“Ano ba kayo. Hindi naman sa ganun.”
“Hoy mga bruha, wag nyo na nga guluhin ang utak nitong si Leng. Chaka mamaya na tayo mag-usap, malapit na sila sa’tin.” – ate Cams
“OPLAN BALIK ALINDOG!” sigaw ni Nami na naging hudyat para magtakbuhan kami.
..............................
Nang makabalik kami ay nasa kani-kanilang bahay na ang mga tito at tita ko. Kaming magpipinsan naman ay sama-samang nag-umagahan sa bahay ni Lola. Sinong nagluto? Syempre ang magagaling kong bisita. Well, except for Kevin.
Pagkatapos ng breakfast ay nagpaalam na kami sa kanilang lahat. Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong makapagusap-usap ulit ng mga pinsan ko kasi lagi naming kasama si Blaire. Kahit tinatago nila ay kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata nila nang magpaalamanan kami.
Buong byahe ay nagpapanggap akong tulog. Hindi pa kasi ako handang makipag-usap kay Vano. Nag-iipon pa ako ng tibay at lakas ng loob para makapagkunwaring walang nangyaring kalumbay-lumbay sa’kin kagabi.
Pero dahil na rin siguro sa puyat at sama ng loob, nakatulog na ko. Naalimpungatan lang ako nang maramdaman kong kusang gumalaw ang braso ko at sumampay sa isang batok . Nagmulat ako ng mata at naabutan ko si Vano na nagtatangkang buhatin ako palabas ng kotse nya. Dali-dali ko syang pinigilan at lumayo ako sa kanya.
“Uh, gising na ko!” medyo OA kong sabi.
Kumunot ang noo nya bago ako hinila palabas ng kotse.
“What’s wrong with you?” seryosong tanong nya habang nakatitig sa’kin at hindi binibitawan ang braso ko.
“HUH? May mali ba sa’kin?” nagmamaang-maangang tanong ko at nagkunwaring nagtatanggal ng muta.
“May nangyari ba kahapon? Bat ka nagpakalasing?”
“A..ah? Yun ba? Uhm... Wala namang nangyari no. Namiss ko lang yung lasa ng T-Ice. Anong oras na kayo nakabalik kagabi? San kayo natulog?” tanong ko para maiba ang usapan.
“Tell me what your problem is.”
“Ano ba to si Vano nababano na naman.” Sabi ko at tinapik-tapik ang balikat nya. “Wala nga kong problema. Muka ba kong problemado?”
“Muka kang tanga.”
“A...ano?!”
“Muka kang tanga pag nagpapanggap kang okay ka lang.”
“Eh kasi wala naman talagang proble...”
“Is it because of Zeke? Ano? Kinausap na naman ba nya yung mga pinsan mo? Nakikipagbalikan?”
Nagulat ako sa tanong nya. Bat nya naman naisip yun? Chaka... Pano nya nalaman na kinausap dati ni Zeke ang mga pinsan ko para makipagbalikan sa’kin?
“Ano ka ba Vano. Bano ka na talaga. May girlfriend na yung tao diba?”
“Hindi porke may girlfriend na yung tao, nakamove-on na.”
“Ano bang pinagsasasabi mo dyan. Nananahimik na yung tao. Masaya na sya sa relationship nila ni Blaire.”
Hinarap nya ko ng maigi sa kanya at hinawakan ang magkabilang pulso ko.
“Just answer me, Faye. Is he trying to win you back?”
“Vano, it’s been 8 months mula nung nakipagbalikan sya. Tingin mo hanggang ngayon magtatry pa rin sya lalo na may GF sya?”
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----55th string-----
Start from the beginning
