Akala

43 6 5
                                        

Author's Note: This is just a short poetry for those who suffers from infatuation and for those who fall for the wrong person:(

Alam mo ba?
Alam mo ba na sa bawat paggising hanap ko'y iyong kaytamis na ngiti?
Alam mo ba na sa bawat pagkakataong makita ka, ako'y hinahabol ng kaba?
Alam mo ba na sa bawat paghinga ko'y nais na kapiling ka?
Alam mo ba na sa huli'y ay kaysakit para sakin na iwan ka?

Alam kong hindi tayo bagay
Sumugal ako sa isang bagay na kailanman alam kong hindi ko ikakapanalo
Hindi ko ikakapanalo sapagkat hanggang magkaibigan na lamang tayo
Mahirap tanggapin na sa haba ng ating pinagsamahan, iba pala ang iyong natitipuhan
Umasa akong mauuwi tayo sa pagmamahalan
Pagmamahalan na kung saan nagsimula sa pagkakaibigan lamang

Minahal kita ng sobra sobra
Ipinabatid ko na sa bawat araw kitang kasama hinihiling ko na sana'y sa huli tayo pa rin ang magkasama
Ngunit bakit bigla na lamang nakalimutan na nandyan ako sa iyong tabi
Nakahanap ka ng mas maganda, maputi at makinis kaysa sa akin
Matapos noon ay natapos rin ang namamagitang pagkakaibigan sa atin

Nais ko'y malaman mo ang halaga ko sa buhay mo
Ngunit sa tingin ko'y di na mababalik ang dati sapagkat pati pagkakaibigan natin ay kinalimutan na rin
Nakita kong masaya kayo sa isa't isa
Naramdaman ko na mahal ka rin nya
Hanggang ngayon ako'y nagpapakatanga dahil nanatili paring umaasa
Umaasa na sa huli ay kakalimutan mo sya
Ngunit ako'y bigo dahil sa susunod makalawa sa altar na kayo magkikita

Kaibigan Mahal kita
Akala ko'y tayo ang para sa isa't isa
Pasensya ka na at di ko napigilan ang nadarama
Dahil akala ko'y magsasama tayo sa ating pagtanda
Ngunit salamat kaibigan dahil masaya akong kasama ka
Akala ko man sa una'y mauuwi sa pagmamahalan masaya ako't nakikita kang nakangiti kasama ang iyong minamahal.

At ngayon sa pagkakataong ito handa nakong bitiwan ang pagkakaibigan natin.
Paalam

.....hanggang sa muli salamat kaibigan....

End of Akala

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Akala: Unspoken PoetryStories to obsess over. Discover now