Yumi

28 1 0
                                    

Special Chapter #05

Shan's POV

I'm not informed na birthday pala ng batang to. Hindi man lang ako nakabili ng regalo. Pero hindi ko naman alam kung ano ang ireregalo. Mukhang hindi naman mahilig sa manika ang batang to. At baka matuwa pa siya kung regaluhan ko siya ng dagger.

She's just too cold. Her eyes was too lifeless pero maganda. Sadyang nakakakilabot lang tagalan ng tingin. Kahit bata pa siy iba na ang paraan ng lamig ng kanyang mata.  At hindi na ako magtataka kung bakit gustong-gusto siya ni Lana. She just found a little version of her.

"Ano? Tatayo ka nalang ba dyan at titingin sa mga bata?" Tanong ni Alberta na bigla nalang sumulpot sa tabi ko. I looked at her at hindi ko mapigilang matawa. Tangina. Seryoso ba ang isang to na magmadre?

"Sister are you still virgin?" Natatawa kong tanong. Tinaasan niya lang ako ng kilay at sinipa ang aking binti. F*ck that hurts! May bayolente bang madre?

"Tigilan mo ako Shane ha?" Mataray niyang sabi at naglakad palayo pero humarap muna siya sa akin.

"pumasok ka na. Nasa loob sina Lana." Sabi niya at tuluyan ng naglakad palayo.
Mahal talaga ni Lana ang batang yun. Akalain mo nagpaparty pa?

Tumayo na ako ng maayos at naglakad papasok. Puro mga bata ang nasa paligid at mga madre. I need to behave may mga banal na tao dito at puro bata pa.

"Shan?" Ngumiti ako kay Angel na nasa harapan ko.

"Hello there." Sabi ko at kinindatan siya. Umirap lang siya at hinila ako.

"Ano? Bakit ba lapitin ako ng mga Anghel?" Tumigil kami sa may playground at walang emosyon siyang humarap sa akin.

"What are you doing here?" Tanong niya. Hindi ba niya alam? Akala ko naman alam na niya lahat. She's the person na hindi mo matataguan ng sikreto. She knows everything. In short chismosang anghel.

"Hindi mo ba alam na ginawa akong babysitter niyang ni Lana sa batang si Yumi? 24/7 ko bantayan yun."  Mukhang hindi naman siya nagulat sa halip mas kumunot noo pa siya.

"I mean bakit ka nandito?" I told you guys. Alam na niya na babysitter lang ako ng batang yun.

"Hindi ba pwedeng dumalo ang babysitter sa kaarawan ng alaga niya? Atsaka nandyan din ang amo ko. Nakakagutom kaya magbantay ng bata." Sabi ko at ngumisi.

"You know Yumi was not a ordinary girl.." Seryoso niyang sabi. Natawa naman ako dun. Alam ko na yun. Sa tingin ko palang sa batang yun masyado na siyang para hindi bata kung kumilos.

"Bakit? Isa ba siyang death angel?" Biro ko at tumawa pa. Pero Hindi naman natawa si Angel kaya tumigil ako sa paghalakhak.

"Ano ang ibig-sabihin ng tingin na yan?" Tanong ko. Seryoso ba siya? Teka. Death Angel nga kaya ang batang yun? Wag niya sabihing siya ang itim na anghel?

"Hey.." Naiilang na sabi ko.

"Bakit hindi mo alamin?" Sabi niya at naglakad na palayo. Naiwan akong naguguluhan. Tangina! Ano yun?

"Hey. Kaibigan ka rin ba ni Ate Lana?" Nasa harapan ko ngayon ang batang biglang naging misteryoso sa aking paningin. Dahil sa sinabing yun ni Angel para bang kailangan kong malaman kung sino ang batang ito.

Lumuhod ako para pumantay sa kanya. Tumingin  ako sa kanya.
"Hi, little girl. Ako nga pala si Kuya Shan." Sabi ko at ngumiti.

"Yumi ang pangalan ko. Kaibigan ka ba nila Ate Lana?" Tanong nito muli. Tumango ako sa kanya.

"Oo naman little Yumi. I heard it's your birthday. Happy birthday." Sabi ko. Kinapa ko ang lagi kong dalang swiss knife at ipinakita ito sa kanya.  I don't have a gift kaya ito nalang. It was a color gray swiss knife at may nakaukit ditong initials. It was her initials. Iniwan niya ito noon sa akin.. And I think hindi ko na kailangan ang bagay na ito. Hindi na niya gustong bumalik pa.

"Do you want it?" Tanong ko sa bata. Nakita kong napangiti ito na para bang bibigyan ng isang candy. Pambihira. Sinong bata ang matutuwang bigyan ng isang kutsilyo? Ang batang ito lang ang nakita kong ngumiti dahil sa kutsilyo.

Napangiti na rin ako. Sa tagal ng binabantayan ko ang batang ito mula sa malayo hindi ko man lang siya nakitang ngumiti ng ganito. Dahil sa kutsilyo ngumiti ng napakalawak ang batang may malamig na mata.

Binuksan ko ang swiss knife at pinakitaan pa siya ng ibang tricks at tuwang-tuwa naman siya na parang nanonood ng magic. Kakaiba talaga siya. Pambihira.

"Wow.." Mangha niyang sabi. Binalik ko na ito sa dati niyang ayos at ibinigay sa kanya. Gulat itong tumiysa akin, para bang hindi makapaniwalang ibinigay ko ang bagay na yun sa kanya.

"It's my gift to you.. Happy birthday." Sabi ko. Nakangiti itong tumingin sa akin at niyakap ako.

"Thank you Kuya Shan. This is my best gift ever." Masaya niyang sabi. Puno ng saya ang mata niya. At ngayon ko lang ito nakita. Still she was a kid.. Mapapasaya mo sa maliit na bagay.

Hindi na nawala ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang batang sobrang saya. She reminds me of her.. Her smiles reminds me the girl I missed the most. The girl who never wants to go back to me.

Yumi.. I think you're really not a ordinary kid..

Death Angelحيث تعيش القصص. اكتشف الآن