Mas na depina ang kanyang perpektong panga habang hinihintay ang pagsasalita ko. Halos luminga ang mga mata ko. Hindi ko siya kayang tingnan pabalik pag mabigat ang kanyang titig sa akin. Tagos hanggang kaluluwa kung makatingin siya at natatakot akong malaman niyang mahal na mahal ko siya. I love him and my decisions were stupid, I know. Hindi ko alam kung may katotohanan ba 'yong feelings niya sa akin pero wala na akong pakealam sa ngayon. Totoo man iyong sa kanya o hindi, ang importante sa akin ay totoo 'tong nararamdaman ko.

Tumango ako at natameme sa kanyang paninitig.

"Babalik ka sa kwarto o you need something?" Nag taas siya ng kilay nang sumulyap ako.

Wala akong maisip na dahilan sa pagbaba ko. "Gusto ko lang uminom ng tubig."

"I have a fridge inside my room. May tubig don." Aniya.

"Sa'yo naman ang ref mo. Ayokong isipin mong nananamantala ako. Marunong naman akong kumuha ng tubig sa kusina."

Tumikhim siya at yumuko. "Hindi ka nananamantala. Do you really think that I care if you touch my things? Hinayaan kita sa kwarto ko. I don't care if you touch anything."

Sa tabi niya ay may pitcher ng tubig. Kinuha niya agad iyon at nagsalin siya sa isang basong nasa mesa at inilahad niya sa akin.

Tinanggap ko ang basong binigay niya. Nahawakan ko ang kanyang kamay kaya nagtama agad ang mga mata naming dalawa.

"Salamat." Sabi ko at sumimsim sa tubig na binigay niya.

Sumalampak siya sa sofa at agad namang dumaing dahil sa sakit sa kanyang dibdib. Nilingon ko siya at nakita kong nakapikit ang isang mata niya sa sakit ngunit nakangisi naman.

"Damn, di ko talaga namamalayan. Kanina pa 'to." Aniya.

Nakita kong may dugong bumahid sa maliit na bandage na nilagay ko. He's bleeding again. Kinagat ko ang labi ko at agad siyang tinabihan.

"Kailangan natin ng mas malaking bandage, Rage. O di kaya magpa ospital ka na. Hindi ako nurse. Mas maganda kung sa ospital." Sabi ko.

"Bukas habang nasa school ka, pupunta ako sa ospital." Aniya.

Ngumuso ako. "Kailangan talaga natin ng bandage."

Luminga ako at naghanap ng bandage sa paligid. Siguro ay inayos niya rin ang sugat kanina dahil may nakita akong first aid kit sa mesa. Kinuha ko iyon at nakakita ako ng kulay brown na bandage.

"Ang tigas ng ulo mo." Sabi ko sabay marahang kinuha iyong medical tape sa kanyang dibdib.

Naging abala ako sa pag aayos ng kanyang sugat sa sofa. Tahimik lang siya at ang tanging naririnig ko ay ang kanyang hininga.

"Hindi ako nurse. Hindi ako marunong nito. Hindi kita magagamot. Sana sa nurse ka na lang magpagamot." Sabi ko habang pinupunasan ng bulak ang kanyang sugat.

"Di bale na ang mamatay basta ikaw 'yong gumamot sa sugat ko."

Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko ang mapupungay niyang mga mata at medyo magulo niyang buhok. Nakangisi siya at nakatingin sa akin na para bang sobrang nahuhumaling siya sa lapit ko sa kanya.

Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon