Athens, Greece

250 1 0
                                    

Kung ngayon ay araw ng pagdiriwang para sa mga taga-Sparta, taliwas naman ito para sa mga taga-Athens. Para sa kanila, ito ay iisa lamang sa mga araw kung saan kanilang susubukang pagbukludin ang mga lungsod-estado sa Greece pagkatapos nilang talunin ang Persia sa digmaan.

Karaniwang araw lang din ito para kay Mera, na sa kabila ng kagustuhan na maipagdiwang ang kanyang ikapitong kaarawan ay hindi maaari dahil dumayo sa ibang lungsod-estado ang kanyang mangangalakal na ama na si Erasmus upang mangamkan ng mga lupain. Sa halip ay nasa kanilang tahanan siya kasama ang kanyang ina na si Adelpha na tinuturuan siya ng mga gawaing bahay.

Alam ni Mera na ito ang buhay na inilaan sa kanya ni Zeus kung kaya kailangan niya itong tanggapin at pahalagahan sa kabila ng pagiging masalimuot nito.

Cybillus at MeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon