Im InLOVE with my BestFRIEND ❤
Chapter 01 💕............................
Napangiti siya ng tinitingnan niya ang larawan nila ng kaibigan niya.
Mga pictures nung bata pa sila hanggang sa lumaki sila.
Nung bata pa Ang taba taba ng bestfriend niya iyakin ito at ang lampa lampa at lagi itong bully ng school mapababae man o lalaki, at siya naman ang tagapagtanggol ng kaibigan. Parang baliktad ata nuh? Napakaganda niya kasing bata noon kaya walang sumubok na awayin siya.
Hanggang sa lumaki sila ay lumaki itong napakagwapo at makisig na binata, na dati ay binubully ng lahat pero ngayon hinahabol na ng kababaihan at kinaiingitan at kinatakutan ng mga kalalakihan.
Habang siya ay naging Nerd, wala na siyang pakialam sa sarili niya. Tanging ang mga libro lang ang nasa atensyon niya. Wala siyang oras magpaganda.
Wala siyang ibang kaibigan kundi si Enzo lang.
Napangiti siya nung mapadako ang tingin niya sa isang picture kung saan nakayakap sa kanya si Enzo. Naalala niya pa ang araw na yun 18th birthday ito ng kaibigan.
Kinikilig siya ng maalala ang araw na yun.
Flashback
"Sorry di ako maka punta bes, ehh sorry talaga"
"Pumunta ka dito K kung ayaw mung magtampo ako sayo"
"Bes naman, okay lang yan kahit wala ako andiyan naman mga kaibigan mo sa birthday mo"
"One"
"Enzo naman ayaw ko ngang pumunta diyan"
"Two"
"Bahala ka, ibaba ko na to"
"Three"
"Sabi kung ayaw ko may gagawin ako, kaya ba bye na"
Toot toot
Ito na mismo ang nagbaba ng phone.
Napabuntong hininga na lang siya. Sa totoo lang gusto niya naman talaga pumunta sa birthday nito pero nahihiya lang siya sa mga may kaya at may itsura na kaibigan nito.
Baka siya lang ang maiba dun at pagtawanan pa siya ng mga kaibigan nito.
Bahala na kung magalit sa kanya si Enzo.
Lumipas ang limang minuto ay
Humiga na lang siya sa kama niya at pinagmasdan ang kisame kung saan natutuwa siyang tingnan ang naghahabulan na mga butiki.
Aike: Buti pa ang butiki may lovelife. Samantalang ako Zero.
Haist! Tama na yang landian niyo butiki, maniwala kayo o sa hindi wala talagang Forever maghiwalay din kayo. Iiwan ka din niyan female butz pag nakuha na niya ang gusto mo.
Natatawa na lang siya sa sarili niya pati sa lovelife ng butiki bitter parin siya.
Nagulat siya ng bumukas ang pinto.
Napalingon siya rito masamang masama ang pagkatingin ng binata sa kanya.
Sumandal ito sa pinto at diretsong nakatingin sa kanya.
Inayos niya muna ang sarili niya bago humarap dito.
Aike: Bat ka a,andito?
Wala siyang nakuhang sagot sa binata sa bagkos pinagmasdan lang siya nito. Masama talaga ang pagkatingin nito sa kanya.
Aike: H,Happy Birthday bes.
Bati niya rito. Pero nanatili itong walang imik at tiningnan lang siya ng masama.
Napayuko na lang siya.
Enzo: Di happy ang birthday ko.
Matigas na saad nito
Enzo: Ang matulog lang ba dito ang pinag kaabalahan mo kesa pumunta ka sa birthday ng kaibigan mo?
Aike: A,ano kasi bes. Nakalimutan ko wala akong regalo sayo.
Pagsisinungaling niya never niya itong makalimutan.Sa totoo lang bukas niya pa ibibigay ang regalo niya rito.
Enzo: Tss! Youre presence is more than of a gift. Hindi ko kelangan ng regalo galing sayo K, ang hinihiling ko lang na makapunta ka sa araw ng birthday ko, ayos na yun saakin.
Ito at nag cross arms.
Di niya maiwasang kiligin sa sinabi nito.Mahalaga talaga siya para rito sa binata, at nakuha pa nitong puntahan siya.
Enzo: Now get up at sumama ka na saakin.
Aike: Ayoko nga, nakakahiya sa kaibigan mo bes.
Aike: Di ako bagay sa Party na yun.
Enzo: Tama na nga yang drama mo K, pupunta ka sa ayaw at sa gusto mo!
Aike: Ayoko nga sabi!
Enzo: Baka gusto mo dalhin ko dito ang party, gusto mo?!
Wala na siyang nagawa kundi sumama na lang rito dahil alam naman niyang di siya mananalo rito.
Isang loose T- shirt at isang Jeans at isang rubber shoes. Inayos niya muna ang pagkaponytail niya sa buhok niya. At nag lagay ng powder sa mukha at nag lagay ng Strawberry lip gloss.
Pagkatapos sinout na niya ang salamin niya. Di kasi siya makakita ng maayos pag wala ang salamin niya.
Lumabas na siya ng bahay at pumasok sa kotse ni Enzo.
Pinagmasdan siya ng binata. Naiilang siya sa tingin nito lalo na at wala itong balak magsalita.
Aike: B,bakit?
Di ito sumagot sa halip bigla siya nitong hinalikan sa labi niya. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ng kaibigan. Isang mabilis lang naman na halik ang binigay nito sa kanya pero para sa kanya ay lagpas ng 10 na segundo yun.
Enzo: Wag mo bigyan ng malisya yun Kaibigan parin kita. Sabihin na lang natin, na birthday gift mo yun saakin.
Di pa siya makakuhang magsalita dahil sa na speechless siya at ang bilis ng tibok ng puso niya.
Enzo: Hmmm amoy strawberry K ahh.
Pinamulahan naman siya sa sinabi nito.
Aike: F,First kiss ko yun bes
Pag aamin niya rito.
Enzo: Alam ko K, NBSB ka kaya. Ang swerte mo huh? Ako ang first kiss mo.
Biro ng kaibigan sa kanya. Alam naman niyang inaasar siya nito. Pinagsisihan naman niyang sinabi niya ito dito.
Aike: Kapal mo!
Siya at inirapan ang binata pero nakita niya sa gilid ng mata niya na tumawa ito.
Enzo: Siguraduhin mo lang sa susunod na ako parin ang Second kiss mo K ahh. Dahil tuturoan kita ng French kiss.
Aike: Eww! Tara na nga!
Enzo: Hahaha yes boss!
End of Flashback.......
Habang tinitingnan niya ang larawan nila ng kaibigan ay narinig niyang may kumatok sa kwarto niya. Pinagbuksan naman niya ito dahil alam niyang ang Ina niya lang ito at pagsasabihan na naman siyang labhan na niya yung damit niya.
Pagbukas naman niya ng pinto ay siya namang ikalaglag ng puso niya na ngayon ay tumatalon talon na.
Nabigla pa rin siya at tinitigan ang tao sa harapan niya.
Na miss niya ito ng subra 3 months na nong huli niya itong nakita. Miss na miss na niya ito.
Enzo: Ano titigan mo na lang ba ang gwapong kaibigan mo?
Di na siya nagdalawang isip at tinakbo ito ng yakap. Na miss na niya ito subra. Minsan na lang sila makapag usap at magkita ng kaibigan dahil busy ito sa School nito dahil ito ang Varsity Player ng Campus. Di sila pareho ng School ng kaibigan dahil sa Isang Saint Academy siya nag aral na para lang sa babae.
Miss na miss na niya ito gusto na niya itong makasama ulit tulad nong High School na lagi silang magkasama ng kaibigan. Na akala ng lahat na May relasyon sila pero hinayaan nalang nila na yun ang isipin ng iba.
Napaisip siya na Bakit hindi siya mag transfer sa School nito para magkasama ulit sila ng kaibigan?
Siguro mag transfer sa School nito para magsama ulit sila nito.
Pero hindi niya sasabihin rito gusto niyang supresahin ang kaibigan.
Enzo: K, di na ko makahinga! Papatayin mo ba ang gwapong kaibigan mo? Alam kung miss na miss mo ang kagwapuhan ko.
Pero pwedi bang wag mo kong patayin sa yakap mo.
Tinulak naman niya ito at inirapan.
Aike: Wow I missed you too ahh.
Enzo: Hahah ang cute cute talaga ng Bestfriend ko.
Siya at kinurot ang pisngi niya.
Aike: Bat ka andito? Na miss mo ko nuh?
Enzo: Hindi ahh! Si Thinker bell lang naman talaga ang ipinunta ko rito.
Aike: Nasa kusina yung pusa ko puntahan mo na lang dun.
Inirapan niya ito at aktong pagsarhan ito ng pinto ng kwarto niya, ng pigilin ito ng braso nito.
Enzo: Haha pikon nito, syempre yung amo talaga ang pakay ko rito. Miss na miss ko na kasi siya ehh.
Aike: Tss!
Pumasok ito sa kwarto niya at diretso itong humiga sa kama niya na akala nito ito ang may ari.
Enzo: Kumusta ang School bestfriend?
Tanong nito pero nasasaktan siya sa bawat banggit nito ng salitang Bestfriend.
Bestfriend na lang ba siya para rito?
Aike: Ayos lang naman.
Enzo: Good, nga pala nag dala ako ng favorite na Cheese Cake mo sa baba.
Napangiti naman siya sa sinabi nito.
Aike: Wow talaga?! Salamat bes.
Siya at abot ng tenga ang ngiti niya.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Im Inlove with my Bestfriend.
RomantikHave you experience in your life na mag kagusto kayo sa KAIBIGAN niyo? Sinabi mo ba sa kanya O nilihim mo na lang to sa sarili mo. Ano ba talaga dapat ang Importante? Pag iibigan O Pagkakaibigan? What if di ka gusto nito? Yan ang minsan nating kinat...
