-----55th string-----

Start from the beginning
                                        

“Kung ganon, anong pinag-uusapan nyo ng mga pinsan mo?”

Nanlaki naman ang mata ko sa tanong nya. Nakakahalata na ba sya? Masyado ba kaming obvious sa mga actions namin?

“Haa? Me..meron ba kaming pinag-uusapan?”

“I’ve been observing you. You’re all up to something. Tell me.”

Matalim ang tingin nya sa mga mata ko at kitang-kita ko sa expression nya ang umamin-ka look. Bahagyang bumilis-bumagal ang tibok ng puso ko. Hindi ko pwedeng aminin ang kashungaang ginawa namin ng mga pinsan ko kagabi.

Magpanggap na lang kaya ulit akong lasing at magpakahimatay sa harap nya?

Hinawakan ko ang ulo ko at nagpanggap na nahihilo, tapos kunwari’s halos matutumba nang napasandal sa kotseng pogi ni Vano.

“Ugh, vertigo...” Paungol kong sabi. Kumunot lang ang noo nya kaya naman lalo kong minasahe kunwari ang ulo ko.

Pwede na yata ako sumali sa Theatre club next sem.

“Come on. You need to rest.” Yaya nya sakin matapos ibalot sa’kin ang kaninang suot nyang jacket at hindi inaalis ang pagakbay sa’kin habang naglalakad.

Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib nya para mukang talagang nahihilo ako. Ang bango nya.

Ang sarap manyansing! HAHAHAHAHAHAHA

“May hang-over ka pa, sumama ka pa rin sa oval. Tanga mo talaga.” Sermon nya habang papasok na kami ng foyer at naabutan namin doon si Kevin at Blaire na nakaupo sa sofa.

“What took you so long, guys?” tanong ni Blaire na mukang nag-aalala.

Bakit ganun. Nag-aalala sya sa’kin pero parang hindi maganda ang nararamdaman ko para sa kanya. Para bang... Naiinggit ako.

“Baby! You alright?” tanong ni Kevin na nakalapit na pala sa’min.

“Vertigo?” patanong kong sagot.

“Hangover.” Pabalang na sabat naman ni Vano. Ay oo nga pala. Pangangatawanan ko na lang na lasing nga ako kagabi.

“Come, Leeanne. You need to rest.” Sabi ni Blaire na niyayaya na kong bumaba. Pinaubaya naman ako ni Vano kay Blaire. Kahit na magkalayo na kami ni Vano, amoy na amoy ko pa rin ang bango nya dahil sa jacket nyang nakabalot sa’kin.

Habang bumababa ng hagdan ay sinasabi sa’kin ni Blaire kung anong mga dapat kong gawin para mawala agad yung hilo ko. Hindi naman talaga ko nahihilo at walang masakit sakin kaya hindi na lang ako nakikinig.

Tiningnan ko si Vano na kasunod naming bumababa na rin ng grand staircase. Nagulat ako nang makita nya kong nakatingin sa kanya but then he shot me his tumingin-ka-sa-dinadaanan-mo look.

Ngayon, si Blaire na umaakay sa’kin na lang ang tinitingnan ko... Ang maganda nyang mukha. Ang mukha nyang bumihag sa puso ni Ivan...

Pano ba yan. Hanggang ganto na lang ako. Hanggang paamoy-amoy, hanggang pachansing-chansing, hanggang patingin-tingin kay Ivan. Wala talaga akong binatbat sa babaeng ito.

Hanggang dito lang ako.

.................................

Pagkadating na pagkadating ko sa kwarto, nagshower ako agad. Inabot yata ako ng isang oras kasi nagiipon din ako ng lakas ng loob para bumalik ako sa dati, yung hindi ko pa nalalaman ang katotohanan na hindi ako gusto ni Vano. Para hindi kami magkaroon ng awkward moment mamaya sa kung ano mang plano nila ngayong huling araw na namin dito sa Tagaytay at mamayang gabi ay uuwi na kami.

Pagkalabas ko ng kwarto, naabutan ko si Blaire na naglalaro ng Candy Crush sa ipad nya habang nakasalampak sa sofa.

“Asan sila?”

“They’re both sleeping.” Nakangiting sagot ni Blaire habang patuloy sa paglalaro.

“Ganun ba, puyat sila? Anong oras ba natapos yung nomo nila kagabi? San sila natulog? San ka natulog?”

“I slept with your girl cousins at your ninang’s living room. I think Kevin slept with the guys at your lola’s, wait, no. I’m not sure if they slept. It seemed they just waited for the dawn and then poof, we went to oval.”

“Ganun ba? Sabi na nga ba yung mga lalaki na naman may pakana ng jogging. Uhm... Si Vano?”

“Ivan? He slept with you, right?” sumulyap sya sakin at ngumiti? Ngumisi? Tapos bumaling na ulit sa ipad nya at nagdudutdot.

“Haa? Si Ivan?”

“Why yes, Leeanne. Have you forgotten everything that happened last night? You surely are drunk, huh? I heard from your cousins that you were drunk so Ivan attended to you. He stayed with you all night. By the way, are you okay now?”

 He stayed with me all night daw? E bakit pag gising ko wala naman sya?

“Okay na ko Blaire, salamat. Uhm, sure ka bang kasama ko matulog si Vano? Pag gising ko wala naman sya e?”

“Hmmmm. It was past midnight when Nami went to your lola’s to call Ivan. I didn’t know what happened next because I stayed there with your guy cousins. They’re really funny! Anyway, I think it’s around 2am when I decided to go back to your ninang’s and I found your cousins sleeping already. Ivan was nowhere to be found so I assumed he was still with you.”

Kung ganon... Kasama ko nga kaya si Vano magdamag? Binantayan nya rin ako? Napuyat sya dahil sa’kin kahit di naman talaga ko lasing? Lah... Nakukunsensya naman ako.

“Ganun ba. Tinulugan ka pala ng mga pinsan ko, sorry. Nakatulog ka ba ng maayos?”

“No worries. The foam was huge enough for all of us to fit in. I found a space so I slept there. It was a short yet satisfying sleep.”

“Ah mabuti naman.” Sabi ko at umupo na sa katabi nyang sofa na nakaharap din sa glass wall.

Ngayon ko lang napansing mas maaliwalas na ang langit ngayon kahit masiglang nagsasayaw ang puno kasi may kalakasan pa ang hangin. Nakatingin lang ako sa magandang view sa glass wall nang biglang nagsalita si Blaire.

“I’m glad you’re okay now, Leeanne. We still have unfinished business.”

“Unfinished business?”

“The tournament.”

Ay oo nga pala. Halos malimutan ko na ang tungkol dun ah.

“Pagpapatuloy pa ba natin yun? Wag na kaya?”

“Oh no, Leeanne. We have to finish what we have started.”

Gumuhit ako sa hangin ng scoreboard at inalala ang lahat ng resulta ng games.

L -

I -IIII

K -III

B – III

EMERGERD. Wala na kong pag-asang maging big winner!

Nabura ang sinulat kong imaginary scoreboard sa hangin nang biglang magsalita ulit si Blaire.

“Leeanne, Can I ask you something?”

Nakakakaba naman yung tanong nya.

“Sure. Ano yun?”

“Are you in like with someone?”

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now