Di ako ang gusto mo

2 0 0
                                        

Pasensya ka na,
Hindi kasi ako yung babaeng maganda,
Hindi ako kaakit-akit,
Hindi ako yung babaeng pangrampa,
Hindi maganda ang mata,
Hindi matangos ang ilong,
Hindi matangkad,
Hindi sexy,
Simple lang akong babae.

Hindi ako ang gusto mo,
Dahil malakas akong tumawa,
Dahil siga akong maglakad,
Dahil puro lalake ang kasama ko,
Dahil manang akong manamit,
Dahil hindi rin ako yung tipo ng babae na dapat ipakilala sa magulang mo,
Ganito kasi ako,
Pasensya ka na.
Masakit, oo, kasi hindi ako yung tipong babae na magugustuhan mo.

Tula Para Sa'yoHistórias para pegar e não largar. Descubra agora