Chapter 1: City of love

Start from the beginning
                                    

Nagtratrabaho ako sa Elle's Magazine, isa sa pinakasikat na magazine sa US. Dalawang taon na rin ako dito sa New York. Noong una, hindi madaling mabuhay mag-isa sa ibang bansa tapos malayo pa ako kina Mama at Kuya Charles, pero sa pagtagal natutunan ko na rin kung paano mag-adjust. Natutunan ko kung paano maging independent. Kahit na-nosebleed ako sa mga katrabaho ko dahil lahat sila mga Amerikano, masaya pa rin ako kasi lahat sila mabait. Ewan ko lang do'n sa boss ko na ubod ng sungit. Minsan mahirap pero kinakaya ko pa rin.

Ito kasi talaga 'yong pangarap ko.

"Candice, we're here," sabi sa 'kin ni Amanda.

Bumaba kami tapos pagpasok namin sa loob, nagulat ako kasi may naka-reserve ng table para sa 'min. Mukhang pinaghandaan nila 'to ah? Anong mayro'n?

"As always, I'm going to order arroz con pollo for us and because we're celebrating. I will also get some wine," sabi ni Louisa. Bigla akong nagutom.

"When are you going home, Candice?"

"I don't know, Amanda. Maybe next week." Lahat sila nag-sad face. Ngumiti na lang ako sa kanila. "Don't worry. I'll be back for sure."

"All right! Here's our food!" sigaw ni Max.

Lahat ata kami gutom. KKB kami sa pagkain – kaniya-kaniyang business. Wala kaming kibuan habang kumakain at wala pang twenty minutes naubos na namin 'yong pagkain namin. Gutom much?

"Hey, Candice, it's your anniversary right? Where's your boyfriend?" tanong ni Max. Napatingin na lang ako sa wine na hawak ko.

"He's busy with his exams, Max. I don't think he's going to be here but it's all right. I understand him," sagot ko.

"Aww. You're such a sweet girlfriend, unlike my girlfriend who's always beating me up." Tumawa si Max at ito namang si Louisa ang sama ng tingin sa kaniya.

"Do you still want to step out of here as my boyfriend?" pagtataray niya.

"I'm just kidding, babe." Natawa na lang kami ni Amanda sa kanilang dalawa.

Hindi ko maiwasang maalala si Jeydon kay Max. Pareho kasi sila ni Jeydon na mapang-asar. I'm just missing him more. Isang buwan na rin kaming hindi nagkikita dahil busy siya sa thesis at exams nila. Ayos lang naman sa 'kin 'yon eh. Boyfriend ko siya kaya kailangan ko siyang intindihin.

Hindi ko ikakaila na umaasa akong pupuntahan niya ako rito. Umaasa akong may gagawin siyang surpresa pero mukhang hindi 'yon mangyayari ngayon. Kung puwede lang sana ako na lang 'yong pumunta do'n sa Korea.

"Seriously, do you think he really loves you, Candice? This day is important to the both of you but he's not even here," sabi ni Max.

"Babe, stop it!" sigaw ni Louisa.

"I'm sorry." Tumayo ako. "Excuse me," sabi ko at nagmadali akong pumunta sa rest room.

Nagkulong lang ako sa cubicle habang unti-unting tumulo 'yong mga luha sa mata ko. Para akong tanga, maliit na bagay lang iniiyakan ko pa. Ano kung hindi siya makapunta? Hindi naman ibig sabihin no'n na hindi na ako importante sa kaniya eh, na hindi niya ako mahal. Masyado lang siguro akong nagiging emosyonal. Magkalayo man kami, nasanay pa rin kasi akong nandiyan siya palagi sa mga importanteng okasyon.

Lalo na ngayon at sixth anniversary namin.

Inayos ko 'yong sarili ko tapos lumabas na ako. Nagulat ako kasi nakapatay na 'yong ilaw ng restaurant. Hinanap ko agad sina Amanda pero wala sila. Nasaan na 'yong mga 'yon?

"Excuse me?" Napatingin ako do'n sa waiter na may hawak na isang rose. "This is for you." Inabot niya sa 'kin 'yong rose.

"Me?" Ngumiti siya sa 'kin.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now