"Di ko alam dyan," sagot naman ni Jay at napasimangot naman ako. Mas nag-aalala pa sa akin kalandian niya kesa sa kanya. Fake friend talaga.

"Oli yung tsinelas ko! Hindi ko 'yon abot!" bulyaw ko sa kanya at napatingin naman kami sa sinelas kong nasa 6 ft. part ng pool habang lumulutang.

"Lika na, ahon ka na muna, sungkitin ko," sabi niya at naglakad naman ako paahon sa pool.

"Letche ang lamig," sabi ko habang naglalakad papunta sa cottage namin kung nasan si Jay at mga kaibigan ng kalandian niya.

"Hello po," bati nila sa akin at ngumiti naman ako sa kanila.

"Hello. Sino si Claire?" tanong ko at pinanglakihan naman ako ng mata ni Jay.

"Ako po," sabi ng isang babae sa akin at tinignan ko naman siya.

"Straight ka?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya sa akin na parang nanghihinayang.

"Parang nanghihinayang ka," sabi ng katabi niya at tumawa naman kami.

"Nakakapanghinayang talaga, ang ganda kaya ng mga babae," I said while laughing.

"Right?" Pag-agree ng isa nilang kasama sa akin and I looked at her.

"I'm Kai," sabi niya at kumaway.

"I'm Kenzie," sabi ko at ginaya siya.

"Bagay kayo," sabi bigla ni Oli at tumawa naman ako.

"Oo nga feel ko rin, tayo na lang?" sabi ko sa kanya at tinawanan naman niya ako, bago pa siya makasagot at biglang tumunog nang nakakabingi ang speaker ng karaoke.

"Sorry akin!" sigaw ni Adi dahil nabagsak niya ang mic.

"Gago anlamig, asan ba towel ko?" bulong ko at hinanap kung nasan nakalagay ang bag ko.

"Here, use mine," sabi sa akin ni Kai at iniumang ang towel niya at agad ko naman itong tinaggap dahil nanginginig na ako sa lamig.

"Thank you, mahal na ata kita," pagbibiro ko habang binabalot ang sarili ko sa tuwalya niya.

"Gusto mo umupo?" tanong niya sa akin at umiling naman ako.

"Magpapatuyo muna ako, baka ma-wet ka e," pasimple kong sabi at nanglaki naman ang mata niya at may nambatok naman sa akin.

"Tangina ka, kaya ayaw ko ipakilala sa inyo mga bunganga niyo eh. Lalo ka na," sabi sa akin ni Jay at tinawanan ko naman siya.

"Bakit totoo naman ah, basa ako e, kapag tinabihan ko si Kai malamang mababasa rin siya," sabi ko pa at nakita ko naman natatawa sila sa gilid.

"Sige, ilusot mo pa," sabi ni Jay at sinimangutan ko naman siya.

"Sungit," mahina kong sabi at tinalikuran siya bago kaladkarin si Oli.

"Kunin mo na tsinelas ko!" sigaw ko sa kanya habang hinihila siya papunta sa pool.

"Wait. Kuhain ko iyong panungkit," sabi niya at iniwan naman ako.

Umupo muna ako sa gilid ng pool habang nakatampisaw ang paa ko at tumingin sa kanila na nagkakasiyahan.

Ang ganda ni Kai ah. Parang may crush ako. Hehe. Kinikilig ako konti.

"Feeling ko abot ko na 'to," bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa tsinelas ko na malapit lapit sa akin.

Pumwesto ako nang maayos para sana maabot ang tsinelas ko.

"Careful," sabi ng isang babae sa likod ko at sa sobrang gulat ay napatalon ako at nahulog sa pool.

Bago pa ako makasigaw para makahingi ng tulong ay may naramdaman na akong humawak sa bewang ko at itinulak ako pataas ng pool.

Your Guardian AngelWhere stories live. Discover now