Unang Tikim Part 1

4.9K 27 0
                                        

Hi ako pala si Dan ( di ko tunay na pangalan) 18 years old at kasalukuyan nag-aaral dito sa Manila. Nais kong ibahagi ang unang karanasan ko.


          12 years old ako that time at active sa mga school activities. Lahat nalang ata ng club na pwede salihan, sinalihan ko na. Di kasi ako magaling sa klase kaya bawi nalang sa extra-curriculars.

          Marami akong kaibigan sa school, at syempre meron ding kaaway. Isa na dyan si Drew. 12 years old din Sya pero di kami magkaklase, sa isang seksyon kasi sya. Pero hindi buo ang araw kung di kami magbabangayan. 

          Gwapo si Drew, matangkad, maputi at singkit ang mata. Sabi naman ng ibang kaibigan nya mabait daw si Drew. Pero para sakin sya ang sumisira sa araw ko. Para kaming aso at pusa pag nag aaway. Minsan nga pinatawag pa parents namin kasi naitulak ko sya at nauntog. Yun suspended ako ng tatlong araw.

          October, halos katatapos lang ng second grading period ng ibalita samin na may camping ang boy scout.. (Yes! Boy Scout ako kasi di pwede mag girl scout). Excited ako kasi minsan lang yun at masaya pag camping. 

          Unang araw ng camping maaga palang dumating na kami doon. Nagtayo muna kami ng tent bago nag-orientation about sa mga gagawin at policy sa camp. Sinabi din samin na buddy buddy system at kailangan ng partner. Sa dami kong kaibigan wala manlang akong nakuhang partner at ako nalang natira mag-isa. Maya maya pa dumating ang asungot ng buhay ko. Nahuli siya ng dating dahil may kinuha pa siyang gamit sa school. Kaya no chioce na ako.. Sya ang partner ko.

          Unang task namin kailangan ilipat ang plastic ng tubig mula sa kabila ng ilog papunta sa kabila ng hindi nababasa. Kaya kailangan nya ihagis at ako tagasalo. Ewan ko ba pero binabato nya sakin ang plastik ng tubig kaya pagkatapos ng task basang basa ako. Pangalawa at pangatlong task wala kaming ginawa kundi ang magbangayan ay mag-away dahil di talaga kami magkasundo.

     Second day ng camping, aakyat kami ng bundok and as ussual sya kasabay ko. Partner partner pag-akyat. Kami ang pangalawang aakyat kaya nag antay muna kami ng 5 minutes para magsimula. 

          Tila walang kasamang maglakad ang mokong halos madapa dapa na ako kakahabol. Hangang sa nadulas ako sa bato. Napasigaw ako sa pagkabigla na ikinalingon ni Drew. "Wag kasing lalampa lampa" sabi niya. Abay ako pa napagsabihan eh siya itong nagmamadali. "Wag ka kasi magmadali, para kang ano dyan" , sambit ko. 

          Nagpatuloy kami sa paglalakad at this time medyo binagalan nya. Minsan inaalalayan nya pa ako kung may mataas na kailangan akyatin. Halos 3 hours na kami naglalakad at tila masukal na dinadaanan namin. Wala narin ang mga pananda na dapat naming madaanan. Ibig sabihin naliligaw na kami. 

          Pangit, sigaw ko Kay Drew. "Sino", sagot nya. Ikaw! ganti kong sigaw. Nawawala tayo di mo napapansin. Dahil sun pinasya naming balikan ang among dinaanan nagbabakasakali na mahanap ang daan ngunit mas lalo lang kami nawala. Hangang sa biglang bumuhos ang malakas na ulan. Buti nalang may nadaanan kami na malaking bato na pwede silungan. 

          Habang nag aantay na magtila ang ulan tinanong ko sya kung bakit niya ako lagging inaaway. At nabigla ako sa kanyang isinagot........

(To be continued)

ANO KAYA ANG SAGOT NI DREW NA IKINABIGLA NI DAN.. AT SAAN HAHANTONG ANG KWENTONG ITO ABANGAN!!! 

like me on fb: Facebook.com/truelustconvo



Unang TikimWhere stories live. Discover now