KABANATA II

25 28 0
                                    



DAHIL may biglaang kliyente niya si Uncle Sebastian kaya hindi muna natuloy ang dapat na pag-uusap namin. Kaya hayun, patamad akong humiga sa sofa sa entertainment room pagkauwi ko sa bahay at binuksan ang TV. Ayokong tumuloy sa kuwarto ko dahil baka makatulog lang ako. Sus! Mahirap pa naman akong gisingin, lalo na kapag natutulog-tulugan. He-he. Joke lang. Si Rhoda lang naman ang nabibiktima ng mga arte-arte ko sa katawan.

Speaking of Rhoda, tumuloy siya sa kitchen para maghanda raw ng merienda. Kumalam naman ang sikmura ko dahil sa sinabi niya pero malakas ang kutob ko na kapag nasa harapan ko na ang pagkain ay hindi ko na naman 'yon magugustuhan. Hay naku, babae nga talaga ako. Ang hirap kong espelengin, eh! Isipin mo sarili ko na, hindi ko pa maintindihan? Juice colored!

Walang habas na pinagpipindot ko ang remote control. Nag-channel surf ako dahil wala naman akong mapiling matinong palabas. Sa totoo lang, hindi ako mahilig manood ng mga palabas sa TV. Mas enjoy akong makinig ng music. I love Alternative rock bands at siyempre si Lola Taylor Swift. I liked the fact na ginagawa niyang kanta iyong mga experiences niya sa kanyang mga ex. 'Di ba, ang genius n'on? Mapapamukha mo na sa mga lalaking tumarantado sa 'yo kung ano ang nawala sa kanila nang iwan ka, kikita ka pa nang limapak-limpak na salapi na puwede mong isampal sa mga lalaking masiyadong tanga para iwan ka! Saka mas nagustuhan ko pa siya ngayon dahil naging fierce ang character niya. No more pa-sweet Tay-tay. Rumeresbak na siya sa mga mang-aapi. Kahit sabihin pa ng mundo na pa-victim siya, idol na idol ko pa rin ang bruha. Team snake forevah! Oh, haters, look what you made her do! Pak na pak ka talaga lolah Taylor! Pero hindi ko napanood iyong concert niya noon dito sa bansa. Hindi kasi ako pinayagan ni Uncle. Saka masiyadong ginto ang presyo ng ticket. Kahit naman may dugong bughaw kami (aswang version nga lang) at parehong lawyer si Uncle at ang asawa niya, hindi ibig sabihin n'on ay may swimming pool na sila ng salapi. Malaking pera ang ginugugol ni Uncle para sa pag-aaral ako at pang-araw-araw na pangangailangan magmula pa noong bata ako. Oo nga't maarte ako pero hindi naman ibig sabihin niyon ay bratinella ako, iyong tipong spoiled brat na walang ibang inisip kundi ang sarili niya. I was lucky to have Uncle Sebastian and his family in my life. Kung hindi dahil sa pagkupkop nila sa akin ay hindi ako magiging ganito kung anoman ako ngayon (siyempre, tinatanong pa ba kung ano ngayon? Siyempre gorgeous ako! Kailangan pa bang i-memorize 'yan? Chos!) Marunong akong lumagar sa tama kong kalagyan. Kung tutuusin, isang ungot ko lang ay kayang ibigay ni Uncle ang lahat ng gusto ko, pero hindi ko iyon gawain. Hinihintay ko na bigyan niya ako kaysa ako ang humingi sa kanya. Pagkatapos pasasalamatan ko siya nang buong puso sa pamamagitan ng pagbu-beautiful eyes. Chos! Stir lang. Nag-aaral akong mabuti at mabuti akong bata kahit medyo maarte paminsan-minsan.

Natigil ang walang tigil (ha? ano raw?) na pagpindot ko sa remote control nang mapadpad ako sa channel kung saan isang showbiz talk show ang palabas. Tumambad sa akin ang isang nakangiting mukha na kilalang-kilala ko. Nakakabinging tilian ang maririnig sa background. Automatic na napasimangot ako. Buwisit. Bakit ba sa dinami-dami ng puwede kong makita sa TV ay ang bruhong Ros na ito pa? Sana pala nanood na lang ako ng documentary tungkol sa mga endangered species mas nasiyahan pa ako.

Nasabi ko na na nakakatandang kapatid ni Rhoda si Satanas—este si Ros pala. Artista ang lalaki at marami itong fans (na sa tingin ko ay mga delulu dahil sa paghanga ng mga ito sa lalaki). Sabi-sabi, kamukha raw ni Ros si Rico Yan. Magaling din daw umarte ang lalaki at maganda ang singing voice. Palaging trending topic sa mga social networking sites ang mga proyekto ni Ros. Twenty-three years old na siya pero mukhang mas magiging mayaman pa ang damuho kay Uncle Sebastian. Sa dami ng business ventures ni Ros (aside from showbiz career nito), puwedeng-puwede nang umalis sa poder namin sina Rhoda at ang parents niya—pero mas pinili pa rin nila na manatili sa amin kahit pa sandamakmak na salapi na ang meron si Ros.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Manananggal DiariesWhere stories live. Discover now