“Pero alam nyo ba... Nanaginip ako.”
“Wag mo na kwento teh, panaginip lang pala e. JOKE!” bawi agad ni Nami nang umamba na naman si ate Cams. Parang baliw talaga tong magkapatid na to.
“Sa panaginip ko, nandun din kami sa kwarto ni Iyah. Nakahiga daw ako sa kama tapos... Hinalikan ako ni Ivan.”
“Ay sleeping beauty? Mga ganon?” - Nami
“Sigurado ka bang panaginip lang yun ate Leng?”
Napaisip naman ako sa tanong ni Iyah. Nitong mga nakaraang araw masyadong weird ang panaginip ko at kalimitan ay tungkol kay Vano. Pero kumpara sa rated SPG na panaginip ko kahapon, mas makatotohanan yung kagabi. Ramdam na ramdam ko kasi ang presensya ni Vano nung mga oras na yun.
Damang-dama ko din ang init ng labi nya sa labi ko...
Ngumiti ako ng pilit bago sumagot. “Uhm, oo? Yun ngang ako na ang halos humalik sa kanya, pinigilan nya pa ako. Bat naman nya ko nanakawan ng halik diba? Sana nga hindi na lang ako nagising e. Ha-Ha-Ha.”
“Leng.” Mahinahong tawag ni ate Cams sa’kin kaya napahinto ako sa pagjog. Lumingon ako sa likod at nakitang lahat sila ay nakatayo lang at malungkot ang mga matang nakatingin sa’kin.
“Ano ba kayo? Masyado naman kayong seryoso dyan. Sabing okay lang ako e.” sabi ko na halos manginig ang boses.
Lumapit si ate Cams sa’kin at akmang yayapusin ako.
Humakbang ako paatras para hindi nya matuloy ang binabalak nya.
“No, ate Camille. Yan ang wag na wag mong gagawin kung ayaw mong maglupasay ako dito.” Pabiro kong sabi matapos malunok ang iyak na kanina ko pang pinipigilan.
Yan ang irony ng buhay. Kapag kinocomfort ka, mas lalo kang naiiyak. Diba? O ako lang yun kasi tanga nga ako?
“Ano ka ba. Bat naman kita yayapusin? Baka mamaya mahawaan pa ko ng stupidity virus mo e.” Pabiro nya kong binatukan. Child abuse na sya no?
“Pano ba yan, Nami. Palpak yung plano mo.” – Kimee
“Uy anong palpak? Ang plano ko kaya e ang malaman natin kung may gusto si kuya Ivan kay ate Leng o wala. Hindi ko naman sinabing dapat maghalikan sila ah?” – Nami
“I hate to say this... I really really hate to say this pero sa tingin ko nagtagumpay ang plano ni Nami.” Seryosong bumaling sa’kin si ate Cams. “Dahil sa nangyari kagabi at base sa reaksyon mo, sa tingin ko malinaw na para sayo kung ano talaga ang nararamdaman mo kay Ivan, Leng.”
I gave her a weak smile.
Oo, malinaw na nga sa’kin.
Malinaw na malinaw na sa’kin ngayon na nagmamahal ako ng isang lalaking may mahal nang iba.
“And the one billion question is, ipaglalaban mo ba? O Magpaparaya na lang?”
“Walang tanong, ate Cams. Umpisa pa lang, Ivan and I are meant to be friends. We are meant to stay as friends.”
“Hindi pa nagsisimula ang laban, sumusuko ka na ate Leng? Hindi ba masyadong mababaw yung nangyari kagabi para magconclude tayo na wala ngang gusto si kuya Ivan sayo?” seryosong sabat ni Iyah.
“Oo nga. Kumbaga sa gyera eh, namimili pa lang ng armas ang kalaban, iwinawagayway mo na ang puting bandera.” – Kimee
“Nako hindi ganyan. Hindi pa nga kayo nag-aaway ng makakalaban mo, nagsosorry ka na.” – Nami
ESTÁS LEYENDO
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----55th string-----
Comenzar desde el principio
