talaga nalaman at kung kelan pa na meron ng nauna at mas malaking pitak sa puso ko saka ko lang napansin yun. Swear, napaka swerte nung babaeng mamahalin neto at syempre yung magmamahal sa kanya kase ideal boyfriend naman talaga si marci eh. Mabait naman, gentleman, masunurin yan, caring pero sadyang di lang pwedeng ilevel-up pa yung relationship namen ng lalakeng ito kase meron ng nagwagi.


"......Hindi mo ko kayang mahalin tulad ng pagmamahal mo KANYA...."


Napayuko na lang ako kase nahihiya ako sa kanya, hindi dahil sa kinahihiya ko kung sino yung minamahal ko kundi dahil sa oras, panahon at effort nya ay di ko pa rin sya nagawang magustuhan kahit pa nga sya yung DAPAT na mahalin kase sya yung normal sa paningin ng tao, ng lipunan. Hindi talaga pwedeng diktahan ang puso kung sino yung mamahalin neto at nakakalungkot lang kase sinasaktan ko yung taong di dapat masaktan ng ganto. Pero wala eh, ayokong dayain pa ang sarili ko. Ayokong paasahin sya sa wala, kase wala nga akong nararamdamang special connection pag magkasama kame.


Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now