-----55th string-----

Start from the beginning
                                        

LEEANNE’s POV

“Leng! Ano ba gumising ka na dyan!”

“alksjdlkajsdiasjldkjasldijasi”

“Ano? Anong sabi mo?”

“sijdoaisdoiajsodjlsjd ARAY!”

Napabalikwas ako nang nakaramdam ng pitik sa ilong. Kunot-noo kong tinitigan ng masama si ate Cams.

“Ano ba naman ate Camille! Bat ka namimitik ng ilong dyan?”

“Ayaw mo bumangon eh kanina pa kaya kita ginigising!”

“HUH?” hinawi ko ang bintana at napagtantong madilim pa sa labas. “Gabi pa ah! Bat nanggigising ka na dyan?”

Nakatikim ako ng batok bago sya magsalita. “Bumangon ka na dyan at magbihis. Oh” sabi nya sabay tapon ng isang Tshirt at jogging pants sakin. “Pupunta tayong oval para magjogging. Yung rubber shoes na gagamitin mo nasa baba. Bilisan mo ikaw na lang hinihintay.” Dere-deretso nyang sabi at pagkatapos ay dere-deretso din sya sa paglabas ng kwarto.

Wala sa sariling sinunod ko ang utos nya.

Papikit-pikit pa ko habang bumababa ng hagdan. Ni hindi na ko naghilamos. Madilim pa naman at walang makakakita kahit may muta pa ko.

Nang makarating sa sala ay nanlaki ang mata ko nang makitang wala na yung mga naglalakihang kutson na nakalatag kagabi. Ni wala na rin ang mga kalat namin. Tumingin ako sa orasan at napagtantong alas singko na ng madaling araw. Lumabas na lang ako ng bahay at nakitang nagsasakayan na ang mga pinsan ko sa Van.

“Hoy babae, ano pa bang tinutunganga mo dyan? Lika na!” sigaw ni ate Cams mula sa bintana ng front seat ng van.

....................................

“So... Care to tell us what happened?” tanong ni ate Cams habang hele-helera ako, sya, si Nami, si Iyah, at si Kimee habang nagjojog samantalang yung iba kasama sina Vano, Kevin, at Blaire ay nasa kabilang side na ng oval.

“Oo nga te Leng! Kwento na dali!” – Nami

Biglang nagflashback sa’kin ang lahat ng nangyari kagabi mula nang ipasok ako ni Vano sa kwarto. Kumirot ang puso ko literally.

Kinwento ko nga sa kanila ang nangyari, mula nang bumangon ako sa kama at nagpatuloy sa pagpapanggap na lasing para maisagawa ang plano hanggang sa pigilan ako ni Vano, napaluha ako at nagpanggap na lang na nawalan ng malay.

“OH MY GOSH! Basted si ate Leng!” sigaw ni Nami. Agad naman syang sinalubong ng kamao ni ate Cams.

Tumawa ako ng pilit at bumuntong hininga. “Oo nga e.”

“Nami, nakakalimutan mo yata na nasa tabi-tabi lang si kuya Ivan.” – Iyah

 “Ate Leng, malay mo naman sadyang hindi applicable sa inyo yung ginawa ni Song Yi.” – Kimee

“Oo nga. Hindi naman porke hindi sya naakit sayo eh hindi ka nya na gusto.” – Iyah

“Ano ba kayo. Okay lang ako no. Wag nyo nga kong kinocomfort dyan.”

“Ate Leng may punto naman sila. Siguro sadyang hindi malakas ang alindog mo kaya nagkaganun. Gusto mo itry ko din? Pag kiniss nya ko e di ibig sabihi... OH MY GOSH ATE. Kahapon ka pa ah!” sigaw ni Nami sabay habol kay ate Cams matapos syang mabatukan.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now