Hanggang sa Muli 1

Start from the beginning
                                    

Niligpit ko na ang mga gamit ko at umupo ng maayos sa aking upuan, ganun rin ang mga kaklase ko. Pumasok na ang prof. namin kasama ang isang bagong estudyante. Isang lalaking matangkad at halatang masaya dahil sa nakangiti ito.

"May bago kayong kaklase." sabi ni Mr. J ('yan ang tawag sa kanya ng mga estudyante niya). Parang gusto ko tuloy siyang pilosopohin. Tiningnan niya yung lalaki, "Go on, please introduce yourself." sabi nito.

Kinawayan niya kaming lahat, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi, "Sup? Ako si Alex Angelo dela Torre--" bago pa man ma-process sa utak ko ang sinabi niya...

"BOYFRIEND KO 'YAN PROF!!!" biglang sigaw ng isang babae na nasa may likod rin ng classroom. Pinagtinginan siya ng lahat at pati ako, napalingon sa kanya. Lahat kami ay nagulat.

Tinulak niya palayo ang isang lalaking naka-upo sa tabi niya, "Upo ka dito, babe!" sabi nito at ngumiti ng pagkatamis-tamis sabay "beautiful eyes". Napatingin ako sa lalaki at nakita kong nag-aalangan siyang lumapit sa babae tsaka halata ring nahihiya siya.

"Rachel, di mo naman kailangang i-broadcast sa buong mundo na boyfriend mo ako." sabi agad nung lalaki nang maka-upo na siya. Nasa kanila pa rin ang atensyon ng lahat pero umiwas na lang ako at tumingin na sa harap.

Ang lalaking tinulak ni Rachel paalis kanina ay umupo na lang sa upuang nasa likod ko. Yun na lang kasi yung bakante kanina. Nasa likod ako ng classroom pero hindi sa pinakalikod.

Dahil sa bilis ng oras ay hindi nagtagal at uwian na. Binalikan ko ang locker ko at nilagay ko na ang mga librong di ko kakailanganing i-uwi. Pagkasara na pagkasara ko, "Sabay na tayo ah?" rinig kong sabi ng isang babae. Si Rachel na naman 'yun at halatang kausap niya yung bago. Wait, sino nga ba ulit yun?

Sinara ko na ang locker ko. Unconciously, lumingon ako sa kanan kung saan narinig ko ang boses kanina at hindi ko aakalaing magkakamata-sa-mata ko ang lalaki kanina.

Sa mga sandaling 'yon, tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Parang bigla ko na lang siyang nakilala.

"Alex?" biglang sambit ng bibig ko. Nagulat ako sa sinabi ko, bakit ko nabanggit ang pangalan niya? Siya na ba 'to?

Halata rin sa mukha niyang nagulat siya, "M-michelle? Michelle Elaigne Diaz?" sabi niyang nautal pa.

"Babe? Ano mo siya?" tanong ni Rachel. Hindi ko alam kung paano pero naramdaman kong nagseselos siya. Tiningnan siya ni Alex, "Siya yung kaklase ko sa Saudi, si dakilang panget." sagot niya. Matapos niyang magsalita, may parte sa 'kin na gusto siyang batukan. Tagal na rin mula nung nagawa ko yun!

"Oh talaga?" parang di makapaniwalang tanong nung babe niya. Gusto ko sanang sabihan ng, "Baka hindi. Kakasabi lang, itatanong mo pa?"

Bigla na lang kaming natahimik. "Tara na babe, alis na tayo. Nice meeting you." sabi ni Rachel. "Teka lang." biglang sabi ni Alex. Halata sa mukha ni Rachel na nagulat siya. 

Tiningnan na naman ako ni Alex, "Ah, Michelle. Tagal na rin nating di nagkita ah? You have grown a lot since then." sabi niya. Hindi ko alam kung maaasar ba ako o ano. Alam ko namang cute yung height ko at tanggap ko yun. Mahilig naman kasing mag-asar 'tong lokong 'to!

May kinuha siya mula sa bulsa niya, ang cellphone niya. Nagulat na lang ako nang hingiin niya  ang number ko sabay hila niya sa girlfriend niya paalis. Napasunod na lang ako ng tingin sa kanila. Nakita kong nilalambing niya si Rachel. Napa-isip na lang ako, "Nagbago na ang itsura niya. Mas nagmukha na siyang tao. Baka naman pati ugali nagbago na rin."  napatawa ako ng kaunti sa naisip saka ako umalis.

Until We Meet Again (Hanggang sa Muli) {COMPLETED}Where stories live. Discover now