Si Reena at si James

2 0 0
                                    

Kilalang kilala ang The Nest sa kakaibang lasa ng kanilang kape na binabagayan pa tila biyaya mula sa lingit na mga cakes. Nagsilbing piping saksi ang coffeshop sa marami-rami na ring mga pangyayari sa mga buhay-buhay ng mga ever loyal nitong mga parokyano.

Isang umaga, araw ng sabado ay makikita ang isang dalaga na nakaupo sa may dulong bahagi na katabi ng malalaking bintana ng The Nest. Nag-iisa lang na nakaupo ang babae. Siya si Reena. Nagbabasa ng libro si Reena ngunit bakas sa kanyang mukha ang pagkainip. Lumingon siya sa bintana at tila may hinahanap sa labas ng kapihan. Titingin siya sa kanyang orasan at saka babalik sa binabasa. Maya-maya pa ay mapapatingin naman siya sa may pinto ng coffee shop.

Tamang tama naman ang pagpapasok ng isang lalaking naka-asul na polo. Napangiti si Reena. Samantalang ang lalaking naka-asul na polo ay lilinga-linga na tila ba may hinahanap. Mapapailing na lang si Reena, kukunin ang tasa ng kape sa lamesa at iinom ng kanyang paboritong brew ng kape. Hindi muna niya ibinaba sa lamesa ang tasa bagkus ay minasdan muna niya ang kape.

Mapapabuntong-hininga na lamang siya at ilalapag sa lamesa ang tasa. Bumalik siya sa binabasang libro. Ilang saglit pa ay tumunog ang kanyang cellphone. Inilapag ng dalaga ang binabasang libro at kinuha mula sa kanyang bag ang kanyang cellphone.  Makikita sa kanyang dialer na tumatawag sa kanya si James. Mapapangiti siya. Sasagutin ang tawag.

Nagagaglit-galitan si Reena nang sagutin niya ang tawag ni James, “Nasa’n ka na ba? Kanina pa ko dito sa The Nest e! Ano bang akala mo ha? Ikaw na nga ‘tong binigyan ko ng pabor na makipagkita e ikaw pa ‘tong late? Busy kaya akong tao!”

Sumagot naman si James na nasa kabilang linya, “Sorry na, Ree. May nang—

Hindi na pinatapos pa ni Reena ang paliwanga ng binata dahil sumabat na agad ito, “Ano sasabihin mo na naman traffic? Style mo bulok!”

“Ayan  ka na naman e… I’ll explain when I got there okay? Be there in 5,” sagot naman ni James.

Biglang mapapalitan ang galit-galitang tono ni Reena ng pag-aalala, “Wait, Nagda-drive ka ba? E gago ka pala e pano kung mabunggo ka?”

“Okay lang ako, nagpa-park na lang. Masyado kang OA,” natatawang sagot ng binata

“Ewan ko sa ‘yo!”

Pinutol na ni Reena ang usapan sa cellphone. Muli siyang uminom ng kape at tumingin sa labas ng bintana. Maririnig ng dalaga ang pagtunog ng isang bell, hudyat na may pumasok sa coffee shop, isang lalaking naka-pulang polo, si James.

Lalapit si James sa kinauupuan ni Reena at saka uupo sa upuan sa harap ng dalaga.

“Hi, Ree! Uy pumayat ka ata?” bati ng binata kay Reena.

Nangiti naman ang dalaga sa pagbati sa kanya ni James. Pero dahil nakatakip ang libro sa mukha ni Reena ay ‘di ito makikita ni James. Kunwaring nagsusungit na sumagot sa kanya si Reena,

“Utut mo! Kala mo makukuha mo ko diyan sa pambobola mo? Ibahin mo ko, dude!”

Mapapan git si James at lalo pang aasarin ang dalaga, “Ang sungit mo. Meron ka ‘no?”

Hindi na papansinin ni Reena si James. Patuloy lang ang dalaga sa pagbabasa ng kanyang librongunit panakaw-nakaw siyang tumitingin kay James habang ito ay umu-order ng kape sa waiter. Mapapatingin sa kanya si James at makikita si Reena na nakatingin. Ngingitian siya ni James and Reena just rolled her eyes.

Patuloy siyang aasarin ni James, “Bakit ba ang extra sungit mo ngayon? Meron ka nga no? Aminin mo na!”

GAGO!” asar na asar na tugon ni Reena

“Chill ka lang, babe!” ngingisi-ngising sagot ni James

Manlalaki ang mata ni Reena sa gulat sa sinabi ng binata, “Anong sabi mo?”

“Nothing.”

Magkakaro’n ng panandaliang katahimikan. Magkakatinginan lang ang dalawa. Darating ang waiter na may dalang dalawang tasa ng kape. Ilalapag ito sa harap ng dalawa. Waring mababalik sa ulirat ang dalawa sa pagdating ng waiter. Magpapasalamat si James sa waiter at aalis na ito. Magkakatinginan muli ang dalawa. Itataas ni Reena ang isang kilay na waring nagtatanong kung bakit nakipagkita sa kanya ang binata.

Binasag ni James ang katahimikan, “I broke up with Alice.”

Makikita ang gulat sa mukha ni Reena. Mabibitawan ang hawak na libro. Tumayo siya at tatakbo sana paalis ngunit pipigalan siya ni James.

**********

Author's Note:

Hello po :) Sa mga makakabasa/babasa pa-vote at pa-follow naman po I'll follow you back po salamat po :) comment na rin po kayo kung ano sa tingin niyo bakit nakipagbreak si James kay alice. at Sino kaya si Alice :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The NestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon