-1-

47 4 0
                                        

Sa isang nayon. Napakatahimik noon at lumakad kalang ng ilang kilometro ay mararating muna ang isang kagubatan.

Fresh ang hangin, madaming mga ibon pero sobrang tahimik at very rare lang ang mga sasakyan.

Isang gabi ay may bumukas na portal sa pusod ng gubat. Kulay asul ang portal at lumabas doon ang isang babae na kakaiba ang kasuotan.

Hindi mo maaaninag ang mukha niya dahil may takip sa ulo ang damit nito. Dala dala niya ang isang basket.

Ano kayang laman non?

Sa isang iglap ay naglaho siya pero nanatiling bukas ang portal. Sa isang malaking bahay siya biglang lumitaw.

Nakatayo siya sa harapan ng pinto ng bahay na yun, saka iniwan ang basket na hawak hawak niya.

Patawad, Kung kailangan kitang iwanan dito. Balang araw ay mauunwaan mo rin ang lahat.

Sabi niya at pumatak ang mga luha niya sa isang sanggol na nasa basket.

Iiwanan ko sayo ang basbas ko sa pag alis ko. Ikaw, ikaw ay magiging makisig na binata paglaki mo. Lahat ay magiging magiliw sayo at lahat ng makakatikim ng luto mo ay magugustuhan ito. Paalam Cedrick.

Sabi nito at hinalikan sa pisngi ang natutulog na sanggol saka humakbang na palayo. Biglang nawala ang babae at bumalik kung saan naroon ang portal.

Huminga muna siya ng malalim pagkatapos ay dahan dahan siyang pumasok sa loob ng portal. Pagpasok niya ay unti unting nagsara ang lagusan.




---


Pagdating ng Babae as mahigawang mundo ay sinalubong siya ng mga elf at nagbigay pugay.

Nagawa mo ba ang dapat mong gawin Serena? Tanong ng matandang elf na babae although hindi siya mukhang matanda.

Huminga ng malalim si Serena at tumingin sa malayo.

Sana ay tama ang naging desisyon ko.

Tama lang ang ginawa mo. Hindi nararapat manirahan sa mahiwagang mundo ang isang kalahating diwani at kalahating tao.

Sabi ng nito saka umalis.

---


Kinabukasan...

Nagulat si Violeta sa iyak ng bata sa labas habang nagkakape siya sa veranda. Maaga kasi siyang gumigising. Mga alas singko ata ang daily routine niya.

Dali dali siyang lumabas at halos madapa na siya sa pagmamadali. Isang bata ang nakita niya.

Ipinasok niya ito sa loob at kinarga. Hindi mapagsidlan ng tuwa si Violta dahil dininig ng langit ang matagal na niyang hinihiling.

Yun ay ang magkaroon siya ng anak na lalaki. Sumigaw siya kaya lumabas ang asawa niyang si Conrad.

V-violeta! K-kanino ang b-baby na yan?! Nauutal na tanong nito sa asawa.

H-Hindi ko alam, basta I found him sa labas. Naku sino man ang nang iwan ng batang to salamat sa kanya dahil tinupad niya ang pangarap kong maging ina.

P-pero hindi natin alam kung sino ang nang iwan sa batang yan!

Basta! Anak ko na siyang magmula ngayon! Diba baby Angelo!

Umiiling iling lang si Conrad pero pumayag narin siya na ampunin nila ang sanggol na lalaki.

---


Mabilis na lumipas ang mga panahon. Mabilis lang na nagdaan ang tag init, tag ulan, umaga, gabi.

Lumaki si Gelo ng busog ng pagmamahal sa kaniyang inang si Violeta. Pero, hindi kay Conrad. Hindi mahal ni Conrad ang batang inampon ng asawa niya.

Wala siyang amor kay Gelo lalo na nang nagkaroon na sila ng totoong at sarili nilang anak na si Lea.

Naging malayo ang loob ni Gelo sa Ama niya.











Gelo's POV

Pagkauwi ko ng bahay ay ramdam ko ang pagod sa maghapong biyahe namin. Pagdating ko ay nadatnan ko si Dad na nagbabasa ng newspapers.

O ano, may nangyari ba sa pagbabiyahe mo maghapon? Nagsasayang ka lang ng pera, ng oras mo at ng pawis mo. Bat di mo gayahin ang kapatid mo? Sikat na siya ngayon sa mga shows niya at commercials sa TV.

Sabi niya.

*sigh

Pasok na po ako sa kwarto ko. Yun nalang ang gagawin ko to avoid his sermons. Why he's always comparing me to my younger sister. Pwede bang stop nalang niya ang pagkukumpara saming dalawa?

Why he hated me that much? Kailangan kong malaman ang totoong reasons niya. Bakit hindi pantay ang pagtingin niya samin ni Lea.

Pumasok ako sa room ko at masaya akong makitang naka empake na lahat ng mga gamit ko. Good job Merlyn. Sinunod niya ang iniutos ko.

Nakabili na kasi ako ng sarili kong Condo sa sariling sikap. Hindi alam ni Daddy na may sarili na akong restaurant.

And...

It doesn't matter dahil wala siyang pake sakin.

Kaya di niya alam. Well then... That's my life.

*frustrated sigh



Elemental WorldWhere stories live. Discover now