Chapter 13

45.9K 855 6
                                    


PAGKARATING namin sa bahay nila, sinalubong kami ng maid nila at kinuha ang dalang bag ni Alexander at nang bag ko.

Pagkarating namin sa sala nila, nandoon ang nga kapatid nya pero wala ang Mommy nila.


"Nasaan si Mommy?" Tanong ni Alexander sa mga kapatid nya. Ngumuso si Drina pero parang nakaturo sa kusina kaya pumunta si Alexander sa kusina at iniwan ako rito.


"Anong ginagawa mo rito? Gabi na at naparito ka." Tanong ng ate nya.



"Si Alexander po kasi sinama papo ako para daw po kapag gusto kong kumain at makakain daw po ako." Pagsagot ko sakanya. Mukhang nagtaka sya kaya sumagot akobg muli.



"Ayoko nga pong sumama kaso mapilit sya kaya no choice napo ako." Natawa naman sya sa sinabi ko at biglang nagsalita ang kapatid nyang bunso babae.


"Sabi ko naman sayo ate na si Ate Cherry ang napili nya eh. Kahit dumating si Marielle dito, wala rin syang magagawa dahil nandyan si na si Ate Cherry." Mahabang paliwanag ng kapatid nya. Pero ang ikinagulat ko ay ang Marielle na nabanggit nya.




"Sino si Marielle?" Tanong ko sa kanila at mukhang nagukat ang ate nya dahil sa tanong ko.





"Stop mentioning that woman will you Drina." Biglang sabi ni Alexander na galing sa kusina. Mukhang nagulat naman si Drina. At tumingin ito saakin.

"Hindi nalang dapat kita sinama. Baka kung ano pang masabi nila. " Bulong naman nya saakin.

"Sino ba ang may kasalanan? Sino ba ang nagpumilit na sumama ako? Sino?Sino?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Natulala lang ito saakin at biglang ngumisi pero mabilis lang. Teka, wala pang sumasagot sa tanong ko.


"Alexander! Sino si Marielle na binanggit nila?" Diretsong tanong ko sa kanya. Mukhang nagpipigil itong magalit saakin dahil sa tanong ko. Kasalanan ko bang nacurious ako kung sino sya? Sabihin nyo, kasalanan ko ba?



"Just someone I know. Someone in the past. Wag mo ang alalahanin yun. Alam kong nagseselos ka kaya sasabihin kong wala lang sya." Saka nya ako hinarap sa kanya. Ako? nagseselos? Bakit naman ako magseselos sa manyak nato? Pero bakit ganun? Someone in the past? Bakit nang narinig ko yun, kinabahan ako? Napapasobra na ata ako ng kape. Nagiging nerbyusin ako.


"Ako? Nagseselos? Kailan? Bakit? Talaga? Bakit ngayon ko lang nalaman na nagseselos ako? As in? Nagseselos ako sakanya? Sa Marielle na yun? Eh hindi ko nga sya kilala tapos pagseselosin ko sya? Etong manyak na to, gusto mong masipa" Mukhang nagulat sya sa sinabi ko lalo na nang marinig nya ang Manyak na sinabi ko sakanya.



"Manyak?" Takang tanong nya saakin. Tumingin ako sa direksyon ng mga kapatid nya, lahat sila nagpipigil ng tawa pati momy nya.



"Oo. Manyak as in M-A-N-Y-A-K. Lagi mo kayang hinahawakan ang braso, kamay, bewang ko. Chansing na yu--." Bigla nya kasing tinakip ang bibig ko. Pagtingin ko sa likod namin, natatawa na sila sa mga pinagsasabi ko.


"Halika na nga Cherry baka mamaya ano pang mangyari dito. Baka mamaya ano pa ang masabi mo." Saka nya ako hinila palabas ng bahay nila.


Kailangan ko na nga atang ipacheck-up ang ulo ni Alexander. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.

"Alexander, may gagawin kaba bukas ng umaga?" Tanong ko sa kanya. Nakita kong ngumiti ito at tumingin sa gawi ko.


"Wala naman. Why? Gusto mong lumabas tayo?" Tanong nito pabalik saakin.


"Ipapacheck-up ko yung ulo. Baka kasi may diperensya na yan. Nagkakamoodswing kana kasi. Sign yun na may problema ka sa utak." Mahabang paliwanag ko sakanya. Nagulat ito sa sinabi ko.

"What? Ako? May diperensya ang ulo ko? Hell no way! Wag mo nalang pansinin ang moodswing ko. Akala ko pa naman lalabas tayo." Sabi nito. Parang mahirap yun. Mahirap baliwalain ang moodswings nya. Sabagay, kakayanin ko rin naman siguro. Anong sabi nya? 'Akala ko pa naman lalabas tayo.' Tama ba ang narinig ko? O nabibingi ako? Atsaka bakit naman kami lalabas?


"Hatid mo ako sa bahay Alexander. Masakit na yung precious paa." Sabi ko sa kanya at tumango lang ito.



Pagtingin ko sa orasan 11:42pm na pala. Maghahating gabi narin pala. Mga ilang minuto lang ay nakaramdam na ako ng antok at unti-unting pumipikit ang aking mga mata. Basta ang naaalala ko nalang ay nakatulog ako habang nagdadrive si Alexander.

----------------------------

BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu