-RED AND THE WOLF-

41 9 1
                                        

DISCLAIMER

First of all. This story is just my own made; inshort hindi ito totoo. Sadyang gusto ko lang lagyan ng twist ang old folklore(?) story na Little Red Riding Hood. So hope you'll enjoy this short story of mine.

Written by: EssangManunulat
Date Started: 06/10/18
Date Finished: ———
©All Rights Reserved.

—R E D   A N D   T H E   W O L F—

"Red, makinig ka sa akin anak." ramdam ni Red ang takot sa boses ng kanyang ina habang nakatingin ito sa kan'ya ng seryoso. "Kailangan mo nang umalis dito. Hindi na ligtas sa lugar natin at kung hindi ka magmamadali ay baka pati ikaw ay makuha ng mga demonyo."

Hindi maiwasan ni Red na mapaiyak. "N-ngunit inay, paano ka? Ayokong iwan ka rito." Ngumiti lang pabalik sa kanya ito.

"Okay lang ako anak, walang mangyayari sa akin. Ngayong gabi, aalis ka na sa lugar na ito. Puntahan mo ang bahay ng lola mo. Balita ko, ligtas doon at malayo sa mga demonyo. Nasa kabilang dulo ito ng gubat ng Esmeralda at mag-iingat ka lagi lalo na sa mga demonyong makakasalubong mo." Tumigil sandali ang kan'yang ina upang kunin ang isang basket na may lamang mga mansanas at tubig. Ibinigay rin sa kanya ng kanyang ina ang isang pulang saklob.

"Dalhin mo ito, makakatulong ito upang hindi ka gutumin sa daan at 'etong pulang hood gamitin mo rin upang hindi ka ginawin sa paglabas mo." Hindi na nakasagot si Red nang bigla siya nitong tinulak papasok sa isang maliit na taguan na may masikip na espasyo.

"Kahit na anong mangyari, huwag kang lalabas diyan. Iwasan mo rin ang pag-iingay, huwag kang mag-alala ako nang bahala sa kanila." rinig ni Red na wika ng kanyang ina habang pinagmamasdan niya ito sa maliit na butas ng taguan.

Bigla naman siyang nakaramdam nang mabilis na pagkabog ng puso nang may biglang pumasok na isang demonyong lobo sa kanilang tahanan.

"Umalis ka na! Wala rito ang anak ko!" sigaw ng ina ni Red dito.

"Sinong niloloko mo tao? Sigurado ako na tinatago mo lang siya rito." wika ng isang itim na demonyong lobo. Kapansin-pansin ang kapwa kulay pulang mga mata nito, matutulis na mga pangil at sobrang laking pangangatawan kaysa sa ordinaryong lobong makikita sa mga gubat.

"Wala nga sabi! Kung gusto mo, ako na lamang ang kunin mo!" wika pa ng ina habang pilit na pinapaalis ang lobo malapit sa tinataguan niya.

Mas lalo namang bumilis ang pagtakbo ng puso ni Red nang nakatunog ang demonyong lobo at walang kahirap-hirap na pinatalsik ang kan'yang ina sa kabilang dulo ng bahay.

"Anong nasa loob ng maliit na kabinet na ito? Dito mo ba tinatago ang anak mo?" ani ng lobo habang tila may inaamoy sa hangin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Red and The WolfWhere stories live. Discover now