"IIYAK!" sigaw ko sa kanya at natawa naman siya nang malakas.

"Teka, may bago ka ba?" tanong ni Eli habang nakatingin sa dalawang Alfonso na bukas at nung kukunin niya ang akin ay agad ko itong hinablot.

"Wala, 'yon pa rin," sabi ko at ngumisi siya.

"Batak talaga mag relapse ang ate niyo," sabi ni Adi at tinawanan na naman nila ako.

"Gaano na ba katagal?" tanong ko.

"1 year and 3 months," sabi ni Oli at tumango naman ako.

"Di pa pala ganon katagal. Childhood trauma ko nga hanggang ngayon iniiyakan ko," sabi ko at nagtawanan na naman sila.

"Wala ba kayo mga kalandian?" tanong ko at umiling naman sila maliban kay Jay.

"Wala ako time, busy ako mag-alaga sa batak mag-relapse," sabi ni Oli at dumakot ng barbecue.

"Pre uwi ka na kaya?" tanong sa kanya ni Eli at kumunot naman ang noo niya.

"Hindi pa naman ako lasing," sabi niya habang ngumunguya at kumuha ng panibagong barbecue.

"Kaya nga e, pero busog ka na," sagot naman ni Eli ay nagtawanan naman kami dahil sa lakas mamulutan ni Oli.

"Tarantado ka," sabi nito habang ngumunguya pa ng barbecue.

"Wait lang, dalhan ko lang pagkain si Claire," sabi ni Jay habang hinahanap ang susi ng sasakyan niya.

"Bakit?" tanong ni Adi.

"Magkakasama sila ng kaibigan niya e, sleep over. Dalhan ko na lang kesa bumili pa sa labas," sabi ni Jay habang hinahanap pa rin ang susi niya.

"Dalhin mo na lang dito, ipakilala mo na 'yan. Oras na," sabi pa nito at nagsitanguhan naman sila at tumingin sa akin.

"Oks lang ba sayo? Drama day mo ngayon e," sabi ni Jay sakin at ngumiti ako.

"Oks lang, makakapag drama ako kahit may ibang tao," sabi ko at nagtawanan sila.

"Pre 'wag mo aagawin ah," sabi sa akin ni Jay.

"Bakit? Bi ba 'yon?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Sabi niya hindi, pero nung nakita picture mo gandang ganda sayo eh, kinakabahan na ako," sabi niya at natawa ako.

"Wag ka mag-alala, di ko sila papansinin lahat para mapanatag ka," sabi ko at nginitian naman niya ako.

-

"Uy, ubos na yung Alfonso ko," gulat kong sabi at napatingin naman sila sa akin.

"Isa pa?" tanong nila at umiling naman ako.

"Maya-maya siguro," sabi ko at tumango naman sila at sabay-sabay naman kami napatingin sa sasakyan ni Jay na pumaparada.

"Nasusuka ako," sabi ko at napahawak sa akin si Oli.

"Halika na," sabi nito at ngumiti ako.

"Joke lang," sabi ko at tinignan naman niya ako at biglang isinampay sa balikat niya.

"Oli! Ibaba mo ko!" Sigaw ko sa kanya habang nagpipiglas dahil alam ko na ang gagawin niya.

"Nasusuka ka pala ah," sabi niya at maya-maya pa ay inihagis na ako sa pool at unti-unting nawala ang hilo ko at napalitan ng lamig.

"Pooota!" Sigaw ko pagkaahon ng ulo ko mula sa tubig at tawang tawa naman si Oli sa gilid ng pool.

"Hala, okay lang ba siya?" tanong ng isang babae na nakatingin sa amin.

Your Guardian AngelWhere stories live. Discover now