Sinabi ko noon sa sarili ko, kahit na wala na ako dito mananatili parin ang mga sulatin ko sa pagharana sayo. At dahil wala naman akong ibang kayang gawin kundi magsulat, dito ko na lang ipadadaaan lahat ng hirit ko sa iyo.....
Huwag mo sanang isipin na sinusundan kita. Tawagin na lang itong pag-aalala na may halong paglalambing ng isang makata(oh!tunog fliptop ba?Asteeeg...bow.)
Naalala ko tuloy nang minsang kumakain ako. Sumagi ka sa isip ko't hindi na mawala pa. Magnanakaw ka talaga ng oras. Pero game lang naman ang pagkain ko. Sa katunayan, may halong kilig ang pagsubo ko (ng pagkain wag kang ano dyan!!!)
Ganoon na ganoon nga ang pakiramdam ko kapag nakikita, nakakasama at nakakausap kita, dati!! Mababaw lang pero masaya dati. Hindi ito katulad ng nag-aalab na damdamin ko kapag nagsusulat ako hinggil sa isang malalang isyu, o kaya ay nasa entablado at nagkukwento. O di kaya nag-iinterview sa mga alitan ng tao sa labas, nakikipag-usap sa mga estudyanteng nagkakaroon ng masaklap na karanasan sa kani-kanilang klase, guro o maging sa mga ex-boyfriend. Ibang klase rin namang pakiramdam yun....kasiyahang nakatataas ng moral, kaligayahang nakaaantig ng damdamim.
And speaking of kilig, mas tama sigurong tawaging kilig ang nararamdaman ko kapag nakikita at nakakasama kita, dati. Yung tipong natitigilan ako sa tuwing magtatama ang ating mga mata o kaya ay makatanggap ako ng mensahe mula sa iyo. Kahit nga tuldok o smille pa yan sinasave ko pa. Walang patawad ang puso ko...hanep ang peg!!!Alam ko namang wala lang sa iyo ang mga ito e...., baka sabihin mo pa nga awardeee na ako sa pagiging corny ko pero masaya lang talaga ang pakiramdam ko....
Pero pagod na ako. Lagi na lang kasi kitang iniisip, mula nung mag-hiwlay tayo. Umaga, tangahali, hapon, gabi, sa tuwing kakain ng midnight snacks, at isama na rin ang mirienda time. Sige na, pati pagligo, at alam mo na...Sa pagitan ng mga gawain, lumulutang sa kukute ko ang mukha mo, ay mapapangiti na rin ako!!
Bakit nga ba napakagaan ng pakiramdam ko sa iyo?? E, kung tutuusin, di naman kabaitan ang itsura mo, parang chick boy nga, at mortal na kaaway ko ang mga chick boy, kabilang na tatay ko ,tito ko at kapatid ko. Naaalala ko pa ang araw na una tayong pinagtapo ni kupido. Sabi mo ang taray ng itsura ko noon. Puro akala na lang noon e. Mga maling akala pala. Pareho lang tayo
Noon, hindi ko alam kung may patutunguhan nga ba lahat ng kilig na idinudulot mo sa akin. Basta masaya talaga, ang saya-saya talaga. Sana di na matapos ang kalokohan.....
Ngayon, kinikilig pa rin naman ako pero parang nag-iba ka. Di na maiinit ang mga yakap mo. Ano bang nangyari? kung may iba man, (tsismis, haha), sana malaman niya ito at mapagtantong dapat siyang mahiya sa sarili niya, hindi man sa iba. Pag taken na aba p*t*ng*n* lubayan mo na, ika nga sa isang FB post.(Gaga wag mong landiin ang may jowa na kung ayaw mong makaharap si satanas na magdadala sayo sa impyerno)
Pero sa kabila ng tampo't mga tanong ko, walang nagbago-----mahal, mas mahal at mas mamahalin pa rin kita, may forever man o may end of the world man na sinasabi o wala....
Nga pala, malapit nang mag-tatlong taon mula nung naging tayo. Highlight ng buhay ko kung kaya't hinhintay ko muli ang araw na maging tayo ulit.....Hihintayin ko ang pagbabalik mo kahit na anong mangyari saakin hihintayin kita dahil IKAW PA RIN......
THE END!!!!!!
