PROLOUGE
2007
"Fionelaaaaaaa! Habulin mo na ako! Ang bagal mo naman eh!" Sigaw ko kay Fionela na kasalukuyang malayo sa akin. Ano ba 'yan. Ang panget n'yang kalaro. Ang bagal bagal pero mahal ko pa rin siya.
"Francis! Kapag tayo napagalitan ni Mother Jacky humanda ka na talagang lumuhod sa asin at munggo!" Bigla akong nanginig. Ayoko na no'n parang araw-araw na lang ako lumuluhod sa munggo at asin.
"Oh? Natulala ka d'yan Cis?" Sabi ni Fionela na nakalapit na sa akin sabay hagikhik. Paano ba naman kasi tinawag na naman n'ya ako bilang Cis. Nakakabakla.
"Diba Fionela sabi ko sayo wag mo ako tatawagin ng Cis? Tawagan yun ng mga magkakapatid na babae diba? Fionela lalaki ako, lalaki." Naiinis kong paliwag sa kanya.
"Cute nga yung Cis eh. Tapos bihira lang magamit oh diba? Hihi!" Napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Gaganti ako, hindi naman pwede na ikaw lang ang may palayaw sa akin. Tatawagin kitang....."
"Ayusin mo lang Cis ah! Mamaya mukha naman tae ang ipangalan mo sa akin." Reklamo n'ya kahit na wala pa naman akong sinasabi.
"Nela!" Nakangiti kong sambit sa kanya.
"Nela? Saan naman galing 'yun aber?" Agad akong matawa. Paano ba naman kasi, pagkasambit n'ya ng aber inilagaw n'ya yung kamay nya sa magkabilang bewang niya.
"Nela! Galing sa Fionela! Ayoko naman na Fione kasi magiging katunog mo na yung asawa ni manong Rico! HAHAHAHAHA!" Agad akong sinamaan ni Nela ng tingin.
"Alam mo ikaw, ang hilig mong inisin si mang Rico. Pag siya nainis sayo tiyak na hindi ka na niyabibigyan ng tinapay tuwing hapon."
"Okay lang. Nandyan naman si Mother Jacky para mamigay ng pagkain sa atin tatlong beses isang araw." Katwiran ko naman sa kanya.
"Bakit kaya ako iniwan ng mama ko dito?" Wala sa sariling tanong ni Nela. Sa isang taon naming magkakilala. Ngayon nya lang binuksan ang tanong na yan.
"Siguro, para makilala ko at para maging parte ng buhay ko."
"Pero malungkot ang walang magulang. Buti ka nga eh, nakilala mo ang mama mo kaso ako hindi." Malungkot na pahayag ni Nela. Agad ko siya hinawakan sa kamay at hinila papunta sa bahay ampunan.
"Alam mo kasi, hindi ka magiging masaya kapag palagi mo 'yang iisipin. Nandito naman ako eh, pasasayahin kita! Tutal napapasaya mo naman ako. Kaya kotong piece!" Kinotongan ko si Nela sabay taas ng piece sign.
"FRANCIS! ANONG GINAWA MO KAY FIONELA?! BAKIT MO KINOTONGAN?!" Patay tiyak na luluhod na naman ako nito sa munggo at asin.
"A-ah m-mother Jack-ky s-sorry po." Hingi ko ng tawad habang nakayuko ako kay mother Jacky.
"Luluhod ka ngayon sa asin, munggo at bigas! Hindi ka kakain mamaya ng hapunan!" Agad akong napapikit. Ngayon lang ito nangyari. Siguro nga sobra na.
Bigla akong napadaing sa sakit ng may lumapat ng kotong sa aking bumbunan. Tumingala ako at nakita ko si Nela na nakangisi at nakapiece sign. Oh no. Lagot.
"FIONELA?! SASAMA KA KAY FRANCIS! KAYO TALAGANG MGA BATA KAYO!" Pasigaw na sambit n'ya habang naglalakad palayo.
Agad akong humarap kay Nela.
"Bakit mo ginawa 'yon? Mahirap magutom uy!" Nakangiti pa rin sya hanggang ngayon.
"Bakit, di ba sabi mo pasasayahin mo ako? Umpisahan mo mamaya kapag nakaluhod na tayo Haha. Tsaka isang gabi lang naman 'yun. Si mang Rico mamaya mamimigay ng tinapay ibaon na lang natin mamaya sa pagluhod."
Tumango na lang ako sa kanya.
"Basta Cis, walang iwanan ah?" Nakangiti akong tumango sa kanya.
"Oo walang iwanan!"
"Fionela at Francis. Pumasok na kayo sa loob. Naghihintay ang bisita."
"Hello po!" Nakangiting bati ni Fionela sa bisita na nasa kwarto namin.
"Hello mga bata. Ako nga pala si Tito Christopher Herrera. Siya naman si Laura Herrera." nakangiti nilang pakilala sa amin. Parang pamilyar siya.
"Mr. Christopher Herrera? Tapos Ms. Laura Herrera? Di ba mga sikat kayo? Lagi ko kayong nakikita sa TV sa kwarto! Gustong-gusto ko 'yung
ESTÁS LEYENDO
THE CHILDHOOD MEMORIES
RomanceSometimes we need to evaluate our life to present it better to others. We need to be perfect even though we have a lot of challanges that we must face. But, do you believe that the resolution of your problem is just your childhood memories? "One mov...
