"Here. 'Yong sukli mo. Malaki-laki rin 'yan." Tiningnan niya naman ang sukli na nasa aking palad.

"You can keep it. Hindi ko rin naman alam kung ano ang bibilhin ko rito. Use it to buy foods or anything. But from what I have seen, 'di ka naman materialistic. You don't even use Shopee."

Tumaas ang aking kilay sa narinig. "Wow! Alam ang Shopee, oh!" And what he said was true, though. 'Di talaga ako masyadong magastos.

Binalik ko na lang ang sukli niya sa aking bag. I'll just use this to buy our daily necessities, then.

"Of course! I know a lot. I'm a god after all. We have a superhuman intelligence."

Well, totoo naman. He's stating a fact.

"Eh 'di ikaw na. Ganyan ba talaga kayong lahat? Alam niyo kung ano ang mga bagay-bagay rito?"

He nodded. "Yes. Unfair naman kung kayo lang ang may alam tungkol sa amin. Demigods talk a lot. Even Zeus'' personal experiences scattered all throughout the world!" Yumugyog ang kanyang balikat nang kumawala ang tawa mula sa kanya.

"Is he really a jerk?" I asked as we started to walk. Morpheus nodded.

"Kung ano 'yong mga nababasa niyo, talagang gano'n si Zeus. Talagang gano'n si Hera. Talagang totoo 'yong kay Haphaestus. All of them!"

Napatango-tango naman ako. "Gosh! 'Di ko inakalang totoong story pala ang mga binabasa namin. Akala ko kasi, gawa-gawa lang. It somehow amazed me na meron pala talagang gano'n lalo na ang mga demigods." At unti-unti na ring nagsi-sink in sa akin ang mga ikinukuwento ni Morpheus sa akin.

"But what about you, Morpheus? Is it possible for you to produce a demigod?" I asked out of curiosity. Mukha kasing ang dami nang mga demigods dito, eh. Baka nga may mga nakakahalamuha na ako na gano'n.

Humalakhak naman si Morpheus bago ako sinagot, "All of us are capable of producing a demigod, Three As." Tinapunan niya ako ng saglit na tingin at ngumisi. "Bakit mo naitanong? Gusto mo anakan kita?"

Malakas akong napasinghap at 'di ko maiwasang ihampas sa kanya ang isang plastic bag na ikinatawa niya nang malakas. What the fuck? I am not even thinking about that!

"Ang kapal ng apog mo! Nagtatanong lang, eh!" Inirapan ko siya.

He gave me a wide smile. "Oo na! But jokes aside," he sighed, "demigods have a hard time living life here on human world."

My forehead knotted. And I sensed sadness in his voice. Magtatanong na sana ako nang muli siyang magsalita,

"That's why even if I am capable of producing one, ayaw ko. Ayaw kong mahirapan ang anak ko. Time will come that my child will fight against minotaurs or other monsters who can sense the god's power in them."

That's hard.

Hanggang sa nakarating kami sa isang samgyupsal restaurant, tanging 'yon lang ang topic namin. And I have fun listening to Morpheus talking about the Greek gods and goddesses.

"If Hermes was here, he would surely like this," saad ni Morpheus habang naggigisa ng beef. May ngiti sa kanyang mga labi.

"Why?"

"Well, when he was a kid, still in his diapers, he stole 50 cows from Apollo."

Kumawala ang malakas na tawa sa akin. "Really? Then anong ginawa ni Apollo sa kanya?"

"Sympre, nagalit. And knowing Apollo, Hermes gave him the lyre in return."

Umawang ang aking mga labi nang may napagtanto. "Kaya pala may lyre si Apollo! Kay Hermes pala 'yon galing!"

The Dreamer's NightmareWhere stories live. Discover now